Roxanne "Waaaahhh! Uhmmmm..." Napangiti ako habang nakikita ko si Crystal na paulit-ulit na nagwa-wacky sa harapan ng salamin dito sa loob ng laundry room. Ngumanganga siya at ngumunguso habang pinagmamasdan ang sarili niya sa salamin. Natapos na kaming maligo at nakapagbihis na rin kami. "Gusto ko na talagang lumabas, nanay!" "Sandali na lang 'to, anak. Isang banlaw na lang." Minadali ko na ang pagbabanlaw ko ng mga damit namin dito sa sink. Pinagbawalan ko siyang lumabas kaagad dahil nag-aalala akong baka lumapit siya sa pool at pilitin na abutin ang giant floating duck na naroroon. "Baka gising na si daddy!" "Hayaan mo siya." "Sasabihin ko sasakay ako sa duck." Hindi niya talaga titigilan ang duck na 'yon. Inilagay ko na sa isang maliit na planggana ang mga nilabhan kong da