Roxanne "Ahm, p-pasensiya na. Pasensiya na talaga, hindi ko sinasadya." Kaagad ding isinara ng babae ang pinto. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang sakit na lumarawan sa mga mata niya habang nakatitig siya sa amin kani-kanina lang. 'Yong pagkagulat niya at tila hindi makapaniwala sa nadatnan niya dito sa loob. Unti-unti akong umalis mula sa pagkakayakap kay Claude. "Sino 'yon?" tanong ko sa kanya. "Just a friend." "Friend lang? Pero nagbubukas ng pinto ng kuwarto mo at kamuntik nang pumasok dito sa loob?" "Close friend." Unti-unting nagngingitngit ang kalooban ko at unti-unti na ring dumarami ang mga isipin ko at mga katanungan sa isipan ko. Ganito yata kapag hindi ko pa talaga siya lubos na kilala at hindi ko pa rin kilala ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalong-lalo