Roxanne "Ako diinnn!! Lab-lab din ako, daddy!" Naramdaman namin ang mabilis na pagsiksik ni Crystal sa gitna namin kaya naman para akong biglang natauhan. Binitawan ni Claude ang mga labi ko gano'n din ang pisngi ko ngunit nanatiling nakatitig sa isa't isa ang aming mga mata. Pansin ko sa reaksiyon niya na parang nabigla din siya. "Daddy, kiss din ako! Lab din ako, nanay!" Magkasabay na yumuko ang aming mga mata kay Crystal na ngayo'y nagpupumilit na abutin kami. Kaagad din naman siyang yumukod sa aming anak at niyakap ito. "Of course, love ka rin ni daddy. Hmmm!" Pinanggigilan niya ang pisngi nito. Kitang-kita naman ang labis na kasiyahan kay Crystal habang nakayakap sa leeg ng ama niya. Kaagad din siyang tumingala sa akin kasabay nang pagtaas ng braso niya. "Nanay! Kiss din ak