Author's Note:
Kamuka po ni Toyang ang nasa media.
* * *
"KISAME III"
* * *
Patay sindi ang mga ilaw sa k'warto ni Candy habang umaatungal ang aso na si Brandon. At habang umaatungal ang aso ay dinilian nito ang dugo na umaagos sa bibig ni Toyang, hindi na gumagalaw si Toyang ng mga sandaling 'yon. Tumusok sa kan'yang tiyan ang pinakatuktok ng tukador sa k'warto ni Candy.
Bumukas ang dalawang bintana sa k'warto ni Candy at may mga nagpasukan na maliliit na itim na ibon sa k'warto at dumapo ang maraming ibon sa katawan ni Toyang at pinagtutuka ng mga itim na ibon ang patay na katawan ng katulong. Napuno ng maliliit na itim na ibon ang buong k'warto, kasabay ng patuloy na pagdila ng aso sa dugo na nakakalat sa sahig. Parang gutom na gutom at uhaw na uhaw ang aso na si Brandon.
Nagkaroon ng pagkakataon na tumayo si Candy habang abala ang aso ni Toyang sa pagdila ng mga nakakalat na dugo nito sa sahig. Marahang naglakad si Candy palabas ng k'warto. Karga niya ang bunsong anak na si Thea, habang si Josephine naman ay nasa kan'yang likuran, nakapasan.
At habang sila ay palabas ng k'warto, patuloy sa paghuni ang mga maliliit na itim na ibon, para sila'ng napadayo sa lugar at hindi mo makikita sa pilipinas. Namumugto ang mga mata ni Candy at nanginginig sa takot. Ang kilabot na kan'yang nararamdaman ay umabot na sa kanyang ulo, na kanina lang ay nasa katawan pa lang. Magkaganun pa man--ginawa ni Candy ang lahat para makalabas ng k'warto, sa kabila ng maingay na huni ng mga maliliit na ibon.
Hindi alintana ng aso na si Brandon na patakas na ang mga amo nila ni Toyang. Hindi pa nakuntento ang aso sa pagdila ng dugo ni Toyang sa sahig at tumalon ito sa tukador para naman dilaan ang mga dugo sa katawan ng amo. Nakikipag-agawan siya sa mga maliliit na itim na ibon. Gutom at uhaw ang nararamdaman ng aso ng mga sandaling 'yon. Parang wala siya'ng kabusugan.
* * *
Naisakatuparan ni Candy at ng mga anak ang makalabas ng k'warto, matinding sakripis'yo ang ginawa ng ina para sa kan'yang mga anak, kahit na nanginginig ang paa at muntikan pa'ng matumba ay nagawa niya'ng makalabas para sa kaligtasan ng kan'yang buhay at ng mga anak. Ngayon ay naglalakad na sila pababa ng hagdan. Kailangan nila'ng makalabas agad ng bahay, bago pa man mapansin ng aso na wala na sila sa kama.
Tatlong hakbang na lang at nakababa na sila ng hagdan. At sa muling paghakbang ni Candy ay umungol ng malakas ang aso na si Brandon. Sa gulat ni Candy ay nabitawan niya ang bunsong anak na si Thea. Walang malay ang bata, habang si Josephine naman ay iniinda pa rin ang sakit ng ulo at katawan dahil sa pagkakaumpog niya at pagsipa ni Toyang sa kan'yang katawan.
Nataranta si Candy at napatingin sa taas. Kailangan nila makalabas agad ng bahay dahil kung hindi, mamamatay sila ng walang laban. Kahit na masakit ang mga paa ni Candy ay pinilit niya'ng mabuhat ang bunsong anak ng hindi malalaglag sa likod niya ang panganay na si Josephine.
"Josephine.. wag kang bibitaw, kumapit ka lang mabuti sa leeg ko. Higpitan mo ang yakap anak. Kailangan natin makalabas agad ng bahay, tatagan mo ang loob mo. Hindi natin iiwan ang kapatid mo, nasa panig natin ang diyos." Sambit ni Candy habang pilit na kinukuha ang anak na si Thea na nalaglag sa pagkakarga dahil sa gulat ng umatungal ang aso.
Nang makuha na ni Candy ang anak ay agad itong humakbang palabas ng bahay. Mga sampung hakbang ay nasa pintuan na siya. Umiinda rin si Candy ng kirot sa ulo dahil sa kanyang pagbagsak mula sa kisame. Pero hindi niya 'yon pinapansin, patuloy siya sa paglalakad.
Bukas ang pintuan ng bahay, malapit na silang makarating at makalabas. Isang hakbang na lang sana ay mahahawakan na ni Candy seradura ng pintuan, kaso biglang nagliparan ang maliliit na itim na ibon at humarang ang mga 'yon sa kanilang daraanan. Parang isang malaking pader na hindi mo matitibag ang ginawa ng mga ibon. Matinding takot ang naramdaman ng ina para sa kan'yang mga anak. Mas gugustuhin pa niya na siya na lang ang mamatay 'wag lang ang mga anak, dahil bata ang kan'yang mga anak at marami pa siyang pangarap para sa mga ito.
* * *
Hindi alam ni Candy kung saan sila lalabas ng mga sandaling 'yon. Dahil kahit malakas ang ulan at kumukulog, hindi natitinag ang mga maliliit na itim na ibon na nakaharang sa pintuan. Animo'y may mga isip ang mga ibon at nakaporma sila na parang pintuan.
Tuliro na si Candy, kailangan na talaga nila'ng makalabas ng bahay. Ilalapag na niya sana ang bunsong anak na si Thea sa sahig para kumuha ng ipangpupukpok sa mga ibon na nakaharang sa pintuan, kaso sa t'wing iaamba niya'ng ilalapag ang anak ay humuhuni ang mga ito na parang sabik na sabik na kumain ng tao.
"Pa pa ta yin ko kayo!"
Kakaibang tono ng boses ang umalingawngaw mula sa taas ng bahay. Nakakapangilabot ang boses ng sumigaw, hindi mo mawari kung sigaw ba ng tao o sigaw ng hayop. Napatingala si Candy sa hagdanan. Itim na usok ang unti-unting sumisingaw, pakiwari niya'y sa loob ng k'warto niya nanggagaling ang itim na usok. Nanginig ang mga mata ni Candy, matinding takot ang kan'yang naramdaman. Nadagdagan pa 'yon ng maiingay na huni ng mga maliliit na itim na ibon. Hinahawi ni Candy ang mga ibon subalit tinutuka ng mga ito ang kamay niya, puro sugat na ngayon ang kaliwang kamay ni Candy.
"Mama... mahal na mahal ko po kayo." Sabi ni Josephine sabay halik sa kanang pisngi ng kan'yang ina. Nararamdaman na siguro ni Josephine na nalalapit na ang kanilang kamatayan. Pati ang bunsong anak na si Thea ay nagsabi na mahal na mahal siya nito. Tumingala ulit si Candy sa taas at sa pagtingala niya'ng 'yon ay tumulo ang maraming luha sa kan'yang mata. Hindi niya lubos maisip na ganito ang mangyayari sa kanilang pamilya dahil tinanggap niya ang isang katulong na may alagang aso na sad'yang kakaiba.
[Pagbabalik tanaw sa nakaraan]
Tatlong buwan ang nakararaan bago lumipad patungo'ng gitnang silangan ang asawa ni Candy na si Henry. Ang kanyang destinasyon ay sa Amman, Jordan. Ang trabaho ng kanyang asawa ay isang mekaniko ng sasakyan. Pagkakataon na ni Henry para mabigyan niya ng magandang buhay ang pamilya. Malungkot man dahil lilisanin niya ang pilipinas, mas nalulungkot siya'ng mapalayo sa asawa't mga anak.
Nakaimpake na si Henry at nakaparada na rin ang kanyang sasakyan papunta sa paliparan. Nagyakapan sila mag-asawa at niyakap niya rin ang dalawang anak na sina Josephine at Thea. Umiiyak ang asawa't mga anak niya dahil matagal siyang mawawala. Dalawang taon ang kontrata ng kumpanya kay Henry. Ibig sabihin dalawang pasko at dalawang bagong taon silang hindi magkakasama ng pamilya.
"Mahal, kapag hindi mo na kaya. Maghanap ka ng makakatuwang mo dito sa bahay at sa mga bata. Maghanap ka ng katulong na--"
Natigilan si Henry sa pagsasalita ng may biglang sumulpot na hindi kantadaan na babae, nasa kuwarenta anyos na ang babae at may karga karga itong aso na nakatakip ang mukha.
Napalingon si Henry sa nagsalita, "Ako po mag-aplay bilang katulong." Nakangiting sabi ng babae. Nanlaki ang mata ni Candy at laking pagtataka naman ni Henry sa biglaang pagsulpot ng babae.
"Mahal mukhang hindi naman siya mapagkakatiwalaan." Bulong ni Candy sa asawa. Sabay lingon sa babae na nasa labas ng kanilang bahay, hindi nawawala ang ngiti ng babae. Hindi rin ito kumukurap.
"Mukhang masiyahin naman siya mahal. Subukan mo muna--" lumingon muna si Henry sa babae bago nito ipagpatuloy ang sasabihin, "Mukha naman siya'ng masipag. Wala naman mawawala kung tatanggapin natin siya, hindi ka na rin mahihirapan maghanap, para siyang hulog ng langit. Biruin mo kakasabi ko pa lang sa'yo, lumitaw agad siya." Mahabang salaysay ni Henry sa asawa. Sabay lingon sa babae at ngumiti.
"Tanggap na po ba ako?" nakangiting tanong ng babae.
"Tumuloy po kayo." Masayang sabi ni Henry at pinapasok na nila sa loob ng kanilang bahay ang nag-aaplay na katulong.
Mahaba ang naging kanilang diskus'yon, maraming tanong ang itinanong sa babae na nagngangalang Toyang. At ipinakilala rin niya ang kan'yang alagang aso na si Brandon. Tinanggal ni Toyang ang nakatalukbong sa ulo ng alagang aso. Laking gulat ng mag-asawa na kawangis ng aso ang mukha ng tao. Subalit iba ang naging reaks'yon ng mga anak. Natuwa ito sa aso ni Toyang at hinimas himas nila ang aso. Hindi naman nagalit ang aso, tumatahol ito na masaya--kaya tinanggap na nila agad si Toyang.
At nang makapag-usap na't nagkaliwanagan ay nagpaalam na muli si Henry dahil mahuhuli na siya sa kan'yang biyahe papunta sa Amman, Jordan. Hinatid ni Candy palabas na ng bahay ang asawang si Henry. At nang makasakay na ang asawa ay bumalik na ito sa loob ng bahay. Nakita niya'ng naglalaro ang alagang aso ng katulong at ang kan'yang mga anak. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang tawanan nila Josephine at Thea.
Naging palagay agad ang loob ni Candy at ng kan'yang pamilya kay Toyang. Nakitaan nila ito ng kasipagan at galing sa pagluluto. At higit sa lahat ay hindi nila ito narinig na nagreklamo.
Pagkalipas ng dalawang buwang paninilbihan ni Toyang sa kan'yang pamilya. Unti-unti ng nakikitaan ni Candy ang katulong ng mga kakaibang kilos. Tulad ng pagtulog nito ng maaga, tambak na mga hugasan at labahan. Ayaw naman niya'ng pagsabihan, naisip lang niya na baka pagod na ang katulong kaya hinahayaan niya lang. Umaga na rin kasi siya nakakauwi galing sa trabaho at kapag uuwi naman siya ay agad siya'ng pinagbubuksan ni Toyang. Kaya nababawasan ang kan'yang pagdududa sa ikinikilos ng katulong.
Ang hindi lang mawala sa kan'yang isipan ay ang kakaibang anyo ng alagang aso ng katulong, habang tumatagal at ang pinagtataka pa niya'ng lalo ay ang mabilis na paglaki ng aso. At kapag titignan niya ito ay ngumingisi ang aso, kaya binabalikan niya ito ng ngiti.
Isang gabi bago siya pumasok sa trabaho ay nakita niya'ng natutulog ang katulong sa kanape sa kanilang sala. Kaya hindi na niya napigilan ang sarili, nabulyawan niya ito. At agad naman na bumangon ang katulong--nang makatayo na sa kanape si Toyang. Binilin niya na alagaan mabuti ang mga anak. Yumakap ito sa mga anak at humalik. Pagkatapos ay lumabas na siya, dahil nagmamadali na ito at baka mahuli pa sa trabaho.
Paglabas niya ng bahay ay hindi nakatali ang alagang aso. Nakita niya'ng paikot-ikot ang aso at naglalaway, ang akala niya ay dudumi lang ang aso kaya lumabas na siya ng pintuangbayan at agad na pumara ng masasakyan papasok sa trabaho.
[Dulo ng pagbabalik tanaw sa nakaraan]
* * *