Roxanne Kaagad akong pumasok sa loob ng silid ni Claude. Ikinandado ko ang pinto bago umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Naglakad ako patungo sa gitna. Pinunasan ko ang basa kong pisngi. Naglagi din ba dito si Athena kasama siya? Natulog na rin ba siya sa kama na 'yan? Magkatabi sila at magkayakap buong magdamag? Pero ang sabi ni Claude ay wala pang nangyayari sa kanila. Siguro ay hanggang yakap at halik lang siya kay Athena. Hindi pa niya nagawa sa babaeng 'yon 'yong ginagawa niya sa akin ngayon. Malambing siya, oo. Marahil gano'n din siya kay Athena noon. Napatitig ako sa makakapal na kurtina ng mga bintana at glass wall. Sa malalapad na couch na naririto. Sa nag-iisang painting sa itaas ng kama. Isang napakagandang garden lang naman ang naroroon pero may kadiliman at ang na