Roxanne Tuluyan na kaming lumabas ng bus at hinanap ang mga kasambahay sa buong paligid. "Nanay, saan po tayo pupunta?" "Maliligo tayo, anak. Hahanapin natin 'yong banyo nila." "Baka guluhin ni daddy gamit natin!" "Hindi niya gagawin 'yon." Pilit niya pa ring nililingon ang kinaroroonan ng bus namin. Nilingon ko rin naman ito ngunit sarado ang mga kurtina ng bintana sa dulong bahagi nito at hindi rin namin matanaw sa loob niyon si Claude sa ilang bahagi nito. Mukhang hindi pa rin siya lumalabas. "Hayaan mo siya doon, anak. Wala naman siyang makukuha doon." "Baka kunin niya pera natin!" "Wala na tayong pera, anak." "Baka kunin niya... mga noodles natin." Natawa ako sa sinabi niyang 'yon. "Hinding-hindi niya pag-iinteresan 'yon. Napakasasarap ng mga ulam niya." "Masarap nama