PROLOGUE
MULA sa maliit na salamin sa pinto ng opisina ay sinilip ni Mang Lucio ang mga lalakingnakaupo at umiinom sa loob ng Bambino—ang bar na sampung taon na niyang pinapatakbo. Nagkukumpulan ang mga ito.Mayroong seryoso ang usapan. Mayroon ding nakamasid lang sa musikang nililikha ng banda habang tinutungga ang hawak na alak. Sa dulo naman ay nakaupo ang isang customer na nagpapa-tattoo. Kaibigan ng kanyang anak ang tattoo artist kaya naman hinahayaan niyang doon gawin ang pagtatattoo. Dagdag customers din iyon dahil kilala ang binata na magaling at pulidong gumawa. Babalik na sana siya kanyang mesa nang bumukas ang pinto ng bar. Pumasok roon ang isang lalaking duguan ang labi at may pasa ang mukha.
Mataman niyang tinitigan ito.Hindi niya kilala ang lalaki. Malamang ay baguhan sa bar. Kilala niya ang halos lahat ng regular sa Bambino. At hindi isa roon ang lalaki.
Lumabas siya sa opisina at sinalubong ang lalaki sa may bar area. Naabutan niya itong umuorder kay Rina.Ang kanyang dalagang bartender.
Ngayong mas malapit na siya sa lalaki ay doon na niya napansing nakasuot ito ng suit. Mukhang isang corporate executive kung tingnan. Meron naman siyang mga customer naganoon pero walang pasa at dugo sa labi.Idagdag na rin ang malaking sugat sa may sentido na may dugo pang panakanakang umaagos.
“Are you alright, Sir?” tanong ni Rina sa lalaki.
Pero imbes sagutin siya ay nilagok lang nito ang buong laman ng baso at pagkatapos ay inilapag iyon.
“Isa pa,” anas nito sabay tulak sa baso papalapit sa babae.
“Pero, Sir. Ayos lang po ba talaga kayo? May sugat kayo sa noo.”
“Ano bang pakialam mo? Magsalin ka na lang ng alak!” asik ng lalaki.
Kilala niya si Rina. Matapang ito at walang sinasanto kaya bago pa man ito sumagot ay inunahanna niya.
“Another glass of whiskey for the gentleman,” pagkuwa’y nagsalin siya ng alak sa baso. Sinenyasan din niya si Rina na umalis na muna.
Kinuha ng lalaki ang alak at saka muling tinungga iyon. Bahagya itong napangiwi nang mabasa ng inumin ang sugat nito sa labi.
“Rough night, huh?” tanong niya rito.
Tumawa nang bahagya ang lalaki at saka umiling.“Hindi ba obvious ang sagot sa tanong mo? Mukhang matagal ka na rito. Alam mong lahat ng pumapasok sa mga bar na tulad nito ay problemado. Kaya na nag-iiinom.”
Ngumiti siya. “Not here in Bambino. Men come here ‘di lang dahil may problema sila o malungkot. Others come here because they are happy.”
“Good for them.”
“But looking at you... mababaw ang salitang problema.”
Muling tumawa ang lalaki. “Sanay na sanay ka na sa mga tulad ko siguro.”
Kinuha ko ang isang malinis na bimpo sa cabinet ng mesa at inabot iyon sa lalaki. “May iilan na ring napadaan. Pero wala silang umaagos na dugo sa ulo. You should go to a hospital.”
Inabot ng lalaki ang bimpo at pinunas iyon sa kanyang ulo. “I can’t. Galing na ako roon. The place is f****d up.”
“People die in there. Of course, it’s f****d up.”
Dumilim ang mukha nito.“Kaya ayoko sa ospital.”
“May atraso ka sa pulis?”
Umiling ito.“May atraso ako.Pero hindi sa pulis.”
Sinalinan niyang muli ng alak ang baso at ibinigay iyon sa lalaki. “Good. I don’t like cops either. That drink is on the house. Tumayo ka na rin d’yan at sumunod sa akin. Let’s clean you up.”
“Ang bait niyo naman yata sa mga tulad ko. You don’t know me.”
Umiling ang matanda.“I don’t know you but I know people.”
“Hindi ba kayo nag-aalala na baka masamang tao ako? Masamang tao ako. I let someone die tonight.”
Tumawa si Mang Lucio. “Trust me, I’m worse than you, hijo.”
Naglakad siya at iginiya ang lalaki sa kanyang opisina.
“Ako nga pala si Mang Lucio. I own Bambino. Kaya ko ring tahiin ang sugat mo... Ano nga bang pangalan mo?”
“Lyon po. Lyon Rodriguez.”