Chapter 1
Lala's POV
"Lala, sure ka bang papasok tayo riyan?" tanong ni Kuya Henry sa akin. Ang kasamahan namin ni Jel sa resort. Tubero siya sa resort at naging kaibigan ko na rin, namin ni Jelaine.
"Hoy, Lala, dito na lang ako sa labas," sabi pa nito. Halatang kinakabahan.
Narito kasi kami sa isang mental institute dito rin sa Batangas, para dalawin ang kasamahan namin dati na nabaliw dahil sa pag-ibig.
"Samahan mo ako sa loob, oy. Mababait naman ang mga tao rito eh," pagbibigay assurance ko. Kamakailan lang din naman kasi nabaliw si Berna, niloko kasi ng jowa ayon hindi na kinaya.
"Lala, dito na lang ako-"
"Heh! Samahan mo 'ko," asik ko rito. Para naman itong maamong tupa na sumunod sa akin. Natawa naman ako ng lalong matakot ang hitsura nito nang mapadaan kami sa isang ward.
"Oh my God!" Sambit ko nang makita namin ang isang Nurse na sinasabunutan ng isang babaeng nakadamit na puti. Laking gulat ko nang mapagtanto kong si Berna pala ang nananakit sa Nurse. Pinagtulakan ko si Kuya Henry. "Tulungan mo iyon Nurse, Kuya!"
"Bakit ako?" Hintatakutang tanong niya sa akin.
"Oh eh di sige, tumawag ka na lang ng tulong sa ibang Nurse na makita mo," utos ko at hindi nag-iisip na lumapit sa nagwawalang pasyente. "Berna, huwag!" Awat ko.
Pero mali nga yata na nakialam ako dahil buhok ko naman ang nahablot nito dahilan para mapaigik ako.
"Mga kampon ng kadiliman!" Sigaw ni Berna, habang hila-hila ang buhok ko.
"Anak ng araw naman oh, Berna, ang buhok ko!" Daing ko.
"Dapat kayong ubusin! Mga kampon ng dilim," sabi pa nito.
Pilit kong hinihila ang buhok ko mula sa pagkakahawak niya pero ang lakas niya. Tila hulog naman ng langit dahil may dalawang Nurse pa ang dumating, tumulong sila sa pagpakalma kay Berna.
"Berna, tama na! Si Lala iyan!" Sabi ni Kuya Henry.
"Umalis ka rito, duwede ka! Kutong-lupa ka!"
"Aww! Dahan-dahan naman, Berna," ani Kuya Henry.
Sa wakas ay nabitawan na niya ako. Sa kabila ng pananakit ng anit ko ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa hitsura ni Kuya Henry.
"Berna--"
"Lumayo ka, kutong-lupa!" Ulit ni Berna kay Kuya Henry.
"Sinasabi ko na, ayaw kong pumasok dito," reklamo nito habang masama ang tingin sa akin. Nakita kasi niyang hindi ko na mapigilang mapangiti.
Sabay-sabay kaming nagpahinga ng malalim nang kumalma si Berna matapos turukan ng tranquilizer ng Nurse na sinasabunutan nito kanina. Bigla akong naawa rito nang makita kong may kalmot ang pisngi nito.
"Okay ka lang? Pasensya ka na kay Berna, ha?" Hinging paumanhin ko.
Ngumiti naman ang mabait na Nurse. 'Ayos lang, Ma'am. Pasensya na rin po pati kayo nasaktan ni Berna," sagot nito.
"Okay lang, sana lang gumaling na siya," sabi ko.
Ilang minuto pa kaming nakipag-usap sa kanila tungkol sa kalagayan ni Berna. Wala kasi siyang pamilya dito sa Batangas kaya ako lang ang bumibisita. Nasa Samar kasi ang pamilya niya at naaawa ako sa kaniya. Nagmahal lang pero nabaliw pa.
Maya maya naman ay nagpaalam na rin kami ni Kuya Henry dahil kailangan na naming bumalik sa resort. May trabaho kasing naghihintay sa amin doon at mamayang hapon ang duty namin. Pero siyempre, promoted na ako. Kami ni Jelaine at deserve naman namin iyon.
Simula nang maging jowa ni Jelaine si Gian ay nagsunod-sunod na rin ang swerte ko sa buhay. Bukod sa promoted na ako ay masaya rin ako dahil nawala na sa Resort ang baklang si tikbalang. Na miyembro pala ng sindikato, mabuti na lang nahuli na. Jusko ginawa pang casa ang Resort. At isa pa sa swerte ko ay ang makilala ang kapatid ni Gian na si Matt. Yummy rin kasi, mukhang masarap, charot!
Napangisi naman ako nang maalala ang unang pagtatama ng aming mga mata, parang may spark. Kahit medyo masungit ang awra eh puwede na.
Laman tiyan na rin. Napahagikhik naman ako sa kalandiang naisip ko.
Baka iyang tiyan mo ang magkalaman kapag hindi ka tumigil sa kakirihan. Sikmat ng kabilang bahagi ng isip ko.
"Hoy!" Nagulat pa ako nang tapikin ni Kuya Henry ang balikat ko.
"Bakit ba?" Asik ko.
"Anong bakit ba? Hindi mo ba alam na tumatawa kang mag-isa? Dapat iniwan na kita kay Berna eh, nakakatakot ka na, Lala."
Napatingin naman ako sa paligid at pinagtitinginan na nga ako. Lihim naman akong natawa, baka akala nila baliw na ako. Medyo-medyo lang.
"Umayos ka nga, baka akala nila baliw ka na," asik pa ni Kuya Henry.
"Oo na, tara na nga." Nagpatiuna na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep pupunta sa Resort.
Nakapila na kami ni Kuya Henry nang biglang may humawak sa braso ko.
"Sino ka?" tanong ko sa babaeng nakahawak sa akin.
"Ako ang iyong konsensya," sagot naman niya sabay tawa.
Nangunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw ang aking konsensya?"
"Oo! Ako ang iyong konsensya at may hatid akong magandang balita sa'yo babaeng ambisyosa."
"Aba't, teka nga! Hindi ako ambisyosa, oy!" tanggi ko rito, saka hinila ang kamay kong hawak pa rin nito. "Kapag hindi mo ako binitawan mawawalan na talaga ako ng konsensya."
"Huwag mong hilahin ang kamay mo, manghuhula ako," sabi pa nito, saka hinawakan ang dalawang palad ko.
Napakunot ang noo ko nang ngumiti siya sa akin. At dahil mukhang trip niya akong pagtripan, naisip kong sakyan na rin ang trip niya. Mukhang kagaya ko, may sayad din ang isang ito.
"Anong nakikita n'yo sa mga palad ko? Makakapag-asawa ba ako ng prinsipe?" natatawang tanong ko rito.
Hinimas-himas naman niya ang palad ko. "Mag-iingat ka, babaeng ambisyosa."
"Aba't, nang-aano ka, ah," naiinis na sabi ko.
Hindi naman niya ako pinansin, hinimas-himas lang niya ang kamay ko. "Paparating na, paparating na ang lalaking wawasak sa iyong puso--"
"Teka nga!" Awat ko sa kaniya. "Ang pangit naman niyang hula n'yo. Ulitin n'yo, hindi ba puwedeng puday ang wasakin, bakit puso?"
Napatingin ako sa mga taong nakikiisyuso sa amin nang marinig ko silang tumawa.
"Huwag kang maingay, makinig ka sa sinasabi ko. Pagsapit ng kabilugan ng buwan, magiging reyna ka na ng isang palasyo," sabi pa ng babae.
"Palasyo?"
"Oo, palasyo."
Ipinagduldulan ko sa kaniya ang palad ko. "Pakitingnan naman ho kung anong hitsura noong hari pati po iyong alipin niya," natatawang sabi ko.
Maging ang mga tao ay natatawa na rin sa pakikisakay ko sa babaeng nag-astang Madam Awring.
"Ang hari ay maitim--"
"Maitim? Oh my God! Ano pang hitsura?" Nagtaasan ang balahibo ko dahil ibang hari ang naiisip ko. Iyong haring nakita ko sa dalampasigan dati. "Maitim ba talaga? Ayusin n'yo naman ang hula, ampangit eh."
"Maitim, may mahabang buhok na kulot-"
"Kulot?! Mahaba? Oh my God, ayo'ko na!" Hinila ko na ang kamay ko mula sa kaniya, saka nagpapadyak. "Ayo'ko sa maitim, kulot, mahaba. Parang hindi naman prinsipe iyon eh, kapre yata ang nakikita niyo," reklamo ko. "Ulitin n'yo, basahin n'yong mabuti." Muli kong pinagduldulan ang mga palad ko sa kaniya.
"Maitim talaga ang hari--"
"Iyong mga alipin na lang nga, anong hitsura?" Nakabusangot na tanong ko.
"Kulubot ang balat na parang may buni-"
"Ay naku, Ate, ayo'ko na! Mas gusto ko pang tumira sa gubat kaysa sa palasyong iyan." Lalayo na sana ako pero hinila na naman niya ang kamay ko. At muling binasa.
Aba't ayaw niya talaga akong tigilan, ha?
"Ayusin n'yo naman kasi, Ate," reklamo ko.
"Totoo ang sinasabi ko, ihanda mo na ang puso mo dahil ang haring iyon ang wawasak sa puso mo."
Mabilis naman akong napa-sign of the cross dahil sa sinabi ni Ate. Jusko, parang hindi ko yata kakayanin iyon. Ibang hari at alipin kasi ang nasa utak ko, at literal na tumayo ang bulbol ko este buhok.
"Naku, Ate, tama na po, ha? Mali-late na po kami sa trabaho ko eh. Paalam na po, babush!"
"Nakakulay itim na damit ang haring wawasak sa'yo!" pahabol pa nito.
"Babush!" Nagmamadali na akong sumakay sa humintong jeep sa harapan ko.
Tawang-tawa naman si Kuya Henry sa likuran ko. "Lala, mukhang kapre pa yata ang nakatadhana sa'yo," pang-aasar niya sa akin habang tumatawa.
Masama ko siyang tiningnan. "Hindi naman totoo iyon, 'no? Afam ang gusto ko hindi kapre," asik ko sa kaniya na ikinatawa lang nito.
Sa buong biyahe namin ay walang ginawa si Kuya Henry kun'di asarin ako tungkol sa hula ng babaeng iyon. Sinabi pa nitong sasabihin niya iyon sa kaibigan kong si Jelaine kapag nakabalik na galing sa bakasyon. Yes, nakabakasyon ang Lola n'yo. Nasa paraiso siya kasama ni Gian.
HALOS isa't kalahating oras ang itinagal namin ni Kuya Henry sa biyahe bago nakarating sa harap ng resort. Papasok na sana ako sa gate nang mapatda ako.
Nakita ko kasi ang kapatid ni Gian na si Matt, kabababa lang nito ng magarang sasakyan. Tila mahinhing dalaga na isinukbit ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko. Ibig kong matawa nang makita kong tumaas ang kilay ni Matt.
Hinila ko si Kuya Henry sa tabi ko. "Kuya Henry," tawag ko rito.
"Hmm? Ano na namang nangyari sa'yo at para ka na namang bulate na inaasinan?"
"Parang ayaw ko na sa English," nakangising sabi ko habang kay Matt nakatingin.
"Ano na pala ang gusto mo?"
"Matt na lang ang gusto ko-,aray!" Daing ko nang tuktukan niya ang ulo ko. "Tumigil ka, Lala. Baka magaya ka kay Berna kapag diyan ka na-in love."
"Bakit naman?" tanong ko.
Inilapit naman ni Kuya Henry ang mukha sa may tainga ko. "Balita ko, matinik sa babae iyan, saka maganda raw ang tipo niyan."
Masama ko naman siyang tiningnan. "At anong ibig mong sabihin, na pangit ako?"
"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako," sabi nito at iniwan akong nanghahaba ang nguso.
Sumunod naman ako sa kaniya, tumigil muna ako sa may puwesto ni Sir Matt. At pa-cute na ngumiti. "Hi, Shir, pasok na po kayo sa buhay ko."
"Crazy woman!" Rinig kong sabi nito.
Sa halip na mainis ay isang pamatay na kindat ang isinukli ko sa kaniya. Napahagikhik pa ako nang lalong magsulubong ang mga kilay ni Sir Matt. Pero tila hindi akin ang araw na iyon dahil aksidenteng nasabit ang paa ko sa gilid ng gate dahilan para madapa ako, una ang mukha.
At ang hudyo, sa halip na tulungan ako ay malakas pang tumawa. Mabuti na lamang may isang guest ng resort ang umalalay sa akin.
"Thank you po," pasalamat ko habang nag-aalis ng buhangin na dumikit sa mukha ko.
"Walang anuman," sagot ng tumulong sa akin at iniwan na ako.
Natigil ako sa pagpagpag ng damit ko nang dumaan si Sir Matt sa tabi. Umiral ang kapilyahan ko, eksaktong pagtalikod niya sa akin ay sinundot ko ang puwet nito sabay kuripas ng takbo.
"Lala!" Sigaw niya sa akin.
"Lalawit! Babush, habulin mo 'ko!"
"Crazy!" Sigaw pa nito.
Lalo lang namang lumakas ang halakhak ko. Hmm, mukhang ayaw ko na sa Afam. Malayo na ako kay Matt nang matigilan ako.
Dahan-dahan akong lumingon at gano'n na lang ang pagsilakbo ng puso ko nang ma-realize kong nakaitim si Matt.
Nakaitim ang haring wawasak sa'yo. Umalingawngaw sa isip ko ang huling sinabi ni Madam Awring.
Si Matt? Siya ang wawasak sa---halaa! Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang bagay na iyon.