NATHALIE'S POV
Nagsimula na siyang basagin ang dummy. Naglabas siya ng fire. So, fire bender siya?
Nang matapos siya ay lumabas na ang level niya. Nakikita kasi namin sa screen ang lahat ng magiging resulta.
Psshh! 987 98 lang? Akala ko ba ay malakas ang isang ito?
"As expected from him! By the way, I'm Zepphane Lee but you can call me Phane or Zep. And you are?"
"I'm Nathalie Sophie Clarkson."
"Nice to meet you, Nathalie!" Tinanguan ko na lang siya.
"Next is Nathalie Sophie Clarkson."
Napa-smirk ako nang marinig ang sinabi ng MC.
"Oh, ikaw na pala, Nathalie! Good luck!" ani Zep.
Hindi ko na siya pinansin. Napangisi na lang ako sa naiisip. Level 100? Not bad!
Mula sa taas na kinauupuan ko, tumalon ako hanggang sa stage kung saan gagawin ang pagpapa-level up.
ZEPPHANE'S POV
Napasinghap kami nang tumalon si Nathalie hanggang sa stage. What the eff? iyon pa lang ang ginagawa niya naa-amaze na ako.
I mean, kami. Kasalukuyang nakatayo lang si Nathalie doon. Ewan pero may pakiramdam ako na hindi lang siya basta-basta. She's so mysterious.
Nang kausap ko siya kanina, ang cold niya. Iyong tipong wala nang puso. Para siyang isang manika na walang pakiramdam. Wala kang mababasa sa mga mata niya na kahit anong emosyon.
Nagtataka kami dahil kanina pa siya nakatayo roon pero wala pa rin siyang gingawa. Halos mauubos na ang oras na ibinigay sa kaniya.
“Ms.Clarkson, do something. We have a limit. You only have 1 minute,” the MC reminded.
Pagkatapos sabihin ng MC iyon, nagulat kami sa sumunod na ginawa ni Nathalie.
NATHALIE'S POV
Well, kanina pa ako nakatayo rito kasi iniipon ko ang lakas ko sa kamao ko. Nang maramdaman kong okay na ay agad-agad ko naming sinogod ang dummy na kailangan kong wasakin.
Napangisi na lang ako sa nakita ko.
Basag na basag ang dummy. Hindi lang ang dummy. Pati na rin ang barrier na nilagay ng mga teacher para maprotektahan ang mga estudyante na nasa labas ng stadium.
And to everyone's surprise, I didn't just reached the 100th level. I got 120.
"Wow! What a good performance, Ms. Clarkson! Mukhang may tatalo na sa ating pinakamalakas last year! Maaari ka nang bumalik sa iyong kinauupuan.”
Sumunod naman ako sa sinabi ng MC. . What the eff? Akala ko ba hanggang 100 lang ang level? Bakit lagpas na 'yang sa akin?
Well, lalagpasan ko nga pala 'yan. I'm strong after all. Lumabas na ang ID ko and I'm S-class. Bumalik na ako sa upuan ko and nakita ko si Zep.
"Wow! Ang galing mo naman, Nathalie!" bungad nito.
“Of course!” nakangising sabi ko.
Pagkatapos ng leveling ay pupunta na kami sa room.
Kung titnatanong ninyo si Zep, well, S - class din siya. She got 95! So, classmate ko siya. Nang makarating kami sa class room namin ay nairita ako sa sobrang ingay. Ang g**o! S - class ba talaga itong napasukan namin?
Pumunta na lang ako sa may upuan sa tabi ng bintana at saka nagsalpak ng headset at saka pumikitat nag relax.
Playing: Release Me
Release me
Release my body
I know it's wrong
So why am I with you now
Release me
Release my body
I know it's wrong
So why do I keep coming back
Napasimangot ako nang hindi tumitigil ang kanina pang kumakalabit sa akin. Kanina pa ito, ah? Kalabit nang ng kalabit!
The eff? Hindi ba niya alam na nakikinig ako music at nakakaistorbo siya?
Tumingin ako sa kumakalabit sa akin. Napalunok naman siya.
"Ano bang kailangan mo at kalabit ka nang kalabit?” inis kong sambit.
Tinuro naman niya 'yong sa harapan kaya tiningnan ko naman at may prof na pala sa harapan ko.
"Have a problem, Miss?" mataray na sambit ng prof sa akin.
"Nothing."
"Sorry we're late, ma'am."
May pumasok na apat na lalaki at tatlong babae.
"It's okay. You may go now and sit at your respective chair."
Pagkatapos ay umupo na sila. Alangan namang ngumanga sila magdamag doon, hindi ba?
"I'm Cathedrals Mendelssohn, your adviser for the whole year.
Since it's your first day of school. .. all of you shall introduce yourself in front.
Isa-isa ngang nagpakilala ang mga kaklase ko na hindi ko naman binigyan ng pansin.
"Hey, Nathalie! Your turn na. You're so tulala naman," untag sa akin ni Zep.
Since ako na ... pumunta na ako sa harap. Naka-poker face lang ako.
"Nathalie Sophie Clarkson."
Aalis na sana ako nang may nagtanong sa prof namin.
"Ma'am, anong magic niya?" tanong ng isang kaklase ko.
“You don't need to know," I said with a cold expressions sabay walk out at bumalik na sa upuan ko. Wala ako panahon para makipagkilala sa inyong lahat.
Natahimik naman ang lahat sa sagot ko. At nagpatuloy lang uli ang klase.
“Alexander Zurimitha. Magic is Fire."
"Mendacious Memoir. Magic is Healing."
“Zandra Mended. Magic is Earth."
"Era Beneath. Magic is Music."
"Micheal Mohan. Magic is Wind."
“Xander Neila. Magic is Electric."
“Blake Shelton. Magic is Shadow."
Marami pa ang nagpakilala hanggang sa matapos na lang ang aming klase. Pagkauwi ko ng dorm, sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. What a life!
Nandito ako ngayon sa hallway, naglalakad habang naka-poker face. The eff. Lagi nila akong pinagtitinginan. Alam ko namang maganda ako kaya hindi na kailangan pang ipamukha.
"Good Morning, Nathalie!” Bigla-bigla na lang sumusulpot kung saan-saan itong babaeng ito.
"What's good about morning kung ikaw agad makikita ko?"
“Me ouch! Sakit naman no'n! Alam mo, Nathalie, panira ka ng moment! Okay na sana. Hay nako, palagi ka na lang nakasimangot. Ang cold masyado! Tumawa ka nga minsan."
“Yeah, whatever! Let's go."
“Haba haba ng speech ko, iyan lang sasabihin mo?"
Napansin ko mas lalo kaming pinagtinginan. Ano bang meron?
“What the hell? Nakakaasar na! Bakit ba tingin nang tingin 'tong mga stupid students na 'to?”
"Don't mind them. Let's go! We're gonna be late. I'll explain it to you later."
Nagpahila na lang ako sa kaniya at nakarating naman kami agad. Kaso late na kami. Wala pa rin akong paki. Agad-agad lang akong pumasok.
"Waahh! Sorry, ma'am! We're late. Very sorry, ma'am!" ani Zep
.
Samantalang ako, naka-pokerface pa rin.
"It's okay, Ms.Zepphane. You may sit now."
Hinila na ulit ako ni Zep at umupo na ako sa pwesto ko sa tabi ng bintana. Psh! Boring naman!
Pagkatapos ng klase na hindi naman ako nakinig agad akong inaya ni Zep.
“Tara na, Nathalie! May sasabihin pa ako sa iyo, right?"
"Yeah, I remember."
Pagkatapos hinila na niya ako papuntang canteen.
Pagkarating namin, humanap agad kami ng mauupuan at pagkatapos ay nagsimula na siyang magsalita.
"Well, I'm saying, kaya ka pinagtitinginan kasi kasama mo ako."
"Oh, tapos? Anong meron sa iyo? Bakit tayo pinagtitinginan?"
"Kasi, I'm a Royalty!"
"You mean Prince and Princesses? That's what a royalty, right? And you mean na isa ka roon? Now, I understand why."
"I'm the Princess of the Water Kingdom."
"Hindi na ako nagulat. Sa kapangyarihan mo pa lang ay nahalata ko na. Nasaan ang mga kasama mo?"
Kyahhhhhhh!
Ang gwapo mo Alexander!
I love you, Blake!
Be mine, Xander!
Be my boyfriend, Michael!
Ang ganda mo, Zandra!
Akin ka na lang, Era!
Kyaaahhh! Idol Memoi!
"Well, I guess, masasagot na 'yang mga tanong mo about us. The Royalties. Nandiyan na sila. Papalapit na." Zep smiled at me.
Napansin ko na may papalapit nga sa amin na ngayon ay pinagtitilian ng mga babae at kahit na lalaki. What a stupid!
Binati si Zep ng mga ito.
"Hello, guys!" ani Zep.
“So, who is this beautiful lady beside you?” tanong ni Michael.
“Oh, this is Nathalie. Nathalie, we are the Royalties," masiglang pagpapakilala ni Zep."
“Oh. ..” nasabi ko lang. Mas lalong nasira ang araw ko nang makita ko ulit 'yong stupid boy na 'yon.
“Tsk. Clumsy!” nakaismid na sabi ni Stupid.
“Stupid. Psh." Inirapan ko siya.
“Teka, magkakilala kayong dalawa?” tanong nila.
“Stupid!”
"Clumsy" Sabay naming banggit habang asar na asar.
"Tsk! Stupid! Stupid"
"Clumsy!"
"Calling the attention of Ms. Clarkson!Please go to the Headmaster's Office.”
"Ano namang kailangan sa akin ng matandang 'yon?”
“Grabe ka naman makamatanda, Nathalie! Saka ngumiti ka nga kahit paminsan-minsan lang!"
Hindi ko na pinansin ang puna ni Zep at umalis na. Dumiretso ako kaagad sa office ng head. At ano naman kaya ang kailangan sa akin ng matandang iyon?