Roxanne Matapos naming makapamili ay humiwalay na sa amin si Claude. Nagpaalam siya sa akin na kailangan na nilang tapusin ngayong araw ang pictorial nila ni Athena. Last naman na daw iyon para makapagpahinga na rin daw siya bago sumapit ang kasal naming dalawa. Hinayaan ko na rin siya dahil nangako naman siya sa akin. Binuksan nang muli ang mall at nagsibalikan nang muli ang mga tao dito sa loob. Kumain muna kami bago umuwi ng bahay dahil sa pangungulit na naman ng mga bata. LUMIPAS ang mga araw, natapos na nga ang pictorial nila Claude at Athena. Ngunit bigla raw lumipad patungong ibang bansa ang fashion designer na si Lirah kaya hindi niya ito nakausap ng personal tungkol sa resignation niya bilang brand ambassador ng company nila. Hindi ko alam kung ano ang desisyon niya. Hindi ko