Roxanne Nagtuloy-tuloy sa pag-ikot ang paligid ko. Hanggang sa mawalan na ako ng balanse. "Roxanne!" "Honey!" Kamuntik na akong bumagsak nang magdilim ang paningin ko. Ngunit nakita ko na lang si ate Lhevy na nakaalalay na sa akin, gano'n din si kuya Charlie. "What happened?" "Maybe she was too surprised, kuya!" "Did she eat?" "Baka may sakit." Naririnig ko na ang pagkakagulo nilang lahat. "Honey, you alright?" Bigla ring sumugod sa amin si Claude at siyang mabilis na yumakap sa akin. "Hey, you okay? Please, answer me." Ilang ulit niyang tinapik ang pisngi ko at hinipan ang mukha ko. Mabilis din ang paghinga ko pero malaking tulong ang malakas na hangin dito sa rooftop. "N-Nahilo lang ako." "Ah, s**t. Kaya mo ba? I'll call a doctor." Lumarawan sa mga mata niya ang pag-aalala.