Roxanne "Anak, naligo ka na ba?" tanong ko kay Crystal matapos naming kumain. "Opo, nanay! Pinaliguan po 'ko ni tata Lor!" sagot naman niya. Ngayon ay abala naman siya sa isang giant doll house na nasa sulok nitong silid ni Claude. Malapit sa partition glass wall ng balcony. Nakahawi ang kurtina nito kaya naman pumapasok dito sa loob ang liwanag mula sa labas. Hindi ko alam kung kailan niya 'yan binili o baka ipinabili na lang niya 'yan dahil wala pa naman 'yan d'yan kahapon. Kumusta na rin kaya ang bedroom ni Crystal na sabi niya ay ipapaayos niya? Kapag okay na 'yon, p'wede naman siguro kami doon ng anak ko kaysa naririto kami sa silid niya. Hindi magandang tingnan lalo't wala naman kaming relasyong dalawa. "Dito ka lang muna, anak, ha? Pupunta lang si nanay sa bus natin. Kukuha a