Roxanne Umalis na ako mula sa kandungan niya at tinalikuran siya. Inililis ko paibaba ang duster ko. Ngunit napahinto ako nang may mapansin akong kakaiba sa katawan ko. Napayuko ako at itinaas muli ang duster ko sa harapan ko. Hinawakan ko ang tali na nakabigkis ngayon sa puson ko. May munting tela pa na nakalawit sa gitnang bahagi nito. Hinila ko ito kaya naman umikot ang tali hanggang sa lumapad ang tela. Napatitig ako dito hanggang sa mapagtanto ko kung ano ang bagay na 'to. Panty? Ang panty ko? Bigla akong napanganga. Kaagad kong nilingon si Claude na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. "S-Sinira mo ang panty ko?" 'di makapaniwala kong tanong sa kanya. Nabanaag ko naman ang bigla niyang pagngisi. "I had no choice. Can we continue this even if we don't have a commit