Nang maglabas ng kutsilyo 'yong isang lalaki ay hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Basta ang alam ko na lang ay tumatakbo na palayo ang mga lalaki at si Kanji. May tama siya ng saksak sa puso. Hindi ko lubos matanggap na kanina ay masaya pa kami pero ngayon ay wala na siya dahil kinuha na siya sa akin. Napamulat ako nang wala sa oras. Naalala ko na naman ang lahat ng iyon. Bakit ba ayaw akong tigilan ng alaalang iyon? Akala ko naka-move on na ako. Hindi pa pala. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. That time, inilabas ko lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako nang umiyak. For the third time, I let myself cry. Who cares anyway? I'm always alone. Nandito ako ngayon sa classroom. As always, boring lang. Ano pa nga ba ang iniisip ko? Bakit ba kasi kail