Chapter 1: Kisame

1487 Words
                                        Author's Warning! Kung may awa pa kayo na natitira sa inyong mga puso, iwaksi niyo na yan dahil bawal ang mahina ang loob at matatakutin sa pagbabasa ng kwentong ito.                                                         * * *                                                   "KISAME" Karakter: - Toyang (43) - Candy Veluz (38) - Josephine Veluz (13) - Thea Veluz (6) - Brandon (Aso)                                                         * * * "TOYANGGG! Paki-asikaso naman ang mga anak ko. Papasok na kasi ako sa trabaho." Bulyaw ni Candy. "Oo na, lumayas ka na!" Padabog na sagot ni Toyang sa amo. Ang amo na si Candy pa talaga ang nakiki-usap sa katulong na asikasuhin ang mga anak dahil kailangan na niyang pumasok sa trabaho. Humalik muna siya sa dalawang anak bago lumabas ng bahay. At nang makalabas na si Candy, sumilip muna sa bintana ang katulong na si Toyang para siguruhin kung nakalabas na nga siya ng bahay. At nang makasiguro--humiga ulit siya sa kanape para ipagpatuloy ang naudlot na tulog. Hinayaang maglaro ni Toyang ang dalawang bata, habang siya ay natutulog. At sa kasarapan ng tulog ng katulong, bumagsak ang mamahaling kanape ni Candy. "T*ng-*na niyo naman talagang mga bata kayo! Hindi ba kayo tatahimik!" Sigaw ni Toyang sa magkapatid na sina Josephine at Thea. Dahil naistorbo na naman ang tulog niya. At imbes na linisin ni Toyang ang bumagsak na kanape, pinagdiskitahan niya ang magkapatid. Patayo pa lang sa kanape si Toyang ay nagngangangawa na agad si Thea. Walang humpay sa pag-iyak ang bata dahil sa takot na nadarama. Kaya niyakap siya ng ate niya na si Josephine. "Ssshh.. Ssshh!" Pagpapatahan ni Toyang, ngunit ayaw pa rin tumigil sa pag-iyak. Hanggang sa mawiwi na si Thea sa saluwal dahil sa takot. "Ma-maaa!" Sigaw ni Thea. Napapakamot na lang sa ulo ang katulong. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga bata. Hanggang sa itali ni Toyang sina Thea at Josephine at nilagyan niya ng panyo ang bibig ng dalawang bata. "Tignan natin kung makapag-ingay pa kayo! Mga bwisit kayo!" Sigaw niya sa dalawang bata. Bumalik sa paghiga si Toyang at natulog ulit. Hindi niya namalayan na nakapasok na pala ang alaga niyang aso sa loob ng bahay. Walang magawa ang magkapatid na Thea at Josephine kundi ang umiyak. Lalo pa silang umiyak ng lumapit ang aso sa kanila. Inaamoy amoy sila ng aso na alaga ni Toyang hanggang sa kagatin ang buhok ni Thea. Nakaladkad ng aso si Thea, gigil na gigil ang aso. Animo'y gutom na gutom. Hindi kalayuan sa pwesto ni Josephine nadala ng aso ang kapatid na si Thea. Ikiniskis niya ang manipis na tali na pinantali sa kanya sa gilid ng hagdanan. Mabuti at mabilis siya'ng nakatakas. Tumingin muna siya sa naghihilik na katulong at dahan dahan na humakbang palapit sa kapatid na nakadapa. Kinuha ni Josephine ang walis tambo na nasa ilalim ng hagdanan para ipangpukpok sa aso. Akmang kakagatin na ng gutom na aso ang braso ni Thea, buti na lang at nahampas niya agad sa ulo ang aso. Umalingawngaw sa buong bahay ang atungol ng hayop habang tumatakbo palabas ng bahay. Mabilis na kinalagan ni Josephine ang umiiyak na kapatid. Buti na lang at hindi nagising si Toyang dahil sa atungol ng alaga niya'ng aso. Nang makalagan ni Josephine si Thea--tumakbo ang dalawa paakyat sa kwarto ng ina. Malakas na kalabog ng hagdan ang gumising kay Toyang. Inis na inis ang itsura ng katulong. Nanlilisik ang mata at namumula pa. Halatang naantala sa pagtulog ang katulong. "BRANDOOOON!" Nang makita niya'ng wala ang magkapatid sa pinagtalian niya. Sinigaw ni Toyang ang pangalan ng alagang aso. Nagtataka si Toyang kung bakit ang tagal pumasok ng kanyang alaga. Bumangon siya para tignan ang alagang aso sa bakuran ng bahay. "Brandon! A-anong nangyari sayo.." Nakita niya'ng duguan ang ulo ng alagang aso at nanghihina.                                                         * * * "Lumabas kayo d'yan! Mga gag* kayo! Sinaktan niyo si Brandon!" Sigaw ni Toyang habang kinakalampag ang pinto ng kwarto ng amo na si Candy. Nanginginig na sa takot ang magkapatid na Thea at Josephine. Hindi rin nila alam kung ano ang gagawin. Magkayakap ang dalawa habang umiiyak. Patuloy sa pagkalampag si Toyang, "Ano ba! Hindi niyo ba bubuksan ang pinto! 'Pag ako nakapasok malilintikan kayo sa'kin!" Saad niya. "Ate... B-buksan na natin ang pinto. N-natatakot na po ako. Naiihi na naman ako ate." Thea. "Hindi pwede Thea.. Kahit buksan natin ang pinto, sasaktan pa rin tayo ni Toyang. Kaya pigilan mo muna 'yang ihi mo. Hintayin natin na dumating si mama Candy." Josephine. Ramdam ni Josephine ang kapahamakan na naghihitay sa kanila. Lalo pa ngayon, nasaktan nila ang alagang aso ng katulong.                                                         * * * Nagngingitngit sa galit si Toyang dahil sa ginawang paghampas ni Josephine sa ulo ng alaga niya'ng aso. "Akala niyo hindi ako makakapasok! Mga gag* kayo! Magbabayad kayo sa ginawa niyo kay Brandon!" Napansin ni Toyang ang nakaumbok sa kama. Hawak ang walis tambo--hinataw niya ng hampas ang nagtatago sa kumot. Walang narinig na sigaw ng taong nasaktan si Toyang. Kaya inalis niya ang kumot na nakapatong sa kama. "Tang-*na! TALAGA BA'NG NAKIKIPAGLARO KAYO! JOSEPHINE! THEA! SINUSUBUKAN NIYO TALAGA AKO! SIGE.. MAGLARO TAYO. PAGBIBIGYAN KO ANG GUSTO NIYO!"                                                         * * * Naalala ni Josephine ang sinabi ng kanilang ina. "Kapag may magnanakaw na pumasok sa bahay at wala ako. Umakyat kayo ng kapatid mo sa kisame at gamitin niyo ang tukador sa kwarto. Malaki ang espasyo ng kisame na pinagawa namin ng papa niyo. Kaya makakatayo kayo kapag nasa taas nasa kisame kayo." Buti na lang at matandain si Josephine, naisip niya ang sinabi ng ina. Pinagkaiba lang, hindi magnanakaw ang nasa bahay nila. At sa gitna ng takot at pangamba para sa kapatid at sa kanyang sarili ay nagawa nilang makaakyat sa kisame ng hindi nahuhulog. At mula sa kisame ay kitang-kita niya ang paghampas ni Toyang sa ginawa nilang patibong sa kama. "Josephine.. Thea.. Tagu-taguan ba ang laro natin mga bata? Magaling ako maghanap.. At 'pag nahanap ko kayo, pagtatagain ko ang katawan niyo at ipapakain ko kayo kay Brandon." Isa-isang tinignan ni Toyang ang bawat kabinet sa kwarto ni Candy. Subalit wala siyang nakita. Hindi niya nakita ang magkapatid. Palabas na sana ng kwarto si Toyang nang mapansin niya na may tumutulo galing sa kisame. Naglakad siya papunta sa bintana at nakita niya na maganda naman ang panahon at maaliwalas ang gabi. Isang haka-haka ang pumasok sa isip ng katulong, inamoy niya ang tubig na tumutulo galing sa kisame. At naamoy niyang mapanghe ang tubig.                                                         * * * "Waaaaaaaa!" Sigaw ni Thea ng makita na nasa kisame na pala ang katulong. "Akala niyo siguro hindi ko kayo mahahanap! Magdasal na kayo... Dahil hindi niyo na makikita ang inyong ina!" "Nakakatakot ka! Salbahe!" "Oo salbahe ako! Kaya nga magdasal ka na!" Hahampasin na ni Toyang si Thea ng walis tambo ng biglang itulak siya ni Josephine na nasa likuran pala niya. At nang matumba ang katulong ay pinagsasabunutan niya ito at pinag-uuntog sa sementong dingding ng kisame. Hindi mawari ni Josephine na nagawa niyang lumaban sa matanda dahil sa takot. "Salbahe ka! Salbahe!" Sigaw ni Thea habang sinusuntok ang katawan ng katulong. Alam niya na hindi kalakasan ang suntok niya dahil sa bata pa siya. Pero kahit papaano ay nakakatulong siya sa Ate Josephine niya. Habang inaatake ni Josephine ang katulong ay may nalaglag sa bulsa nito. "Ate... Cellphone." Mahinang sabi ni Thea. Tamang-tama dahil pwede nilang tawagan ang kanilang ina na si Candy para makapagsumbong. Kinuha ni Josephine ang cellphone na nalaglag sa bulsa ng katulong at hinanap sa phonebook ang pangalan ng ina.                                                         * * * "H-h-hello ma?" "Josephine?" "Ma.. Umuwi ka na po dito mama! Papata--" Nahigit ni Toyang ang cellphone sa kamay ni Josephine sabay sipa sa sikmura ng bata. Tumilapon sa sulok ng kisame si Josephine at nawalan ng malay dahil sa pagkakauntog sa pader. Sumisigaw ng tulong ang kapatid niya na si Thea. Subalit natatawa lang ang katulong sa isinisigaw ng bata. Sinakal ni Toyang si Thea ng dalawa niyang kamay, kahit na isang kamay lang ay pwede niyang gamitin pero dalawa ang ginamit niya para masigurado niyang hindi na makakasigaw pa ang bata. Tumayo si Toyang mula sa pagkakatumba--sakal sakal sa leeg ang batang si Thea. Iwinawagayway pa niya ang bata habang sakal niya ito. Parang manika kung saktan ng katulong ang kanyang mga alaga. Hindi na makahinga ang bata sa ginagawa ng katulong, namumutla na ito at malapit na niyang mapaslang. "T-t-thea.." mahinang sabi ni Josephine. Binitbit ng katulong si Thea palapit kay Josephine habang sakal sakal niya ito. Iniinda ni Josephine ang sakit ng kanyang ulo at tiyan dahil sa pagkakauntog at sa sipa na ginawa sa kanya ni Toyang. Hindi niya matulungan ang kapatid, kitang-kita niya na nahihirapan na si Thea. Hanggang sa sumuka na ng dugo ang kapatid niya--sakto sa kanyang mukha ang pagtulo ng dugo sa bibig ng kapatid. "Lasapin mo mabuti! Inumin mo ang dugo ng kapatid mo! Alam kong uhaw ka na dahil sa takot! Kailangan mong mahimasmasan!" Sigaw ni Toyang. Tinapakan ng katulong sa dibdib ang batang si Josephine. Walang awa niyang pinagtatadyakan ang bata sa tagiliran habang patuloy sa pagsuka ng dugo si Thea dahil sa pahigpit na pahigpit na pagsakal ng katulong at saktong naibubuga ni Thea ang dugo sa bibig ng kapatid.                                                         * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD