Roxanne Hindi nagtagal ay tuluyan na ring nakatulog si Crystal. Maingat akong bumangon at bumaba ng kama. Dinampot ko ang remote control na nakakalat na rin sa higaan at pinatay ang tv. Nilapitan ko rin ang tv at binunot ang power cord sa wall socket. Muli akong bumalik ng kama at inayos ang kumot ng mag-ama. Malamig ang temperatura dito sa loob ng silid dahil sa nakabukas na aircon. Nasasanay na rin si Crystal sa ganitong klase ng lamig. Mas mahimbing ang tulog niya dito kaysa noong nasa probinsiya kami at noong sa bus pa kami natutulog. Mainit kasi doon at maalinsangan. Parang ngayon talaga nahanap ng anak ko ang kumportableng tahanan para sa kanya. Lalo't kasama na niya ang daddy niya na pinaka-pinapangarap niya sa lahat. Muli na akong nahiga sa tabi niya. Marahan kong hinagkan a