Roxanne "Anak, dito ka na lang matulog. Walang katabi si nanay, eh," ungot ko sa anak ko habang binibihisan ko na siya nang pantulog niya. Isang frozen two piece pajama set. Kasama din ito sa mga pinamili ng daddy niya kanina bago umuwi ng bahay. "Bukas na lang, nanay! Sama mo naman dito si daddy, eh!" Napasimangot ako. Mukhang hindi ko talaga siya mauulukan ngayon. Gusto niya talagang tumabi sa baby nila kuya Charlie at ate Lhevy. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa malawak na silid ni Claude. Katatapos lang naming maglinis ng katawan. Ang daddy naman niya ay nasa labas at kasama ang ama niya at kapatid. Mukhang may masinsinan silang pinag-uusapan. "Ayaw mo na siguro katabi si nanay. Hindi mo na ako love," ungot ko pa rin sa kanya. "Lab kita, nanay! Gagawa kayo ni daddy ng bebe,