Roxanne "Matagal na kayong magkaibigan ni Nikki?" tanong ko kay Claude. Kasalukuyan ko ngayong ibinubutones ang suot niyang dress shirt. Magtutungo din siya ngayon sa opisina dahil pinasusunod siya doon ngayon ni kuya Charlie. "Three years. It started when kuya Charlie and Lhevyrose got married. I met her in their province, Mindoro." "Oh, akala ko sobrang tagal na talaga. Paano mo siya nakilala?" Ang necktie naman niya ang inumpisahan kong ayusin sa leeg niya. Siya naman ay pansin ko na ang kakaibang pagtitig sa akin at naririyan na naman ang mga maloko niyang mga ngiti. "Pinagdududahan mo na naman ba ako?" "Hindi, no. Nagtatanong lang. Masama ba?" Napanguso naman ako. "Gusto ko lang malaman 'yong mga past events sa buhay mo para mas makilala pa kita at 'yong mga taong nasa paligi