Kasalukuyan ako nakatayo sa tapat ng isang kulay gintong pintuan. Kumatok ako at may narinig akong may nagsalita.
“Come in."
Kaya pumasok na ako at sa pagpasok ko ay nakita ko ang isang lalaki na parang kaedad ko lang.
Ngumiti naman siya sa akin. Ako, eto, naka-oh my so famous cold expression.
"How may I help you?”
“Gusto ko po sanang lumipat dito."
"I'm Gregorian Zurimitha, the Headmaster of this Academy."
"I'm Nathalie, Mr. Head."
“So, bago ang lahat, syempre may mga requirements kang kailangan ma-meet. At habang ginagawa mo 'yon ay makakapasok ka na sa academy na ito.
So, better tour yourself now para hindi ka maligaw. Ibibigay ko na lang 'yong info about doon sa tutuluyan mo. And, I'm sorry. I can't accompany you. I'm too busy, Ms. Nathalie. So, here's your key for your dorm and a map of the academy.”
"Thank you, Mr. Head."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umalis na ako. Hawak ko ngayon ang key sa dorm at ang map ng academy.
I decided na pumunta muna sa dorm at pagkarating ko sa dorm ay napa-woah na naman ako dahil pagbukas ko ng pinto ay plain white lang ang kulay ng dorm. Pero nang pumasok na ako ay nagkaroon ng kulay at design which is green, red, brown, blue, gold, and black.
Wow, parang combination ng magic ko!
So, siguro, kaya plain lang noong una. Ang design ng dorm ay dedepende sa magic ng tutuloy dito.
Nag-ikot-ikot muna ako sa dorm hanggang sa napagod na ako at natulog na.
Napamulat ako nang may marinig akong ingay. Alangan namang pipikit? Mumulat nga, 'di ba? Such a stupid me talking to myself!
Hindi ko na lang pinansin ang ingay at napaisip. Tumingin ako sa may wall at nakita ko na it's already 3:00 PM. So, I decided na i-tour ang sarili ko sa Academy.
Nag-ayos na ako at lumabas ng dorm. Habang naglakakad ako, napaisip na lang ako. Sa dalawang taong lumipas, ang dami nang nangyari at ngayon ay nandito ako ngayon sa isang mundo na parang paraiso. Pero sa ibang nilalanang ... ang mundong ganito ay wala para sa kanila.
Napasinghap ako nang may nagsalita sa isip ko.
Sa wakas, nagbalik ka na, aking mahal na reyna!
"S-sino ka?"
"Hindi ito ang tamang panahon para diyan pero ipinapangako kong magbabalik ka sa akin at magsasama tayong muli, aking mahal na reyna!"
At bigla na lang nawala ang boses.
Sino ba siya at ang ang sinasabi niyang magbabalik ako sa kaniya? At bakit Mahal na Reyna ang tawag niya sa akin? Argh! Maraming katanongan ang bumabagabag sa akin.
Sino iyong nagsalita sa isip ko?
Bakit niya ako tinawag na Mahal na Reyna? Sino ba talaga ako? Sino ba ang mga magulang ko? Bakit nila ako iniwan sa Orphanage?
What a messy life of mine! I miss him!
Why did you leave me?
Nandito tuloy ako sa kakaibang mundo ... nagiisa.
At alam ko, simula nang pumasok ako rito ... dito na magsisimula ang bagong buhay ko.
Hey, you! Yes, you, my Queen.
I love you. I like you.
I treasure you.
Coz you are my Queen ...
Napatawa na lang ako nang marinig ko ang magandang tinig niya.
I admit It. I miss him.
I miss him so much.
Ayaw ko pa sana tumayo kaso naalala ko pala na may pasok ngayon. Well, first day of school ngayon. Back to my old self again.
Always a loner with my cold expression.
At dahil first day naman, magiging mabait muna ako.
Ginawa ko na ang routine ko sa pang araw-araw.
Kumain, maligo, mag-ayos, at kung ano-ano pang kaartehan. Dahil maaga pa, pupunta muna ako roon sa may garden na nakita ko.
- FLASHBACK –
Naglalakad lakad ako habang nagiisip ng kung ano-ano nang may madaanan akong sign na nagsasabing ...
“It's dangerous here so Students must not go here Students are not allowed The one who broke this rules and tresspass here Will be given a punishment!”
At dahil matigas ang ulo ko ay hindi ko pinansin 'yong sign kaya pumasok ako at worth it naman ang pagsaway ko dahil ang ganda ng lugar.
Teka, bakit kaya bawal pumunta rito? Sa ganda ng lugar, hindi naman mukhang mapanganib, ah?
-END FLASHBACK -
"What the f*ck!” Ouch!
Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pagkabangga tapos may naririnig akong what the f*ck?
"Hey, you! What have you done, b***h?”
Napatingin ako sa kaharap kong gwapong lalaki. So. what? Ang pangit naman ng ugali!
"Who are you talking to? What did you say, you b***h?”
"Stupid!" I said with a cold expression.
Napasinghap naman ang mga tao dahil sa sinabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Nagbulungan pa, naririnig naman.
"What? Sinabi niya kay prince 'yon?”
"Ang kapal ng mukha! Hindi naman maganda!"
Magsasalita na sana ako at handa nang banatan iyong echosera nang may magsalita na sa speaker.
"Students, proceed to the Hall now."
Bago ako umalis ay binigyan ko naman ng cold expression itong stupid boy and also 'yong mga echoserang frog. Argh! Hindi tuloy ako nakapunta doon sa garden.
Eff! What a bad start of my morning!
Nang nasa hall na kami, kaniya-kaniya na kami ng upo.
“So, mukhang nandito na lahat. Magkakaroon tayo ng leveling kung saan kailangan ninyong mabasag kahit konti ang dummy na nakalagay sa tapat n'yo.
No worries, safe naman iyan dahil may nilagay na barrier ang mga teacher.
Pagkatapos no'n, lalabas ang ID and level n'yo at kung anong section kayo mapapabilang. S-class, A - class, B - class, C-class, and so on..."
Nagtawag na siya ng mga pangalan. Hell, I care?
“Can I sit beside you?”
Napalingon ako kung saan may nagsalita at nakita ko ang magandang babae vacant ang dalawang upuan sa tabi ko ayaw tumabi sa akin ng ibang students so what?
"Yeah, do what you want!"
“Thanks."
Hindi ko na siya pinansin at pumikit na lang ako. Nakakaantok.
"Ano palang level mo last year?” tanong akin ng babaeng nakiupo sa tabi ko.
“Bago lang ako,” deretsong sabi ko "Ahh, ako kasi level 69."
“So, what about that level? Hanggang anong level ba?"
Dahil naging interesado ako sa level ay nagtanong na lang ako sa babae na katabi ko.
“Well, we have 1-100 level. But, wala pang nakaka 100. Kung sakaling makuha mo man ang level na iyon, ikaw na ang pinakamalakas. Pero meron na rito ang pinakamalakas Naka 93 siya last year at for sure mas lalo pang tataas ang level niya."
"Ahh, I see."
"Next is Alexander Zurimitha. Hey!"
Napalingon ako ulit sa kaniya.
"What?" iritado kong sagot.
"Siya iyong sinasabi ko sa iyo. Iyong pinaka malakas last year."
Napalingon ako roon sa sinabi niya and to my surprise that stupid boy is the strongest here. Are they kidding me? I'll show them that I'm stronger than anyone. Lalagpasan ko pa 'yong level na 100.