Roxanne Nanaig ang matinding tensiyon sa pagitan namin nila Athena, Joaquin at Claude. Animo'y may isang malaking apoy ang nagliyab na lamang bigla sa gitna naming apat. Nagbabaga ang parehong mga mata nila Joaquin at Claude habang nakatitig sa isa't isa. Habang si Athena naman ay may napakatalim ding mga mata habang nakatitig sa akin. "This is the last time our paths will cross," matigas na saad ni Claude sa kanila. "I'm warning you both. Stay f*****g away and it's better to hide in your f*****g hell holes!" "You bastard--" "Joaquin, enough! Athena! Claude!" biglang sigaw ng isang babaeng kasama ni Joaquin kanina na pumasok dito sa loob ng salon. Ang isa naman ay binabantayan ang mga stylist. Nakita ko ring hawak na nito ang mga cellphone ng mga ito. Medyo may edad na ang babaeng