Roxanne "La ng chicken, nanay?! Gusto ko pa prayt chicken, eh." "Hindi p'wedeng araw-araw fried chicken, anak. Hindi na healthy 'yon," sagot ko naman kay Crystal habang nasa harapan na kami ng mesa. Kasalukuyan na kami ngayong nag-aalmusal. "P'wede naman sigur--" "No," kaagad kong putol sa pagsabat ng kanyang ama. Siguradong papayagan na naman niya ang anak namin sa gusto nito kahit hindi na maganda sa katawan. "Kahit kaunti?" "Isa ka pa." Binigyan ko ng matalim na tingin si Claude dahil sa pamimilit pa rin niya. "Sabi ko nga hindi. Gulay na lang muna tayo, baby. Mamaya bibilhan ka ni daddy ng pasalubong." Dinagdagan niya ng gulay ang sopas ni Crystal na nasa mangkok. "Aalis ka?" tanong ko naman sa kanya. "I have work today. Uuwi din ako ng maaga. May gusto ka bang ipabili?" "Wa