bc

HenRhei Academy: Magical World

book_age4+
860
FOLLOW
2.7K
READ
others
reincarnation/transmigration
time-travel
witch/wizard
superhero
drama
tragedy
comedy
twisted
magical world
like
intro-logo
Blurb

She was just a normal girl living by herself. She is always lonely. She was called a cold-hearted person by other people. She's a ruler that no one dares to mess with her cause if they, they'll show her what hell is, and she'll make their life miserable.

But in a snap, her life changed, even herself changed when she met the people that will accept her for who she really was and saying that she is the "girl in the prophecy" and she needs to save the magical world. Can she really do that if she doesn't know who she really was. She doesn't know herself anymore and she's constantly asking herself "Who Am I?"

chap-preview
Free preview
MW | 1
Naglalakad ako ngayon. Halos madaling araw na at napapisip ako kung bakit kaya wala akong kinikilalang magulang. Basta nagising na lang ako isang araw na wala na akong maalala. Everytime na inaalala ko ay mas lalo lang sumasakit ang ulo ko kaya itinigil ko na lamang. Sa mundong ito, isa akong gangster at Princess ang tawag sa akin. Walang makakapantay sa lakas ko pagdating sa ganitong bagay kaya binansagan akong ‘cold-hearted’. Why? Dahil wala akong pakialam sa mga taong nalalapit sa akin. Wala akong kaibigan at wala akong awa sa mga taong kumakalaban sa akin. Kapag may ipinatupad akong rule, lahat ay sumusunod dahil kapag lumabag ka ay may kaparusahan. Walang nangahas lumaban sa akin dahil makikita mo ang kailaliman ng impyerno Ipapakita ko sa iyo... Bigla akong napahinto nang maramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Pero nang lingunin ko ito ay wala naman Ako nga pala si Nathalie Sophie Clarkson. Pauwi na ako ngayon. Galing ako sa underground world at simula kanina ay nararamdaman ko nang may sumusunod sa akin kaya binilisan ko na lang ang paglalakad. Nang makarating ako sa bahay ay katahimikan ang sumalubong sa akin. Minsan, parang naiisip kong sana kahit minsan lang maranasan kong magkaroon ng pamilyang uuwian. Kapag nasa labas ay ibang tao ako. Malakas at matapang. Pero kapag nandito ako sa bahay, isa lang akong babaeng mahina, nangangarap, walang kwenta at nag-iisa. Sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako na parang may naramdamam akong kakaiba kaya tumayo na ako. Hindi nga ako nagkamali dahil may isang lalaking naka-itim na cloak ang sumusugod sa akin. Agad kong kinuha ang dagger ko at ihinagis sa kaniya. Sumugod din ako sa kaniya at sinipa siya sa may sikmura pero hindi natinag at muli na naman akong sinogod kaya agad-agad akong umilag. Ngunit nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Parang may lumabas sa palad niyang ngayong ko lang nakita. Teka, ano 'yong lumabas na black? Hindi ko na namalayang tumama na pala sa akin iyon at napuruhan ako. Hindi ako makapaniwalang sa isang pag-atake lamang ay napabagsak na ako. Nakahiga na ako. Nahihilo. Dito na ba magwawakas ang isang katulad ko? Pero ayos lang naman. Napagod na rin naman ako at nagsasawa sa buhay. Siguro matagal na rin akong nag-iisa. Palapit na nang palapit sa akin ang lalak habang nakangisi. Dito na lang ba talaga ang buhay ko? Napaubo ako. "Prinsesa, huwag kang sumuko! Magpakatatag ka!" “Huh? Sino ka?” Ipinikit ko na lang ang aking mga mata tanda na naghihintay na lang akong mamatay. "Magtiwala ka sa sarili mo. Huwag ka basta-basta sumuko! Magtiwala ka lang, Prinsesa." Magtiwala ba kamo? Matagal ko na rin sigurong hindi pinagkakatiwalaan ang sarili ko. Nilamon na ako ng kalungkutan pero hindi naman masama kung maniniwala ako kahit ngayon lang. Pumikit ako at ngumiti at napahawak sa dibdib ko. Parang ang gaan sa pakiramdam. Parang ang lakas lakas ko at parang may kakaiba sa akin. Napamulat ako ng mata nang may naramdaman akong kakaiba sa may kamay ko. Teka, bakit may apoy 'yong kamay ko? Ang init! Teka, hindi naman ako napapaso. Nang harapin ko ang lalaki kanina ay medyo napaatras siya. Naghanda na ako para atakihin siya. Mabilis akong tumakbo papunta sa sa pwesto niya. Susuntukin ko na sana siya nang bigla siyang mawala. Mayamaya pa ay biglang parang naamoy ko siya at agad kong nalaman kung saan siya naroon. Kaya sinipa ko siya agad-agad, hindi pa ako nakuntento at nagpalabas ako ng apoy sa kamao ko kahit hindi ko na alam kung paano nangyari iyon. “Dragon Punch!" sigaw ko pa. Pagkatapos ay biglang naglaho ang lalaking nakaitim at doon ko na naramdaman ang panghihina. Parang hinihila ako sa ibang dimension at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad napakunot ang aking noo. Teka, nasaan ba ako? Napanganga na lang ako sa ganda ng paligid. Para akong nasa paraiso. Maraming puno. Green na green. Pati ang mga bulaklak ay ang titingkad ng kulay. Teka lang? Ano 'yong mga tao na may pakpak? Napakagat labi ako nang mapagtantong isa iyong fairies! Nasaan na ba kasi ako? "Gising ka na pala, mahal na prinsesa." Agad agad naman akong napalingon sa nagsalita at sa paglingon kong iyon ay napanganga ulit ako sa nakita ko. Kung hindi ako nagkakamali ay anim na magagandang babaeng mga dyosa ang kasama ko. Lahat sila ay nakaputi. Ay, teka, hindi pala lahat dahil iyong isa ay nakaitim. "Umm, bakit n'yo po ako tinatawag na prinsesa?" tanong ko. "Nasaan po ba tayo at sino naman kayo?" "Oo nga pala! Hindi pa kami nakakapag pakilala..." "I'm Xychelle, goddess of water." "I'm Michaile, goddess of Earth." "Im Winter, goddess of wind." "I'm Kyla, goddess of dark." "I'm Minerva, goddess of light." "I'm Zurithilian, goddess of fire.” "At nasa mundo ka naming ngayon," sambit nilang lahat. "Teka, totoo ba ito? Nasa mundo tayo ng mga gods and goddesses at kayo ay mga goddesses?" "Oo, totoo lahat at hindi ka nananaginip.” "Bakit nga pala ako nandito?" "Nandito ka para magsanay.” "Teka, naguguluhan ako. Nandito ako ngayon sa mundo ninyo at hindi alam kung anong dahilan tapos ngayon naman ay para magsanay?" "Ng kapangyarihan mo. Dahil nararamdaman namin iyon at kailangan sa pagdating ng araw na iyon ay handa ka na.” "Kapangyarihan? Hindi ako makapaniwala nangyayari ang lahat ng ito. Una, sa lalaki. Pangalawa, 'yong apoy sa kamay ko. Pangatlo, kausap ko ang mga Goddesses! Ano pa ang susunod?" "Kailangan mong maniwala sa lahat ng nangyayari, mahal na prinsesa." "Tinatanggap mo ba, mahal na prinsesa?" Kahit naguguluhan ako, kung makakatulong naman ito. para makilala ko ang sarili ko, bakit hindi?” "Oo, tinatanggap ko." FEW YEARS LATER Nakahiga ako sa damuhan ngayon. Dalawang taon na ang nakalipas simula nang magsanay ako kasama and mga Goddess. Sa mga araw na 'yon, mga sakit at paghihirap ang naranasan ko maabot lang ang layunin kong magpalakas pa. May mga nagbago rin sa akin. Ang buhok ko ay mahaba at kulay gold na. Ang mata ko naman kapag nagagalit ay pula. Kaya masaya naman ay asul. Kaya asul ang mata ko ngayon. Hindi ko nga akalain na mangyayari ang lahat ng ito sa akin. May mga bagay talagang hindi natin inaasahan na mangyayari sa atin. At sabi ng mga Goddesses, huwag ako magtitiwala basta-basta. Alam ko, sanay naman na ako roon at ngayong araw rin ako aalis para pumasok sa isang paaralan kung saan talaga ako nababagay. At sa pagpasok ko roon ay hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari. Pero ngayon pa lang, hinahanda ko na ang sarili ko. "Handa ka na ba mahal na Prinsesa?" "Oo, handang-handa na." "Sana ay mag iingat ka, mahal na prinsesa. Tandaan mo ang mga sinabi namin, sa iyo.” "Masusunod. Naghanda ako para sa pagkakataong ito." “Pumikit ka, mahal na prinsesa, at dadalhin ka namin sa gate ng paaralan.” Pumikit na ako at nag-concentrate hanggang sa naramdaman ko na nagbago na ang paligid ko at nandito ako ngayon sa tapat ng isang malaki at mataas na bakod. Hindi ko alam kung matatawag pa bang gate ito dahil sa sobrang taas at kintab nito. Gawa ito sa ginto. "Teka, paano pala ako papasok dito?” "Hanapin mo sa gate ang parang square at pindutin, mahal na prinsesa” Sinunod ko ang sinabi nila. Nang mahanap ko na ito ay agad ko namang pinindot ito at may nagsalita. “Sino ka? Paano mo nalaman ang lugar na ito? Isa kang pangahas na dayuhan!” "Teka, isa po akong magic user.” Pagkatapos ay naglabas ako ng apoy sa kamay ko. Dahil doon ay binuksan niya ang gate at nabasa ko roon ang HenRhei Academy. So, iyon pala ang pangalan ng paaralan na ito? Habang naglalakad ako, sobrang napanganga na ako dito, to the point na tulo laway na sa sobrang ganda ng paligid. Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako. Teka, saan ba dito 'yong head office ng paaralan na ito? “Excuse me, alam n'yo po ba kung nasaan ang head office?” “Yes, miss, tara sumunod ka.” At gaya nga ng sabi niya ay sumunod ako sa kaniya. Mayamaya ay huminto na siya. Hindi ko napansin sa sobrang pagkamangha sa lugar. "Nandito na po tayo. Pagkatapos, umalis na siya. Nandito ako ngayon sa tapat ng isang malaking pinto na kulay gold ... katulad ng pinasukan ko na gate kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.2K
bc

His Precious Property

read
619.2K
bc

The Sex Web

read
150.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.3K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.2K
bc

NINONG III

read
384.1K
bc

My Godfather My husband

read
271.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook