MW | 6

1601 Words
ZEP'S POV Eto kami ngayon, sinosundan si Alexander habang tumatakbo. Shit! Nat, nasaan ka na ba? Habang patuloy kami sa pagtakbo at hindi alam kung saan kami makakarating ay mas lalo lang lumalakas ang enerhiyang naramdaman namin sa Head Office. Nang huminto si Alexander, syempre, huminto na rin kami.Pero nagulat kami sa nakita namin. Si Nat, sakal-sakal ng lalaki. Shit! Dark Wizard! Pero bakit may Dark Wizard dito? Pero bakit may Dark Wizard dito? Susugurin sana ni Alexander yong Dark Wizard pero lumingon lang sa amin ito at ngumisi. Hindi namin siya maatake dahil may barrier sa paligid. NATHALIE'S POV Nang hindi sumagot si Kanji ay may kutob na akong parang may kakaiba. Matagal na siyang patay at nakita ko mismo sa harapan ko iyon. Kaya bakit naman mapupunta si Kanji dito? Tumingin ako sa harapan ko at saka tiningnan ito nang matalim. "Sabihin mo, sino ka?!" Ngunit imbes na sagutin ako ay ngumisi lang siya. Susugurin ko na sana siya nang hindi ako makagalaw. Shit! Shadow manipulator ang isang ito! Anong gagawin ko? Hanggang sa hindi ko namalayan na sakal-sakal na pala niya ako. Nakita ko kung paano siya nagpalit ng anyo. Mula sa Kanji ay naging isang Dark Wizards ito. Sinasabi ko na nga ba at impostor ang isang ito! Habol-hininga na ako dahil sa mas lalong humihigpit ang pagkakasakal niya sa akin nang marinig ko ang mga sigaw nila. "f**k! Pakawalan mo siya!" sigaw ni Alexander. Sa nakikita ko ngayon, sila Zep ay ginagawa ang lahat para mailigtas ako at makapasok sa barrier. Dapat ako rin ay may gawin. Hindi na ako 'yong dating ako na mahina. "Mamatay ka na ngayon!” humahalakhak na ani ng lalaking impostor. "Talaga lang, ah?” sabi ko naman sabay ngisi. Napahiwalay siya sa akin ng wala sa oras. “Sa tingin mo ganoon ako kahina para mapatay sa walang kwenta mong pagkakasakal?” “Wala kang karapatan para gayahin siya! Impostor ka!" “Magbabayad ka!" Pumikit ako at napangiti dahil naalala ko na palagi ko palang dala ang dagger ko. Kahit 'di ako makagalaw nang maayos ay unti-unti akong gumagalaw para kunin ang dagger ko. Nang makuha ko na ito ay sinaksak ko ang sarili ko sa kanang braso at binti. Napangiti na lang ako nang mayamaya ay nakagalaw na ako. Pero nanghihina ako dahil sa ginawa ko. Nag-ipon ako ng enerhiya sa kamao ko at kagaya ng leveling ay binasag ko ang barrier na nakapalibot sa amin. Ang tangi ko na lang nagawa ay magpadala sa katawan kong ngayon ay bumabagsak na. Pero bago pa ako bumagsak sa lupa ay naramdaman kong may sumalo sa akin. Argh! Hindi ko na kaya! At tuluyan na akong nilamon ng kadiliman .. ZEP'S POV Wala kaming magawa kung hindi ang manood lang sa nangyayari kay Nat ngayon. Hanggang sa sinaksak niya ang sarili niya para lang makagalaw. Napapikit na lang ako dahil wala akong magawa para sa kaibigan ko. Nang mabasag na niya ang barrier ay dali-dali naming sinogod ang lalaki habang si Alexander naman ay sinalo si Nat na ngayon ay wala nang malay. Susugurin pa sana namin ang lalaki nang bigla itong mawala at ang huling sinabi ay "Magbabalik ako!” Anong kailangan nila kay Nathalie? SOMEONE'S POV "Sinabi ko bang saktan mo siya?” "Patawarin n'yo po ako, aking panginoon!" "Ang utos ko ay dalhin mo siya rito. Hindi saktan! Paano na lang kung napatay mo siya?" Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinatay ko ang lalaking nasa harapan ko. ZEP'S POV Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang mangyari iyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Nathalie. Palagi namin siyang binibisita pagkatapos ng klase kagaya ngayon. Kasalukuyan kaming nandito sa infirmary upang dalawin si Nat. Hays! Kailan ka ba gigising, Nat? Sobra-sobra na ang tulog mo! Miss na kita at oo nga pala. . . napapansin ko si Alexander na hindi siya sumasabay sa amin kapag bibisita kay Nat pero nahuli ko siya isang beses na pumunta rito. Hindi kasi showy. Mukhang magkaka-lovelife na si Nathalie! Naks, inggit aketch! Aketch?! Eww! What kind of word is that? At saan ko napulot 'yan? Okay, I look so stupid! Siguradong 'yan ang sasabihin sa akin ni Nat kung nakikita niya ako ngayon. Gising na kasi, girl! Nga pala, nasabi na rin namin kay head 'yong nangyari at kami ang na-assign para imbestigahan ang nangyari. NATHALIE'S POV Agad kong sinagot ang aking telepono nang marinig na tumunog iyon. "Hello?” “Good Morning, my queen!” "Good Morning din, my king!” "Nag-breakfast ka na ba, my queen? Huwag kang magpapalipas, ah Masama 'yon!" "Opo, dad! Este, my king pala!" "Hmp!" Napatawa na lang ako kahit hindi ko siya nakikita. Alam kong naka-pout ang loko. "Stop that pout, my king! Sayang wala ako riyan. "Oy, 'yan ka na naman! Mamaya bugbugin mo na naman pisngi ko. Paano na lang ang napakagwapo kong mukha?" "My king, masyadong mahangin! So, kitakits na lang mamaya?" Ibababa ko na sana nang humabol pa siya. "Teka, my queen, kiss ko? Nasaan?" "Mwaah! Bye!" Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Eto ako ngayon, hindi alam kung ano ang susuotin ko. You know, date kasi namin. Inaya ako ng date ng King ko. Wala pa nga kinikilig na ako nang todo-todo! Okay, I'm such a stupid talking to myself again. Malala na ako. Kung mag-enroll na kaya ako sa Mental Academy? Okay, enough that kabaliwan thing nang makapag-ayos na ako. Agad akong bumaba at saktong nandoon na ang king ko. "Woah! You look so beautiful, my queen!” "I know right?" "So, let's go?" Sabay kapit ko ng kamay sa braso niya. May ganoon talaga! Akala mo ay ikakasal na? So what? Inggit kayo? Gumaya kayo! Makalipas ang ilang oras, kahit napagod ay talagang nag-enjoy ako sa date namin. “My queen, bibili lang ako ng makakain. Diyan ka lang, ha? Babalik din ako kaagad," paalam niya sa akin. Tumango ako and I even made a thumbs up. Nangumalis siya ay biglang may lumapit sa akin na tatlong lalaki. I don't know. Hindi ko naman sila kilala. Pinipilit nilang samahan ko sila. Then later on, Kanji came. Syempre natatakot ako. Tatlo laban sa isa? Lalo pa at naglabas ng kutsilyo ang isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD