Chapter 8

2357 Words
DARREN: NAMAMANGHA ako na sumakay sa kotse nito. Napakalambot ng upuan nitong komportableng upuan. Malamig din at naghahari ang mabangong air car freshener nito. "Mabuti naman lumuwas ka ng syudad, Kuya. Pupuntahan ka na dapat namin eh." Anito habang nasa byahe kami. Napatitig ako dito. Para kasing hindi nangangawit ang mga labi niyang kanina pa nakangiti. "Uhm, hinahanap ko kasi. . . si Nanay." Sagot ko. Nilingon ako nito saglit na napatango at muli ding bumaling sa harapan kasi ito ang nagmamaneho. May dalawang itim na van naman ang nakasunod sa amin. Isa sa harapan at isa sa likuran namin. Ang sabi ni Noah ay mga bodyguard niya daw ang sakay para ma-secured ang kaligtasan niya. "Si Tita Airen?" anito. Hindi na ako nagtaka na kilala niya si Nanay. Tiyak na kahit nasa malayo kami ay pinapabantayan din kami ng ama namin. Kaya kay dali nilang nalaman ang impormasyon sa aming mag-ina. "Yeah. Uhm, baka alam ko kung nagawi siya sa mansion niyo, Noah?" tanong ko na ikinapilig nito ng ulo. "I don't know, Kuya. Hindi pa kasi ako nakakauwi ng mansion eh. Pero kahapon ay pinuntahan kayo ni Kuya Haden sa probinsya. Kasama nga dapat ako kung hindi lang sa letcheng meeting ko." Iiling-iling saad nito. Napalunok ako na pilit ngumiti sa sinaad nito. Tama nga si Clifford. May nagpunta kahapon sa bahay na kinausap si Nanay. At kapatid ko. "Gano'n ba?" tanging komento ko. "Okay ka lang ba, Kuya?" Tumango ako nang lingunin ako nito. "Pero. . . bakit nauna si Tita Airen na lumuwas sa'yo? I mean. . . bakit hindi pa kayo nagkasabay? Mabuti na lang pala at ako ang nakaharang sa taong hinahabol mo." Napakamot ako sa batok na napalapat ng labi. Nakakahiya naman kung sabihin kong ginalaw ko si Nanay kaya umalis siya at baka nga iniwanan na ako. Baka mamaya ay mamuhi at mailang din ito sa akin lalo na't ngayon niya pa lang ako nakilala. "Siya nga pala, Kuya. Happy birthday ha? Ngayong nandito ka na. Siguro naman pwede pa natin icelebrate ang birthday mo kahit medyo late na," masiglang bulalas nito na ikinangiti ko. "Salamat, Noah. Pero. . . hindi ko naman kailangan ng celebration. Si Nanay talaga ang sadya ko." Sagot ko. Maya pa'y may tinawagan ito na nabasa ko sa screen ng cellphone nito ang naka-register na pangalang. . . Kuya Delta. Nakasuot ito ng Bluetooth earpiece sa isang tainga na sa harapan nakatuon ang pansin. "Hello, Kuya. It's me." Bungad nito. Tahimik akong ibinaling sa labas ng bintana ang paningin para magkunwaring hindi nakikinig sa usapan nila. Ngayon lang ako lumuwas ng syudad kaya hindi ko maiwasang mamangha sa mga nadaraanan naming nagtatayugang building. "Itatanong ko sana kung dumating ba ng mansion si Tita Airen?" anito na ikinatigil kong napalingon dito. "Oh, I see. Sige, Kuya. Pauwi na rin naman kami." Ibinaba na nito ang linya na ngumiting nilingon ako saglit. "K-kumusta?" kabado kong tanong. "Relax, Kuya. Ang sabi ni Kuya Delta ay dumating daw kaninang tanghali si Tita sa mansion. Nakausap na nga daw ni Mommy at Daddy eh." Sagot nito na ikinahinga ko ng maluwag. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na makumpirmang nandidito nga sa syudad si Nanay. "Uhm, hindi mo pa ako sinasagot, Kuya." "H-ha? Saan?" Napanguso ito na sa harapan nakamata. "Kung bakit hindi kayo nagkasabay ni Tita na lumuwas." Napalunok ako na nag-iwas ng tingin. s**t naman. Mausisa din pala ang kumag na 'to. Akala ko pa naman nakalusot na ako eh. "Ahem! May konting. . . konting tampuhan lang, Noah. Kaya nga sinundan ko kaagad kasi hindi ako sanay na nalalayo kay Nanay." Alibi ko na ikinatango-tango naman nitong mukhang naniwala sa sagot ko. Ilang minuto pa kami sa byahe bago pumasok sa isang exclusive na subdivision. Lahat ng mga naglalakihang mansion na nadaraanan namin ay nagsusumigaw ng karangyaan. Hindi ko tuloy maiwasang mapaawang ng labi sa mga nakikita. Hanggang sa pumasok kami sa napakataas na gate at bumungad ang isang white mansion na pinakamalaki sa lahat ng mga nadaanan naming bahay. Napalunok ako na makilalang ito ang Madrigal's mansion na nakita ko na sa ilang post ng mga kapatid ko. Bumilis ang t***k ng puso ko na pumarada ito sa garahe. Marami ding sasakyan ang nandito na nakaparada at pawang kay gagara. Bumaba kami at naagaw ng paningin ko ang nakaparadang itim na wrangler jeep sa gilid! Namamangha akong nilapitan ito na panay ang lunok. Gustong-gusto kong magkaroon ng gan'to pero alam ko naman kung ilang milyon ang halaga nito. Kaya nga hanggang pangarap na lang iyon. May kita kami ni Nanay pero hindi naman iyon sasapat para makapag-ipon ako ng pambili ng isang wrangler jeep. Lumapit din si Noah na napangiting nakatitig sa akin. Nahihiya akong nagkamot sa batok na magsalubong ang mga mata namin. "Do you like it, Kuya?" tanong nito na nakangiti. Nahihiya akong tumango na pilit ngumiti ditong napalapad pa lalo ang ngiti sa mga labi. "You can have yours, Kuya. Ngayong nandito ka na, pwede mo ng bilhin ang mga nais mo. Condo, bahay, sasakyan, chopper, yatch kahit ano. Name it and you have it." Saad nito na ikinailing ko. "Hwag na. Hindi naman ako naghahangad ng mga ganyan, Noah. Saka. . .mag-uusap lang kami ni Nanay ng masinsinan at magkalinawan. Pagkatapos no'n ay babalik na kami sa probinsya." Sagot ko na unti-unting ikinapalis ng ngiti nito na nalungkot sa narinig. "Bakit? Akala ko pa naman nandito ka na kasi. . . kasi gusto mo na kaming makilala at makasama. Darren, ikaw na lang ang wala dito. Ikaw na lang ang hinihintay namin para mabuo na tayong pamilya. Kung inaalala mo ang tungkol kay Tita Airen? Bukas ang mansion para sa kanya. Hindi naman namin kayo paglalayuin ng Nanay mo." Seryosong saad nito na nangungusap ang tono at mga mata. Napahinga ako ng malalim na napatingala sa mansion na kaharap namin. Ang mansion ng aming ama. "Hindi ko naman hinangad na manirahan sa gan'to kaganda at karangyang tahanan, Noah. Masaya na ako sa bahay namin sa probinsya basta't kasama ko ang ina ko. Okay ako kahit saan ako titira." Saad ko. Totoo naman kasi iyon. Wala akong hangad at habol sa yaman ng ama ko. Kaya nga kahit alam kong isa itong tycoon billionaire sa bansa ay hindi ako nagka interes na ipakilala sa kanya ang sarili ko. Tinapik ako nito sa balikat na ikinalingon ko ditong nakatingala din sa mansion. "Alam mo ba. . . lumaki ako sa bahay ampunan. Ninais kong magkaroon ng sarili kong bahay. Pero hindi ko alam na isa palang mansion ang naghihintay sa akin. Mag-isa akong lumaki. Syempre malungkot. Dumadaan ang pasko, bagong taon at birthday ko na hindi ko kasama ang pamilya ko. Naglayas kasi ako noon sa probinsya, bata pa ako. Luckily. . . napunta ako sa bahay ampunan at ang nakakatawa? Pag-aari pala ng ating pamilya ang orphanage na 'yon. Nagbago ang buhay ko nang tanggapin kong maging isang Madrigal. Ang bilis ng mga pangyayari. Pero masaya ako. Hindi lang dahil sa kung ano ako ngayon na isa na akong Madrigal. Kundi sa pamilyang meron tayo, Darren." Seryosong saad nito na bakas ang sensiridad sa tono at mga mata. Tumitig ito sa mga mata ko ng diretso at ngumiti na tinapik ako sa balikat. "Masarap maging isang Madrigal, Darren. Subukan mo lang. Subukan mong kilalanin kaming pamilya mo. Bago ka magdesisyon kung mas pipiliin mo pa rin ang buhay sa probinsya o magpatuloy dito. . . kasama ang pamilya mo. You're a Madrigal blood, Darren. Dito ka. . . nababagay." Wika nito na pilit ngumiti sa akin. "There you are, bunso. Ba't ang tagal--" Sabay kaming napalingon sa baritonong boses na nagsalita at natigilan na makita ako. Natuod ako sa kinatatayuan na nagpalipat-lipat ng tingin sa mga itong nakamata din sa akin na bakas ang kagulatan na makita ako! "Fvck! Am I dreaming!?" bulalas ng isa na napakusot-kusot pa ng mga mata. Binatukan naman ito ng katabi na napabusangot na nagkamot sa batok. "You're not dreaming, Leon. Nandito nga. . . si Darren." Ani ng bumatok sa kanya na nagniningning ang mga matang nakatitig sa akin. "Chill, guys. Ako ang nakahanap sa kanya." Pagmamayabang ni Noah na inakbayan ako. "Darren, mga Kuya natin." Anito na isa-isang ipinakilala ang mga naggugwapuhang binata sa harapan ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na palipat-lipat ng tingin sa kanila. Damang-dama ko ang connection ko sa kanila at katulad ni Noah, magaan ang loob kong isa-isang nakipagkilala sa mga ito. "Hi, welcome home, dude. I'm Delta." Pagpapakilala nito na magaan akong niyakap at tinapik sa likod. "We're happy to welcome you to our home and family, Darren. I'm Drake." Seryosong pagpapakilala nito na niyakap din ako. "Welcome home, dude. Sayang hindi tayo nagpang-abot kahapon. Anyway, happy birthday ha? Ako nga pala si Haden." Pagpapakilala nito na ikinangiti kong malamang siya ang nagpunta kahapon sa amin. "Mabuti naman at umuwi ka na sa atin, dude. Kung sabagay. . . susunduin ka na dapat namin. I'm Leon, by the way." Pagpapakilala pa ng isa. Wala akong ibang maisagot kundi ang ngumiti at tumango sa mga ito. Nahihiya at naiilang din kasi ako na hindi ko napaghandaan ang paghaharap naming magkakapatid. "What's going on here, boys?" dinig naming saad ng baritonong boses na sabay-sabay naming ikinalingon. Napakalapat ako ng labi na muling nagkarambola ang pagtibok ng puso ko na malingunan ito. Napakakisig at gwapo niya pa rin kahit nasa 50's na ito. Hindi halata sa itsura at pangangatawan na para lang namin siyang nakatatandang kapatid. Si Dwight Axelle Madrigal! Ang aming ama. Nagsalubong ang mga mata namin at kitang natigilan ito na mapatitig sa akin. Nilapitan naman ito ni Noah na inakay palapit sa akin hanggang sa magkaharap na kami. Hindi ito kumukurap na bakas ang halo-halong emosyon sa mga mata nitong napahagod pa ng tingin sa kabuoan ko. "D-Darren," halos hindi nito mabigkas ang pangalan ko. "Daddy, kalma. Tama po kayo. Si Kuya Darren nga siya. Alam mo ba? Nahanap ko siya. Hinablot ang bag niya at hinabol niya 'yong snacher. Nagkataon na naharang ng sasakyan ko 'yong snacher kaya naabutan niya. Doon kami nagkita." Pagkukwento ni Noah dito na hindi naman halatang chismoso tsk. "Really?" bulalas ng ama namin na hindi inaalis ang paningin sa mukha ko. Naiilang akong nagkamot sa batok na hindi malaman kung paano ngingiti sa mga ito lalo na't sa akin sila nakamatang lahat. "Yes, Dad. Pero. . . ayaw kasi ni Kuya na manirahan dito eh. Si Tita Airen lang ang sadya niya dito," dagdag pa ni Noah na ikinabaling naming lahat dito. Kitang nasaktan ang mga kapatid namin at maging ang ama namin sa sinaad nito. Napangiwi ang ngiti nito nang magsalubong ang mga mata namin na pinaningkitan ko ito. "Pero. . . bakit? Ayaw mo ba kaming makasama, Darren?" nagtatampong tanong ni Kuya Delta na sinang-ayunan pa nilang lahat. Hindi ko tuloy alam kung paano sila sasagutin lalo na't nangungusap ang mga mata nilang nakatitig sa akin. "Darren anak. Can we talk?" nauutal na tanong ng ama namin kaya natahimik ang lahat. Tumango ako bilang sagot kaya pinabayaan na muna kami ng mga kapatid kong nagpunta sa garden nitong mansion. Dama kong sobrang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko na kaharap ko na sa wakas ang ama ko. Halo-halong emosyon ang nadarama ko na hindi ko na mapangalanan pa. Pero aminado naman akong napakasaya ko. Sobrang saya ng puso ko na makilala ang mga kapatid ko. Ang gaan ng loob ko sa kanila at nakakatuwa dahil kahit lumaki sila sa marangyang buhay ay tinanggap kaagad nila ako. Tahimik kaming dalawa na nakaupo ng bench wood dito sa garden. Ang ganda ng garden nila kahit gabi na. Tahimik ang lugar at napakaaliwalas. Ang gaganda rin ng mga bulaklak na nandidito na iba-iba ang kulay, lalo na ng mga rose climbing na naka-display sa sulok. "Uhm, belated happy birthday, son." Pambabasag nito sa nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. "Thank you po." Casual kong sagot. Tumitig ito sa akin na napangiti. Nanatili naman sa harapan ang paningin ko kahit gustong-gusto ko rin siyang titigan. Napalunok ako na mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko na may sumagi sa isipan ko. Nilingon ko ito at huling-huli ko na matiim nga siyang nakatitig sa akin. Napatikhim ako na umayos ng upo na hindi nagbabawi ng paningin. Gano'n din naman ito sa akin. Nagniningning ang mga mata niya na may ngiti sa mga labing pinagmamasdan ako. Pilit kong hinahanap sa puso ko ang pagkamuhi pero wala akong maramdaman kundi tuwa na kaharap ko na ang mga ito. "Uhm, p-pwede po bang magtanong?" aniko na ikinatango nito. "Ahem! Si N-nanay po ba. . . ang totoong ina ko. Namumukhaan mo pa ba siya?" diretso kong tanong na ikinatigil nito. Ilang segundo itong natahimik na tila malalim ang iniisip. Napatitig naman ako dito. Para akong hinahaplos sa puso ko na nakamata ditong natititigan ko ng gan'to kalapit ang ama ko. At aminado akong napakasaya ko na matitigan siya. Damang-dama ko sa puso ko ang connection naming dalawa. Mukhang. . . sa kanya kami nagmana. Lahat kasi kaming mga lalakeng anak niya ay hawig na hawig niya. Hair style at tindig lang yata ang pinagkaibahan naming magkakapatid. Bukod kasi sa halos magkakaboses kami ay pare-pareho din kami ng height. "Bakit, wala pa bang sinasabi ang ina mo sa'yo?" tanong nito na ikinailing ko. " But your DNA proves na anak kita. Madalas kasi one night stand lang ang ginagawa ko noon sa mga babaeng nakaka-fling ko. Kaya hindi ko na matandaan ang mukha ng Nanay mo sa tagal na rin noong huling pagkikita namin," saad nito na kitang nahihiyang sabihin iyon sa akin. Napahinga ako ng malalim. Tama naman siya. Hindi nga malabong makalimutan niya ang itsura ni Nanay. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Kung bakit wala pa ring sinasabi sa akin si Nanay na hindi niya ako anak. Imposible namang nagkamali ako kasi kita pa ang bahid ng dugo sa kobrekama namin. Bakas na malinis pa si Nanay nang makuha ko. "Damnit. Ano pa bang hindi sinasabi ni Nanay sa akin? Ano bang kinakatakot niya kaya hindi maamin-amin ang totoo sa akin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD