CHAPTER 53: Unfamiliar Woman

1837 Words

Roxanne "Nanay! Daddy!" Malalakas at sunod-sunod na katok ang biglang nagpagising sa akin. "Nanay! Daddy!" tinig ni Crystal ang naririnig ko mula sa malayo. Napakalas akong bigla mula sa pagkakayakap ko kay Claude. Pagdilat ng mga mata ko ay bahagya akong nasilaw sa liwanag ng araw na pumapasok na dito sa loob mula sa bintana. Mukhang tirik na ang araw sa labas! "Nanay! Daddy! Gising na kayo!" Babangon na sana ako nang humigpit bigla ang pagkakayakap din sa akin ni Claude. "Claude, 'y-yong anak mo. Tanghali na." Itinulak ko siya kaya napatihaya siya sa kama. "Hmm..." umungol lang siya pero nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata niya. Halatang puyat na puyat siya at pagod na pagod mula sa kakaararo niya sa akin kagabi! Kung hindi pa naglantang gulay ang talong niya kagabi ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD