Chapter 2: Kisame II

1434 Words
                                                "KISAME ll"                                                         * * * Batid ni Candy na may nangyayaring hindi maganda sa kanyang mga anak. Dahil sa biglaang pagtawag ng panganay na anak na si Josephine, gamit ang cellphone ng katulong nilang si Toyang. Hindi naman tatawag si Josephine kung nasa mabuti silang kalagayan, kaya nagpaalam siya sa amo niya na kailangan niyang umuwi at pinayagan naman siya. Ngayon ay nasa biyahe na si Candy pauwi sa kanilang bahay. Nagtatrabaho si Candy bilang isang waitress sa isang KTV Bar sa malate. At sa sampaloc, manila sila nakatira. Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ni Candy ng mga sandaling 'yon. At habang nakasakay siya sa taxi--biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagkidlat. Kitang-kita niya ang nagngangalit na kidlat mula sa kalangitan. "Manong, pakibilis po." Naiiyak na sabi ni Candy sa taxi driver. Mabuti na lang at walang traffic ng gabing 'yon. Kaya naitakbo pa ng mabilis ng taxi driver ang kanyang pagmamaneho. Kitang-kita ni manong ang pag-iyak ni Candy. Nanginginig na rin si Candy ng sandaling 'yon. Alam ng isang magulang at nararamdaman niya bilang isang ina na may hindi magandang nangyayari sa kanyang mga anak. Iba ang kutob na kanyang nararamdaman at ang matinding kaba ng pangamba ang bumagabag sa kanyang puso.                                                         * * * Nakarating na si Candy sa kanyang bahay at nakita niya ang alagang aso ni Toyang na naghihingalo sa may bakuran. Lalong bumilis ang kaba sa dibdib niya, walang atubili niyang tinakbo ang bahay at mabuti na lang at nakapasok ang pinto kaya agad na nakapasok si Candy sa loob. Umiiyak habang tumatakbo si Candy paakyat sa taas. Nakita niya rin na basag ang kanyang malaking plorera. Iniisip niya na baka may magnanakaw na pumasok sa kanilang bahay at baka na-prenda na ang kanyang mga anak at ang katulong na si Toyang. Pero ang hindi niya alam, walang magnanakaw. Kundi mamamatay tao na katulong ang kanyang tinanggap at pinapasok sa loob. "Josephine.. Thea.. Nasaan kayo?" mahinang sabi ni Candy habang hinahalughog ang mga k'warto sa taas ng bahay. Una niya'ng pinuntahan ang k'warto ng bunso na si Thea, subalit wala ito at nakita niya na maayos ang mga gamit. Hindi nagulo ang k'warto kahit na ang mga unan sa kama ay nakaayos. Sunod na pinuntahan ni Candy ang k'warto ng panganay na si Josephine, wala rin ang anak sa k'warto nito at ganun din, maayos gaya ng sa bunso niyang anak na si Thea. Sa puntong 'yon napaisip na si Candy, pero hindi siya sigurado. Mula sa k'warto ni Josephine ay naglakad siya papunta sa kanyang k'warto. Magkakabukod kasi sila ng k'warto ng mga anak. At ang asawa ni Candy ay nasa ibang bansa nagtatrabaho. Hindi naman sila mayaman, pero nakakaluwag sila sa buhay. "Josephine.. Thea.. Narito ba kayo?" Hindi kalakihan ang k'warto ni Candy kaya makikita niya agad ang mga anak kung naroon nga. Mas malaki pa ang espasyo ng kisame kaysa sa kanilang k'warto. Papasok na siya sa kanyang k'warto ng may matapakan siyang tubig sa sahig. Hindi siya 'yung pangkaraniwan na tubig. Sinadya niyang iangat ang paa para punasan. At umalingasaw ang panghe, sa kanyang k'warto. Isa-isa niyang binuksan ang tatlong kabinet na nasa k'warto. Maayos ang mga damit at walang nagulo. At habang naghahalughog siya, isang napaka-lakas na kalabog ang narinig niya.                                                         * * * Tumambad kay Candy ang katawan ng mga anak na nakahandusay sa kisame. Nakita rin niya ang isang walis tambo malapit sa mga anak. Sa puntong 'yon--hindi magawang makagalaw ni Candy, gusto niyang lapitan ang mga anak pero panlulumo ang nararamdaman niya. Pakiwari niya ay wala ng buhay ang dalawang bata. Napaupo siya at nagsisigaw ng tulong. Hindi siya p'wede na umupo lang kailangan niyang lapitan ang dalawang anak. Pagapang siyang lumapit kanila Josephine at Thea. Nang makalapit na siya, agad niyang hinagkan ang dalawang anak. Hinagpis ng pangungulila ang kanyang naramdaman. "JOSEPHINEEE! THEAAA! SINONG PUMATAY SA INYOOO!" Sigaw niya. Habang yakap-yakap ni Candy ang mga anak--biglang nagsara ang pinto ng kisame. Napalingon siya at nakita niya si Toyang, mukhang halimaw ang itsura ni Toyang. "I-i-ikaw ba ang nanakit sa mga anak ko?" nauutal na mahinang tanong ni Candy sa katulong. "Oo!" Sigaw ni Toyang. "BAKEEEEEEET!" Balik na sigaw ni Candy. Galit ang nararamdaman ni Candy para sa katulong at habang nagsisigawan silang dalawa, palihim niyang kinukuha ang walis tambo. At nang makuha na ang walis tambo ay biglang nawalan ng kuryente sa kanilang bahay at kumulog ng napakalakas. Binalot ng dilim ang buong kisame ng mga oras na 'yon. Sa kulog na lang sila umaasa ng liwanag para makita ang isa't-isa. Isang matinding sagupaan ang mangyayari sa amo at katulong. "Ayoko sa lahat 'yung maingay! Inistorbo nila ang pagtulog ko! Pati si Brandon sinaktan ng mga ANAK MOOOOOO!" Mahina hanggang sa palakas na sigaw ni Toyang. "WALA KANG KARAPATAN NA SAKTAN ANG MGA ANAK KO!" Nanggigil na sigaw ni Candy. Sumabay ang malakas na kulog at habang walang humpay ang kulog sa kalangitan ay nagpang-abot ang dalawa. May hawak na kutsilyo si Toyang at walis tambo naman ang hawak ni Candy. Nanginginig ang mga kamay ni Candy habang hawak ang walis tambo. Hindi siya sanay makipag-away, kaya wala siyang ideya kung paano gagamitin ang walis tambo para masaktan si Toyang. Nahapyaw ni Toyang si Candy sa braso, pero hindi ininda ni Candy ang hapyaw ng kutsilyo sa braso niya. Inihataw ni Candy ang hawak niyang walis tambo at tinamaan sa leeg si Toyang--malakas na kalabog ang bumagsak sa sahig ng kisame. Pero hindi nagpakampante si Candy na nawalan agad ng malay ang katulong. Kaya ang ginawa niya'y hinataw niya ulit ng walis tambo si Toyang.                                                         * * * Nawalan ng malay si Toyang--kasabay ng pagkawala ng ulan at kulog sa kalangitan. Agad na binuhat ni Candy si Josephine ngunit hindi sila makababa kaya ang ginawa niya ay hinagis ang anak sa kama, mabuti na lang at malaki ang kamay niya, sakto para sa limang katao. Sunod niyang hinagis ang bunsong anak na si Thea. Hindi nalaglag sa sahig ang dalawang bata, para silang inalalayan ng anghel habang inihahagis ni Candy. "Ma-ma." Nanghihinang sabi ni Josephine. Nanlaki ang mata ni Candy, hindi dahil natakot siya--nagulat siya dahil ang buong akala niya ay patay na ang mga anak. Narinig din niya na umubo ang bunsong anak. Nagpasalamat siya sa diyos at buhay pa ang mga anak. Nakahanda na si Candy para bumaba ng kisame, ang kaso ay nahigit ni Toyang ang paa niya. Lumambitin si Candy ng patiwarik sa kisame dahil nahawakan siya ni Toyang sa kaliwang paa. "A-akala mo, makakaligtas kayo sa akin. Ang sakit ng mga hampas m-mo." Nauutal at nauubong sabi ni Toyang. "Aaahhh.. Bitawan mo ako!" Sigaw ni Candy. Binitiwan ni Toyang si Candy at nalaglag siya sa sahig, tumama ang kanyang ulo sa tukador na nasa kanyang k'warto. Mabuti na lang at naalalayan niya ng kamay ang pagbagsak niya kaya nakatayo siya agad. Paikaika maglakad si Candy papunta sa kanyang kama para lapitan ang mga anak. At nang makarating na siya sa kama--isang malakas na atungal ng aso ang umalingawngaw sa buong bahay. Mula sa kisame ay nakadungaw ang ulo ni Toyang at tumatawa. "Si B-Brandon na ang bahala sa inyo." Natatawang sabi ng katulong. Yakap-yakap ni Candy ang mga anak, may malay na sina Josephine at Thea. Malubha ang kalagayan ni Thea ng mga oras na 'yon. Kapag hindi nadala ni Candy ang mga anak sa hospital ay mamamatay ang mga anak. "Mga anak, kaya niyo ba makatayo? Kailangan natin lumabas ng ba--" Natigilan sa pagsasalita si Candy.. Ang kanilang naghihingalong aso na si Brandon na nakahandusay sa bakuran--ngayon ay nasa kanyang k'warto at naglalaway sa galit. Ungol ng ungol ang asong si Brandon. Wala magawa si Candy nanghihina siya dahil sa kanyang pagbagsak sa sahig galing sa kisame. Hindi siya gaano makakilos. Parang nananad'ya ang asong si Brandon at animo'y nakikipaglaro sa kanila. Dahan-dahang naglalakad ang aso palapit sa kanila. Habang si Toyang ay sige ang tawa habang nakamasid sa kisame. Tumalon ang asong si Brandon sa kama sabay ungol ng napakalakas. Ungol na nagpapahiwatig ng kamatayan para kanila Candy, Josephine at Thea. Sinisipa sipa ni Candy ang aso sa mukha habang yakap-yakap ang dalawang anak. Parang tao kung umasal ang aso, kunwari'y nasasaktan. Habang nakamasid si Toyang sa kisame at pinapanood ang alagang aso na nakikipaglaro sa mga amo, biglang siyang sumuka ng dugo. Sunod sunod ang pagbuga niya ng dugo sa kanyang bibig--hanggang sa mahulog siya mula sa kisame pabagsak sa tukador. Sumabit ang leeg ni Toyang sa pinakatuktok ng tukador sa k'warto ni Candy. Lumingon ang asong si Brandon sa kanyang amo na si Toyang at umungol ng napakalakas. Pagkatapos umungol ay tumalon sa sahig ang aso at lumapit kay Toyang, habang nakatingala at nakatingin sa amo ay ungol ng ungol ang aso. Ang kaninang malakas na ulan at kulog na biglang tumigil ay nagbalik, kasabay ng pag-atungal ng aso na si Brandon.                                                         * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD