Chapter 5

2044 Words
Lala's POV NATATAWA ako habang naglalakad dahil naririnig ko ang malakas na kantiyawan ng mga pinsan ni Sir Matt. "Naiskandalo yata si Lala sa pangit na katawan mo, insan." Rinig ko pang tudyo ni Sir Nathan. "Tsk! Hindi pangit ang katawan ko, ang pangit iyong nagsabi." Pasaring ni Sir Matt sa akin. Humarap ako sa kanila. "Aminin mo na lang kasi, lakas ng loob maghubad eh wala namang abs," pang-iinis ko. Napangiti ako nang makita kong sumama ang tingin niya sa akin. "Hindi ka ba natakam sa katawan ng bebeloves mo?" nakangising tanong ni Sir Andreus. Mukhang gusto nitong inisin ang pinsan. "Hindi po eh. Parang mas maganda pa ang katawan ng mga kargador sa palengke." "Lala!" Pagbabanta ni Sir Matt. "More workout, bebeloves. Umurong iyong laway ko eh," ngising sabi ko. Nang makita kong humakbang ito palapit sa akin ay mabilis ko silang tinalikuran, saka mabilis na tumakbo. "Damn you, woman! Huwag kang magpapahuli sa akin dahil pipilitin ko iyang dila mo!" Lalo akong tumakbo nang mabilis dahil narinig kong malapit na sa akin ang bebeloves ko. "Takbo, Lala! Nariyan na si Matt!" Rinig kong sigaw ni Sir Nathan. Lalo akong kumaripas ng takbo, lumingon pa ako at nakita kong ilang hakbang na lang ang layo ni Sir Matt sa akin. Pakiramdam ko nag-hang iyong utak ko nang ma-realize kong parang nasa pelikula ang scene naming dalawa. Isang bidang babae na tumatakbo habang hinahabol ng bidang lalaki. Tapos kapag naabutan hahaklitin at bubuhatin na parang bagong kasal, tapos iikot-ikot silang dalawa, magkakatinginan at saka dahan-dahang lalapit ang mukha para halikan nang matindi. Mag-iispadahan ang mga dila tapos mangunguyapit ako sa batok ni Sir Matt kasi manlalambot ang tuhod ko sa halik niya. Tapos dahan-dahang mapapahiga sa buhanginan, tapos maglalapat ang mga katawan namin, mararamdaman kong tutusok ang hari niya sa akin, siyempre mag-iinit ako at saka siya. Tapos bubuhatin niya ako papasok sa kuwarto at doon ay magkikita na ang hari niya at ang aking prinsesa tapos papasukin ko na siya sa aking kaharian, siyempre maiiwan sa labas ng pinto ang mga alipin niya kasi sila ang guwardiya sa kaharian ko. At ako namang si gaga tuwang-tuwa kapag naglabas-masok ang kaniyang hari sa bukana ng aking kaharian. At siyempre hindi ko makakalimutang umaray sa una. Napahagikhik ako sa eksenang pumasok sa isip ko. Pero kaagad din akong napatigil sa paghagikhik nang makita kong galit na ang hari-, este mukha ni Sir Matt. Kung nakamamatay lang ang tingin nito ay malamang kanina pa ako nasa morgue. "Crazy woman!" Tiim-bagang na sabi nito saka humakbang papunta sa akin. Kaagad naman akong humakbang paatras habang nakatingin sa kaniya. "Baliw ka na!" "Baliw na baliw sa buteteng kagaya mo," tudyo ko sabay kuripas ng takbo. Lumingon ako at tumatakbo rin siya papunta sa akin. Muling pumasok sa isip ko ang mala-pelikulang eksena, mas binilisan ko ang takbo. "Lulunurin kita kapag naabutan kita!" "Habulin mo 'ko..! Habulin mo 'ko," tumatawang sabi ko. "Go, insan! Catch her!" Malakas na sigaw ni Sir Andreus. "Hulihin mo, insan! Bilisan mo!" Segunda naman ni Sir Nathan. Siyempre ang butete kong irog todo habol, siyempre binilisan ko ang takbo ko kahit hingal kabayo na ako. "Humanda ka sa aking babae ka!" "Ready na me," sabi ko sabay hagikhik. Maging ang mga guest ng resort na nasa tabing dagat ay kaniya-kaniyang cheer para kay Sir Matt para hulihin ako. "Habulin mo 'ko, bilis bebeloves!" "Baliw!" Sabi nito habang hinahabol ako. "Humanda ka sa akin dahil sa pagtawag mo ng butete!" Nawala ang tawa ko nang makaramdam ako ng pagod. Halos lawit na ang dila ko dahil sa pagod, malayo-layo na rin kasi ang natatakbo ko. Ang mabilis na takbo ko ay bumagal na rin. "Pagod ka na?" Pang-aasar nitong tanong nang malapit na akong maabutan. Napangisi ako nang makitang hingal na hingal na rin ito habang hawak ang sariling tiyan. "Pagod ka na rin, pahinga muna tayo?" Humihingal na tanong ko. "Sige--, no way!" Biglang bawi nito nang ma-realize na pinaglololoko ko siya. "Pinagod mo akong babae ka!" Iyon lang at tinawid nito ang natitirang distansiya sa pagitan namin. Nang hahaklitin na nito ang beywang ko ay siyang hakbang ko palayo pero aksidenteng sumabit ang isang paa ko sa ugat ng puno na nasa gilid ng dalampasigan. Dahilan iyon para madapa ako, at literal na nanlaki ang mga mata ko nang may mabigat na bagay ang nakapatong sa likuran ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng pisngi mula sa pagkakasubsob sa buhanginan, saka lumingon sa likuran ko. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong si Sir Matt ang nakapatong sa akin. Kasabay ng pagbalikwas ko ay may lumagatok at biglang pagsigid ng kirot sa siko ko. "Aray!" "Ouch!" Magkasabay na daing namin ni Sir Matt. Napakagat-labi ako nang makita kong sapo nito ang panga habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. "Damn! Namumuro ka na talagang babae ka, ha!" Galit na turan nito saka napaupo sa buhanginan. Umatras naman ako nang bahagya palayo rito. Mahirap na baka biglang umangat ang kamao nito at maglanding sa mukha ko. "Sorry, hindi ko naman sinasadya eh." Nakangiwing sabi ko. "Ikaw kasi, bakit kasi nakapatong ka sa ibabaw ko? Hindi ako marupok at kaladlakarin para pumayag na dito, do'n tayo sa kuwart--,aray!" Malakas akong napaaray nang abutin nito ang noo ko at pitikin nito iyon. "Shut up, will you?! Babasagin mo talaga ang panga ko?" "Sorry na nga kasi, ikaw kasi habol ka nang habol," paninisi ko pa rito. "Kung hindi ka tumakbo hindi kita hahabulin!" "Eh kung hindi mo 'ko hinabol hindi naman ako tatakbo eh." Lalong nagdilim ang awra nito, saka tumayo habang sapo pa rin ang nasaktang panga. Nang tumayo na rin ako ay kaagad itong lumingon at nagbabantang tumingin sa akin. "Tigilan mo iyang pang-iinis mo, Lala. Kapag nabuwisit ako sa'yo, palalayasin kita sa resort na 'to." "Aw, hindi naman ikaw ang amo ko--" "Shut up! Naririndi na ako sa boses mo," pagsusungit nito, saka malalaki ang hakbang na iniwan ako. Wala na akong nagawa kun'di ang humabol ng tingin sa papalayong butete, este poging butete. Epic failed naman iyong eksenang pumasok sa isip ko kanina. Walang nangyari kahit isa, agoy! Naisatinig ko habang natatawa. "Okay lang iyan, nakaisa ka naman ng sapak sa panga, nakabawi ka sa pagpapahirap niya sa'yo," pagkausap ko sa sarili ko. Napahagikhik naman ako dahil do'n. Bawing-bawi na ako. Malawak ang ngiting naglakad ako pabalik sa hotel. Tila artistang kumaway pa ako sa mga guest na nakangiting nakatingin sa akin. Kinikilig sila sa amin ni Sir Matt, ayieh! "Ang cute n'yo pong tingnan," sabi ng isang hindi nakatiis. Siyempre tila may nag-aawitang kambing sa tainga ko dahil do'n. "Boyfriend n'yo po siya?" tanong naman ng isa pa. Malawak naman akong napangiti sa kanila. "Hindi pa nga eh," sagot ko. "Bakit po? Hindi n'yo pa po siya sinasagot? Bagay naman po kayo eh," usisa pa ng isang medyo may edad ng babae. "Kasi hindi pa po siya nanliligaw sa akin, Ma'am." Nagtawanan naman ang mga nakarinig sa sinabi ko. "Ang cute mo naman, Hija," sabi pa ng ginang. Napahagikhik naman ako. At tila nahihiyang inilagay ang buhok sa likod ng tainga ko. "Medyo lang po, Ma'am." Malakas itong tumayo maging ang mga kasama nitong nakaupo sa buhanginan. "I like you. Nakakatuwa ka," sabi pa nito. "Thank you, Ma'am," pasalamat ko. "May anak akong binata, paliligawan kita," sabi pa nito, saka humagikgik. "Baka sakaling bumalik sa dating sigla kapag ikaw ang kasama niya araw-araw." Bigla akong natigilan nang makita ko ang paglungkot ng awra nito. "Kapag nawalan ka ng trabaho, magsabi ka sa akin, ha? Kukunin kitang yaya ng anak ko." "Yaya po?" Lihim akong napangiwi, pang-yaya lang ba talaga ang ganda ko? Piping usal ko sa isip ko. "Yaya with high salary--" "High salary? Gaano po ka-high, Ma'am? Iyong tipong nakasinghot ng utot?" Muling nagtawanan ang mga ito. "Charot!" "Ikaw talaga, ang kulit mo. But seriously kapag pumayag kang maging yaya ng anak ko mataas ang i-o-offer ko sa'yo, Hija. Gusto ko lang makitang ngumiti ulit ang anak kong iyon eh," seryoso nitong sabi. Nakaramdam naman ako ng simpatya para rito. Iba talaga kasi kapag anak ang pinag-uusapan ng mga Nanay. "Don't worry, Ma'am, kapag nawalan po ako ng trabaho sasabihan ko po kayo," sabi ko. Ngumiti naman ito, saka may kinuha sa pouch na hawak nito. May kinuha ito roon, saka iniabot sa akin. Naguguluhanan ma'y tinanggap ko iyon. "Kontakin mo 'ko kaagad kapag wala ka ng trabaho, ha? Willing akong triplehin ang sahod mo para sa anak ko," sabi pa nito. "Maraming salamat po, Ma'am. Pero mawalang-galang na po, nasaan po pala ang anak n'yo?" Usisa ko. "Kasama rin namin dito sa Resort pero sa halip na lumabas ng kuwarto, mas piniling mag-stay sa hotel room na ukupado namin. Tuwang-tuwa ako kasi napapayag namin siyang sumama sa amin sa bakasyon dito tapos iyon pala magkukulong lang din sa kuwarto niya," malungkot na sabi nito. Lalo akong nakaramdam ng awa sa kaniya, ramdam ko kasi ang lungkot niya dahil sa kaniyang anak. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa hallway ng hotel para sumama sa kuwarto ng anak ng ginang. "Maraming salamat, Hija," sabi nito, saka hinawakan ang kamay ko. Nasa tapat na kami ng kuwartong ukupado ng mga ito. Sa family bedroom pala sila naka-stay. "Mamaya na po kayo magpasalamat, Ma'am, kapag may nagawa na po ako para sa anak n'yo," sagot ko. "Ang pumayag kang makita ang anak ko ay malaking bagay na sa akin. Maraming salamat talaga sa'yo." "Walang anuman po, Ma'am. Sana lang po may magawa ako para sa anak ninyo. Saka wala naman po akong gagawin kaya puwede ko talaga siyang kausapin ngayon, sana lang po mas mabait siya ng kaunti sa boss ko," sabi ko. "Boss mo ba iyong humahabol sa'yo kanina?" Kapagkuwa'y usisa nito. "Opo, anak po siya ng mag-ari nitong Resort, Ma'am." "Oh talaga? In love ka ba sa kaniya, Hija?" Hindi naman kaagad ako nakasagot sa tanong nitong iyon. "Oh, sorry hindi ko dapat itinanong iyon." "Okay lang po, Ma'am. Pero para po sagutin ang tanong niyo, hindi ko po alam. Natutuwa po kasi akong inisin iyon kasi ang sungit-sungit sa akin kahit hindi ko naman inaano." "Baka gusto ka niya." "Aw. Sana po magdilang-anghel kayo," sabi ko sabay tawa. Nakitawa na rin naman ang ginang at binuksan ang pinto ng kuwarto. Nauna itong pumasok, sumunod naman ako sa kaniya pero kaagad din akong napahinto nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa kung saan. "F"ck this life!" Malakas na sigaw kasabay ang malakas na pagkabasag ng kung ano. Literal na napaatras ako sa sobrang nerbiyos. Mukhang mali yatang umiral ang kabaitan ko. "I hate this f_ucking life! I hate it! I hate it!" Sigaw ng isang boses lalaki. "Martin! Anak, Martin!" Sigaw ng ginang saka tumakbo papunta sa nakasarang pinto. "Martin, Anak!" "I hate this f_ucking life, Mom! I want to die!" Rinig kong sabi pa ng lalaki, saka malakas na sumigaw. "No, don't say that, Martin! Don't say that, please?" "Ayo'ko na, Mommy! Hirap na hirap na ako!" Hindi ko alam kung papasok ba ako sa kuwarto o tatakbo na lang palabas. Mukhang mas malala ang galit sa mundo ng anak ng ginang. Pero sa huli umiral ang pagiging good Samaritan ko, pumasok ako sa kuwarto kung nasaan ang mag-ina. Pero kaagad kong pinagsisihan iyon nang pagpasok ko may malakas na bagay ang lumanding sa noo ko dahilan para mapasigaw ako. "Ouch!" Daing ko habang sapo ang noo ko. "Lala!" Sigaw ng ginang nang tumingin sa akin. "Oh my God, your forehead is bleeding!" Kaagad itong lumapit sa akin. "Oh my God, I'm sorry, Hija. I'm sorry." Abot-abot ang paghingi nito ng paumanhin. Napangiwi naman ako. "O-Okay lang po, Ma'am," sagot ko, saka lumagpas ang tingin dito. Nag-landing ang mga mata ko sa lalaking nakasampak ng upo sa sahig habang madilim ang mukhang nakatingin sa akin. Hindi man lang mababakasan ng pagsisisi ang mala-halimaw nitong mukha. Chos, guwapo rin naman kahit mukhang papatay ng tao sa sobrang dilim ng mukha. Lord, tama po bang narito ako sa kuwartong ito? Piping dasal ko sa isip ko. "Mukhang mamumuti po ang bulbol ko sa mga lalaking ubod ng susungit," pabulong kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD