“YOU’RE nuts, pare,” pahayag ng kaibigang si Niccolo kay Lyon. Nasa Bambino sila at kasalukuyang nagkakasiyahan. Kaarawan kasi ng anak ng may-ari na si River. At dahil regular silang customer roon ay naging malapit na rin sila sa isa’t isa.
“Ilang laban lang naman, Niccolo. Kaya ko naman,” sagot niya sa kaibigan nang tumutol ito sa posibilidad ng pagsali niya sa tournament na binabanggit ni Gardo.
“Hanggang kailan mo ba gagawin ito, pare? You’re self-destructive behavior should be corrected,” komento pa ni Niccolo.
Hindi naman siya kailangan pang paalalahanan nito. He knows himself. Pero tulad noong una ay nagti-tengang kawali lang siya sa mga sinasabi ng kaibigan.
“Don’t worry my, Niccolo. Hindi ako mamamatay. I’ll be fine.”
“Amico pazzo!” bulalas ni Niccolo.
Natawa na lang siya dahil mukhang dismayado na si Niccolo. “Ayan ka na naman.Mag-Tagalog ka nga. ‘Wag mo kong kausapin ng Italian.”
Ilang taon na rin niyang kilala si Niccolo. Kahit purong italyano at sa Bambino lang sila nagkikita ay masasabi niyang isa itong mabuting kaibigan. Hindi rin siya naiilang dito kahit pa may mga rumors na isa itong miyembro ng Italian Mafia.
“Ang sabi ko, siraulo ka. Ewan ko sa’yo, pare. Maiksi lang ang buhay. ‘Wag mong sayangin. ‘Wag mo ring ubusin ang oras mo sa pagpapakamatay. Maging masaya ka na lang.”
Naiiling na tinungga niya ang lamang alak ng kanyang baso. Hindi na lang niya sasagutin ang mga patutsada ni Niccolo. Lalong hahaba lang ang usapan. Sigurado kasi siyang hindi iyon magugustuhan ng kaibigan.
Ilang sandali pa silang nag-uusap nang tumunog ang cellphone ni Niccolo. Matapos niyong kausapin ang nasa kabilang linya ay nagpaalam na rin ito. Hinahanap na raw kasi iyon ng asawa.
“Akala ko ba magdi-divorce na kayo ni Abbey? Hindi ba’t nalasing lang kayo kaya kayo nagpakasal sa Las Vegas?” tanong niya sa kaibigan.
“Next time na tayo mag-usap, pare. Importante raw ang sasabihin ni Abbey.”
“Tingnan mo ‘to. Ang galing mong magpayo pero ikaw ‘tong nagising na lang na kasal na sa isang babae.”
“Sira ka talaga, Lyon. Sumali ka na lang doon sa tournament at baka maalog ng kalaban mo ang utak mo. Sige na alis na ako.”
Iyon lang at mag-isa nang muli si Lyon sa pwestong iyon sa bar. Pinapanood na lang niya ang iba pang mga kaibigan na nakikipagsayahan. Gustuhin man niyang makisaya na rin pero hindi niya magawa. Nagsisimula na naman kasi siyang makaramdam ng lungkot. May naalala na naman kasi siya. It was the woman whom she met last night.
Her face. Hindi niya iyon maalis sa kanyang isipan. It’s like a memory from a dream.
Fuck! Tinungga niya ang natitirang laman ng kanyang baso at saka nagdesisyong magpahangin muna sa labas. Akmang lalabas na siya ng Bambino nang marinig ang boses ng isang babae. Tumatawa ito. Hindi na niya sana papansin pa iyon pero napakapamilyar kasi ng boses ng babaeng iyon. Parang bang narinig niya lang nitong mga nagdaang araw.
Nang lingunin niya ang pinanggagalingan ng boses ay ganoon na lang ang pagkabigla niya. It was her! Siya ang babaeng akala niya ay sinusundan siya kagabi. Siya ang babaeng hindi niya makalimutan ang mukha.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatayo roon. Nakatitig lang siya sa masayang mukha ng babae. Nakikipagkwentuhan ito sa iba pang mga parokyano ng Bambino. Hindi na ito nakasuot ng jacket bagkus isang magandang mini red dress. Nakakahalina itong tignan mula sa malayo.
Pero ganoon na lang ang paghigit ng kanyang hininga nang lumingon ito sa kanya. Her eyes smiling at him. He never felt so naked before. Pero isang titig lang ng babae ay bigla na lang siyang kinabahan.
Damn! What the hell am I thinking? And wait… what the f**k is she doing in Bambino?!
*****
MULA sa gilid ng mga mata ni Mariz ay kitang-kita niya ang paglapit sa kanya ni Lyon. Hindi niya maipaliwanag ang lakas ng kabang nararamdaman. It was her plan to show up at Bambino to see him pero ngayon ‘di man lang niya mapigilan ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
Easy, Mariz. Easy!
Pero ilang sandali pa ay napansin na lang niyang tumigil sa paglalakad ang lalaki. Pumihit ito at tuluyan nang lumabas ng pinto ng bar.
Hindi ba siya nakilala nito? Pero nagtama ang kanilang mga mata! Imposibleng hindi siya nito nakilala.
Damn! Mali ba ang plano niyang magpakita roon? Mali ba ang kanyang timing?
Siguro nga ay naging padalos-dalos siya. Nang makuha niya ang plate number noong nakaraang gabi ay agad siyang nagpunta sa LTO para ipahanap sa kanyang kakilala roon ang may-ari niyon. Doon niya nalaman ang pagkakilanlan ng lalaki.
Lyon Rodriguez.
It was his name. Veterinarian at nakatira sa isang apartment complex ‘di kalayuan sa clinic nito. What bothers her most is the fact that the man seemed too well educated to engage himself into such dangerous activities. Bakit pa ito sasali sa underground fight club kung saan delikado?
Baka naman likas lang na adventurous ang lalaki?
Pero grabe naman! Delikado ang pinasok nito. Bukod sa iligal ay pwede pa nitong ikapahamak or worse, ikamatay ang pagsali roon. Anong rason nito para idawit pa ang sarili sa bagay na iyon?
Curiosity grew deeper inside Mariz. Mas gusto niyang makilala ang lalaki. Mas gusto niyang malaman kung anong ginagawa ng tulad nito sa underground fight club na iyon. She needed answers. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili. Agad siyang gumawa ng hakbang upang makilala pa ang lalaki. She followed him to Bambino bar to know what he’s up to. Kailangan pa niyang ipahatid sa kaibigang si Nessie ang kanyang red mini dress para may maisuot siya sa loob ng bar. She has to be beautiful enough to be noticed by him. Naisip niyang tulad ng ibang mga lalaki ay kahinaan ng mga ito ang magagandang dilag.
Pero bakit ngayon ay hindi yata naging epektibo ang pagpapaganda niya? Kahit nakita na siya nito ay hindi pa rin ito tuluyang lumapit.
No. Baka hindi lang siya napansin nang mabuti ni Lyon ang presensya niya. She should make a move.
“Excuse me, I have to go,” paalam niya sa mga kausap.
“Pero nagkakasayahan pa tayo,” sagot ng isa sa mga lalaki. Malaking tao ito at mukhang nasa lampas trenta na ang edad. Kanina pa niya napapansin na medyo lasing na ito.
“Pasensya na. Kailangan ko na talagang umalis.”
“Sabihin mo muna anong pangalan mo. Napakapamilyar kasi talaga ng mukha mo, miss. Nakita na kita noon,” pangungulit muli ng lalaki.
“Pare, hayaan mo na,” pigil ng isa sa mga kausap niya. Pagkuwa’y hinarap siya nito. “Sige na, miss. You may leave.”
“Salamat!”
Nagpaalam siyang muli sa mga kausap at agad lumabas ng bar. Inikot niya ang mga mata sa parking area upang hanapin ang motorsiklo ng lalaki. She’s sure it was parked there before she went inside. Nang makita ang motorsiklo ay doon niya napagtantong hindi pa ito nakakaalis. Malamang ay nasa paligid lang ito. Pero makalipas ang ilang segundo ay hindi pa rin niya ito nakikita.
Where the hell is that guy?
“Pati rito ay sinusundan mo pa rin ako?”
Muntik na siyang mapatili nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Hindi na niya kailangang pa hulaan kung sino iyon. Pero ibig bang sabihin n’yon ay inaabangan siya roon ni Lyon?
“Y-you are?” Cheret! Sana lang di nito mapansin ang pagkukunwari niya.
Tumaas ang gilid ng labi ni Lyon. “Seriously? You’re gonna push that?”
Shit! Hindi naniniwala sa kanya ang lalaki. Pero hindi na siya makaatras pa. Mapapahiya siya kung mapapatunayan nitong nagkukunwari lang siya.
Sinadya niyang ikunot ang noo.“Ikaw… ikaw ‘yong lalaki sa underground fight club?”
Napangiting umiling si Lyon. “What do you want from me, miss?”
Oh no! Hindi na yata ito maniniwala pa sa kanya. Pero ‘di pa rin siya titiklop. This is her only chance.
“Huwag mo naman akong pag-isipan ng masama. I’m just here to have fun. Nothing more.”
“Really?”
“Really.”
Tumango ito. “Okay.”
Akma itong aalis nang sinubukan niyang pigilan ito.“T-teka! Saan ka pupunta?”
“Uuwi na.”
Stop him, Mariz! “I’ll buy you a drink. Medyo bored ako sa loob. Wala akong makausap nang matino,” agap niya sa lalaki.
His eyes narrowed on her. “Bored? Ang lakas nga ng tawa mo kanina.”
Napakagat labi siya.“Tawa? Ako, tumatawa? Hindi ah.”
Umiiling na tumalikod ang lalaki at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Do something, Mariz! You’re gonna lose your chance!
Akmang tatawagin na niya ang lalaki nang may humarang sa kanyang daan.
“Mariz! Ikaw si Mariz Calderon.‘Yong babaeng reporter! Kaya pala kilala kita.”
Shit! Kung minamalas nga naman.Bakit ba siya naalala ng lalaking ito? Hindi naman siya sikat na reporter. She’s just an average journalist na panakanakang nagkakaroon ng exposure sa TV. Takte at naalala pa nito ang mukha niya.
“S-sorry. Pero kailangan kong umalis.” Dadaan na sana niya ang lalaki nang hawakan siya nito sa braso.
“Teka lang, Miss! Usap muna tayo.”
“Sorry talaga. Pero paalis na ako.”
“Ang kulit mo naman, Miss Mariz! Usap muna nga tayo sabi!”
Ang kaninang pagtitimpi ay tuluyan nang napatid. “Ano ba, kuya? Ang kulit mo rin eh. Sabi nang aalis ako.”
Hinila niya ang braso pero mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanya. “Eh sa gusto pa kitang makausap eh!”
Sa linya ng kanyang trabaho ay natutunan niya ang maraming bagay. Tulad ng pagiging makapal ang mukha, madiskarte at mabilis.Pero ang unang-una talaga niyang natutunan ay ang pagiging matapang. Hindi ka pwedeng maging mamamahayag kung uunahan ka ng takot.
Kaya gamit ang tapang ay hinarap niya ang lalaki. Huminga siya nang malalim at saka kinalma ang sarili.
“Pwede bang bitiwan mo ako? Kailangan ko na talagang umalis,” mahinahon niyang sabi pero nakatitig na siya sa mata nito. Gusto niyang makita nito na seryoso siya.
Ganoon na lang at biglang bumitaw sa kanya ang lalaki. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan din itong umatras palayo hanggang sa tumalilis papasok ng bar.
“Hah! Makuha ka sa tingin kuya. Di ako papabiktima kahit kanino.”
Pero ganoon na lang ang pagkabigla niya nang may maramdaman siyang nakatayo sa kanyang likuran. Agad siyang napalingon at nakitang si Lyon Rodriguez pala iyon!
And gosh! Seryosong seryoso ang mukha nito na kahit sino ay kakabahan.
Oh my! It means…
Hindi pala sa kanya takot ang lalaki kung hindi kay Lyon!
“K-kanina ka pa riyan?” naiilang na tanong niya rito.
Tumango ang lalaki at saka humalukipkip.“Reporter, huh?”
Shit! Nalaman na nga nito ang tunay niyang pagkatao. Hindi na rin niya maitatago pa rito ang tunay na dahilan ng paglapit niya.
“Yes. Nagsisimula pa lang na journalist,” pag-amin niya.
Tumaas ang kilay ng lalaki. “Nagsisimula pa lang? So that’s why you were so eager to follow me around huh? You wanted the big scoop.”
Itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsurrender. “Okay okay! You got me. Pero kailangan ko lang talaga ‘to. I need to make a documentary of the underground fight club.”
“And what made you think na makikipag-cooperate ako sa’yo?”
“I’ll pay you.”
Tumawa ito. “I don’t need your money, Miss.”
Mas matigas pa pala sa inaakala niya ang lalaki. Oh well! Nang nagdesisyon siyang gagawin ang dokyu ay alam naman niyang hindi magiging madali ang lahat. She will do what it takes to make it happen.
She closed her eyes and took a deep breath. “Okay. Name your price. Kahit ano pa. Sabihin mo sa akin ang kapalit ng pagpayag mong interviewhin kita at gawing subject ko.”
Muling tumawa ang lalaki. “Walang pag-aari mo ang pwedeng ipambayad sa akin… Miss Mariz Calderon.”
Nahigit niya ang hininga nang marinig niyang lumabas mula sa labi nito ang kanyang pangalan. It felt like a gangster just spoke her name.
“O-okay. Let me clear myself, Lyon Rodriguez. If you don’t want to reveal who you are, it’s fine. Pwede naman na i-alter natin ang boses mo sa editing ng videos. Pwede rin natin i-darken ang screen para hindi ka makilala. I just need your cooperation,” pamimilit pa niya.
“I told you, Miss. Wala akong planong pumayag sa mga gusto mong mangyari. Besides, you don’t know those people behind the fight club. They can kill anyone who meddles on their business.”
“I know! Alam ko ang consequences ng pinapasok ko, Lyon.”
Tumaas ang gilid ng labi ng lalaki.“Lyon, huh? Getting too informal with me now?”
“And you think being a fighter on that illegal activity makes you formal?”
Tumawa si Lyon. “Feisty.” Pagkasabi ay hinawaan nito ang kanyang baba. “In the real world, ang mga tulad mo ang unang pinapatay ng masasamang loob.”
Pero imbes na umatras ay nakipagtitigan siya rito. “I can take care of myself. I fear nothing.”
“Lahat talaga gagawin mo para lang sa walang kwentang documentary mo?”
“I told you. Just name me your price. Ibibigay ko sa’yo.”
Tumaas muli ang gilid ng labi ni Lyon habang nakatitig sa kanya. Bumaba naman ang mukha nito hanggang sa gahibla na lang ang layo ng kanilang mga labi.
“I don’t think you can give me what I want, Mariz Calderon.”
“Try me, Lyon Rodriguez.”
“Well then…” Suminghap ang lalaki at dahan-dahang idinikit ang labi nito sa kanyang tenga. “Your body….”
Agad nagrigodon ang kanyang puso sa narinig. “W-what?”
“Have s*x with me… Can you do that?”
Nanlaki ang mga mata ni Mariz sa narinig. Agad siyang lumayo rito upang makita ang mukha ng lalaki. She’s hoping to see humor on those eyes pero nagkakamali siya. She could see nothing but lust.
Oh my no… what the hell is he thinking?!