Roxanne "Roxanne, pasensiya ka na ulit kay Nikki kanina, ha?" ani ate Lhevy nang kami na lamang dalawa ang naiwan dito sa dining room. Pareho pa kaming kumakain ng vegetable salad na ginawa niya kanina. Ang mga kasama naman namin ay nauna na sa sala. "Ayos lang 'yon. Pero okay lang ba siya?" "Hmm." Kaagad din siyang tumango at ngumiti. "Magiging okay din 'yon. Lahat naman lumilipas." Napahinto ako sa sinabi niya at napaisip. Tama siya, lumilipas din ang lahat. Ang alaala ay magiging alaala na lamang ng kahapon. Puwera na lang kung babalik-balikan pa rin ang mga ito at putuloy na gugunitain na para bang hindi makaalis sa kahapong 'yon. "Hindi ko na namalayan kanina ang pag-alis niya. Pasensiya na, nakatulog din kasi ako, eh," sagot ko naman sa kanya. "Okay lang 'yon. Palagi naman