MAINGAT na sinusundan ni Mariz ang lalaking lumabas mula sa backdoor ng establisyemento kung saan nagana pang iligal na laban na nasaksihan niya. Gusto niyang malaman kung sino ito, kung saan ito nakatira at kung bakit ito lumalaban sa lugar na iyon.
A stupid idea, indeed.
Pero iyon lang ang nakikita niyang paraan para makakuha ng mas maraming impormasyon. Magandang subject nga naman ang lalaki. Mabibigay nito ang mga kailangan niya para sa inaasam-asam na dokyu.
Patuloy na sinundan ni Mariz ang lalaki hanggang sa mapadaan siya isang madilim na kalye. Puno man ng kaba ang dibdib pero nilabanan niya iyon. Nakapagsimula na siya. Hindi na siya aatras. Muli siyang naglakad hanggang sa makalampas sa madilim na parteng iyon. Pero ganoon na lang ang pagtataka niya nang mapansing nawala ang lalaki. Ang nakikita na lamang niya ay mga nakaparkeng sasakyan sa parking lot.
Saan kaya nagpunta ang taong iyon?
Nagpatuloy siya sa paglalakad nang bigla na lang may humablot sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Titili na sana Mariz nang marinig niya ang boses ng isang lalaki.
“Sino ka?! Bakit mo ako sinusundan?”
Nanlaki ang kanyang mata sa napagtanto. Napansin pala siya ng lalaki. Ngayon tuloy ay hawak-hawak siya nito at halos matiris na sa sikip ng pagkakayakap nito sa kanya.
“S-sorry,” utal na sagot niya. Pinipilit na makawala sa yapos nito.
Hindi naman siya nabigo. Pinakawalan siya ng lalaki. Napaatras naman siya at doon na nakita ang mukha nito.
Shems! Hindi pala ‘malayo-genic’ ang lalaki. Pati pala sa malapitan ay may hitsura ito.
Anong may hitsura? Gwapo ‘ka mo! His buzz cut hair made him look so boyish. Sa iksi niyon ay nagmumukha itong bad boy. He also has the saddest eyes she’s ever seen pero mas nakadagdag iyon sa karisma nito. Matangos din ang ilong ng lalaki. Napaisip tuloy siya kung may ibang lahi ba ito. Ang labi naman bagama’t may sugat ay tila mas nagmumukhang sexy. Mukha kasi itong sundalo na galing sa isang matinding laban. Wounded yet victorious.
Ano bang pinag-iisip mo, Maria Zenaida Calderon?!
Gusto niyang tadyakan ang sarili. Mas nauna pa kasi niyang purihin ang hitsura ng lalaki kaysa sa isipin ang pagiging delikado ng kanyang sitwasyon. The man can definitely crush her and even kill her right there and then.
Ang titigas ng maskels, bes! Hindi ito yung buff type but he’s definitely looked so strong. Matatalo ba naman niyon ang malaking mama kung hindi ito malakas?
Natutop niya ang bibig. Bakit hindi niya agad naisip? Pwedeng-pwede pala siya nitong pagsasamantalahan bago patayin. Itapon sa ilog ang kanyang katawan. At mabababalitaan na lang na lulutang-lutang sa ilog Pasig!
My precious sexy body!
Dahil sa naisip ay agad siyang napayakap sa sarili. Hinding-hindi siya papayag na mapagsamantalahan ng isang lalaki kahit na gaano pa ito kagwapo.
“Seriously?” umiiling na tila ba natatawang sabi ng lalaki.
“A-ano?”
“The way you hug yourself eh mukhang takot na takot ka. Do you really believe na may gagawin ako sa’yo?” Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. Pagkuwa’y muling umiling-iling na tila ba natatawa.
Nagtaas siya ng kilay. Kung makangisi ito ay para bang hindi siya kagandahan at walang ka-amor-amor ang kanyang hitsura.
Eh wala naman talagang amor ang suot mong jacket at baggy pants. Hindi ka mukhang babae!
Pero sinadya talaga niya iyon dahil na rin sa lugar na pinasok niya. Hindi siya pwedeng magsuot ng revealing o kahit ano pa mang damit na makakapag-standout sa kanya. She’s a young journalist. Sa edad niyang 26 ay isa na siyang reporter seen on TV on a regular basis. Mahirap nang makilala siya. Siguradong malilintikan siya ng mga gwardiya ng underground fight club na iyon.
“Kung sa tingin mo na ire-r****d ko ang natalo mong pera sa laban kanina, nagkakamali ka, Miss,” pagkuwa’y sabi ng lalaki.
Umiling siya. “Hindi naman ako sumugal kanina.”
Naningkit ang mata ng lalaki. “So bakit mo ako sinusundan?”
“Ha? Ah kasi…” s**t! Bakit di nalang siya um-oo.
Pero ilang saglit lang ay biglang tumawa ang lalaki. “Yeah right. Another crazy fan.”
“W-wait, what?” Did he just say crazy fan?
“I’m sorry but I’m not interested to have s*x with you. Pwede ka nang umuwi,” direktang sabi ng lalaki sabay atras mula sa kanya.
Bigla tuloy siyang nakaramdam na tila ba may ketong siya kung itaboy nito.
What the?! Argh! Ang taas ng tingin sa sarili!
Pero hindi na lang niya pinatulan ang angas ng lalaki. She got a grip of herself and showed a sweet smile. “Naglalakad lang naman ako pauwi. Hindi naman kita sinusundan.”
Tumaas ang kilay ng lalaki. May tila isang karatula na may nakasulat na ‘I don’t believe you’ sa noo nito. “Walang apartment o bahay sa lugar na ito, Miss.”
Umurong ang dila niya sa sinabi nito. Isip Mariz! Mag-isip ka!
“Sino ka ba talaga, Miss?” direkta nitong tanong.“Asset ka ba ng NBI?”
Nanlaki ang kanyang mga mata sa tanong nito. Mukha ba talaga siyang asset ng NBI? WTF?! Baka talaga hindi siya makaalis roon nang buhay kapag inakala nitong isa siyang NBI agent. Iligal kasi ang kalakaran doon at anomang susubok na maniktik doon ay malalagay sa alanganin.
Tumayo siya nang tuwid at saka hinarap ang lalaki. “Mukha ba akong NBI sa’yo? At saka… at saka hindi naman ako dito nakatira. Pauwi lang ako sa amin. Naghihintay ako ng taxi.”
Good job, girl! Ganyan lang. Take it easy.
“Eh ‘di mag Uber ka o Grab. Hindi iyong palaboy-laboy ka rito sa eskinita. Baka mapagdiskitahan ka pa ng mga adik d’yan.”
Iyon langat tumalikod na ang lalaki. Napaisip tuloy siya kung concerned ito sa kanya. Ang isang tao bang bayolente tulad ng mga fighter doon sa ring ay may kabaitan pang itinatago?
Tao pa rin sila, Mariz. Syempre may puso pa rin.
Biglang tinubuan ng pag-asa ang puso ng dalaga. Maaari kayang iyon na ang pagkakataon niya para makakuha ng magandang istorya?
Sinipat niya ang lalaki na patuloy pa rin sa paglalakad palayo sa kanya hanggang sa tila kinain ito ng dilim. Bigla na lamang itong nawala.
Baka kamag-anak ni Batman, bes? Napabuntong hininga nalang siya at saka naglakad sa may kalsada. Sakto namang may dumaan na taxi at pinara niya iyon. Nang makasakay na siya ay narinig niyang biglang umandar ang isang motorsiklo at pumaharurot palayo sa lugar na iyon. Ang ikinagulat niya ay nang mapagsino ang nakasakay sa motorsiklong iyon.
Mad dog?
Ibig bang sabihin ay naroon lang pala ito sa malapit at naghihintay na makaalis siya?
Asuuus! Imposible. Hindi naman siguro siya pag-aaksayahan ng oras ng lalaking iyon. Para saan naman?
Pero paano kung talagang nagpapakita ng kabaitan ang lalaki? Talagang naghintay iyon sa dilim para masiguradong nakaalis na siya nang maayos.
Pwes malalaman ko bukas.
Agad niyang kinuha ang cellphone at pinindot ang Notes app niyon. Tinipa niya ang namemoryang plate number ng dumaang motorsiklo. Nakapagdesisyon na siya. Gagamitin niya ang lalaking iyon para makompleto ang kanyang dokyu.