Chapter 7

2329 Words
AIREN: NAMAMANHID ang buong katawan ko nang magising ako kinabukasan. Napakusot-kusot pa ako sa mga mata ko na damang antok na antok pa rin ako at sobrang bigat ng katawan ko. "Darren!?" Natutop ko ang bibig na namimilog ang mga mata na malingunan ko si Darren na katabi ko sa kama at kapwa kami. . . hubo't-hubad! Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan na napaupo sa kabiglaan. Kahit dama kong kumikirot ang kaselanan ko ay hindi ko na alintana. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig na nagising ang diwa! "Ano bang nangyari kagabi!?" usal ko sa isipan na napasabunot sa ulo. Napapikit ako na parang minamartilyo ang ulo ko sa pagkirot nito habang inaalala ang mga nangyari kagabi. At para akong nagliliyab sa init na makumpirmang. . . may namagitan sa amin ni Darren! Si Darren na anak ko! "s**t Airen! Ang tanga-tanga mo naman!" kastigo ko sa sarili na napahagulhol sa nalaman! Nandidiri ako sa sarili at nagsisisi sa nangyari. Paano ko naipagkaloob sa anak ko ang puri ko? Oo nga't lasing kami pareho ni Darren pero sana ay pinigilan ko siya. Hindi ko sana pinayagan na may namagitan sa amin. Pero sa mga natatandaan ko ay nagustuhan ko ang lahat na panay ang ungol kagabi! Tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan na kinikilabutan sa mga naaalala. Nang makalma ko na ang sarili ko ay pumasok ako sa banyo na naglinis ng katawan. Muli akong napahagulhol na makita sa kaharap kong salamin ang mga pulang marka na iniwan ni Darren sa leeg at dibdib ko. Parang nararamdaman ko pa ang mainit niyang mga labi na sinisipsip ang balat kong ikinakikilabot ng katawan ko! Halos ubusin ko ang body wash ko para sabunin ang katawan lalo na ang mga kissmark ni Darren. Pero kahit anong sabon ko at kuskus sa sarili ay alam ko, nakatatak na sa isipan ko. Napakarumi kong babae. Napakababa ko. Napakababoy ko na sumiping sa sarili kong anak! ISANG mabigat na desisyon ang napagpasyahan ko matapos ang dalawang oras kong paglilinis sa katawan. Mabuti na lang at nahihimbing pa rin si Darren. Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko na siya kayang makaharap pa. Para akong lulubog sa lupa sa kahihiyan. Naluha akong maingat na hinaplos ito sa ulo. Para akong pinipiga sa puso ko sa kaisipang. . . iiwanan ko na siya. "Malaki ka na, Darren. Kaya mo na. . . ang sarili mo. Patawarin mo si Nanay. Naging marupok ako. Pero hindi ko pinagsisisihang. . . maging anak kita. Mahal na mahal kita, Darren ko. Pero maling-mali na higit sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ang nararamdaman ko para sa'yo. Iingatan mo ang sarili mo." Bulong ko na mariing hinagkan ito sa noo at pilit ngumiti. Maingat akong lumabas ng silid dala ang bag ko na nilalaman ng ilang piraso ng damit ko. Alam kong hindi pupuntahan ni Darren ang kanyang ama sa Manila. Pero kapag nalaman niyang nandoon ako ay tiyak na susunod siya doon. Pagtatagpuin ko lang ang landas nila ng ama at mga kapatid niya. Tiyak akong matatanggap din ni Darren ang mga ito. Kaya ako na ang kikilos para mapalapit ito sa kanyang pamilya. DARREN: NAPASAPO ako sa ulo na makadama ng kakaibang kirot. Dinig kong maingay na sa labas kaya tiyak akong tanghali na. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko na sumagi sa isipan ang mga namagitan sa amin. . .ni Nanay!? "Nay!?" gimbal ka bulalas ko nang maalala ang mga nangyari! Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan na malingunang wala na si Nanay sa tabi ko. Sumidhi ang kakaibang kaba sa dibdib ko na napasapo sa ulo! Napalunok ako na masulyapan ang pulang matya sa kobrekama. Tanda na totoo nga ang mga nangyari at. . . . "Virgin si Nanay? Paano?" bulalas ko na maalala ang nangyari. Para akong matatakasan ng bait at pinagpawisan ng malamig na inaalala ang nangyari. Pero malinaw naman sa memorya ko na ako ang nakauna sa kanya. "Damn! Bakit ko nagawa iyon!?" kastigo ko sa sarili na hindi malaman kung anong gagawin. Litong-lito ang isipan ko sa mga nangyayari. Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ko na tanging si Nanay lang ang makakasagot. Napahilamos ako ng palad sa mukha na mabibigat ang paghinga. Baka mamaya ay namumuhi na sa akin si Nanay. Kung bakit naman kasi nadarang ako kagabi at tuluyang nakalimot! Alam ko naman na habang tumatanda ako ay lumalalim ang nararamdaman kong pagmamahal kay Nanay. At pilit ko iyong nilalabanan dahil alam kong mali. Mali na ibigin ko ang sarili kong ina. Sa tuwing nilalambing ko siya. Sa tuwing niyayakap at hinahalikan ko siya ay alam ko sa puso kong higit sa pagmamahal ng isang anak ang nadarama ko sa puso ko. Sobrang nagagandahan ako sa kanya na ibang-iba ang dating sa puso ko. Pinipilit kong ibaling sa iba ang nadarama ko sa aking ina pero. . .hindi ko magawa. Sa tuwing may kinakama akong babae ay mukha ng aking ina ang naglalaro sa isipan ko. Na pangalan niya ang sinasambit ko sa isipan ko. Kaya naman kagabi nang makita ko siyang naghubad na tanging panty at bra lang ang natirang saplot, idagdag pang nakahiga na siya sa kama at kapwa kami lasing ay tuluyan akong nadarang. Hindi ko alam kung mandidiri ako sa sarili. Magsisisi sa nangyari o matutuwa dahil birhen pa siya. Malaki ang posibilidad. . . na hindi kami mag-ina. "Pero kung hindi siya ang Nanay ko. . . sino ang ina ko? Nasaan na siya? At sino. . . itong Airen na kasama ko?" sunod-sunod kong tanong sa sarili. Napapilig ako ng ulo na maramdamang napakatahimik naman masyado ng bahay. Bigla akong binundol ng kakaibang kaba sa dibdib na napatayo. Kaagad kong isinuot ang boxer at pantalon ko na nagkalat sa sahig at patakbong bumaba ng hagdanan. "Nay!?" pagtawag ko. Pero nagpunta na ako sa kusina at likod ng bahay ay wala si Nanay! Napasabunot ako sa ulo na lumabas ng gate. Palinga-linga na hinahanap ito. Baka naman namalengke lang o nasa mga kapitbahay na nakikipag kwentuhan. "Darren! Mabuti naman gising ka na!" Napalingon ako sa tumawag sa akin mula sa likuran. Si Clifford. Mukhang bagong ligo pa lang ito at bagong gising. "Okay ka lang ba?" tanong nito na mapansing aligaga ako. "Uhm, pare. Nakita mo ba si Nanay?" hindi nakatiis kong tanong na ikinapilig nito ng ulo. "Si Tita Airen? Hindi bakit?" balik tanong nito. "Fvck!" mahina akong napamura na napalapat ng labing napapalinga muli. "Bakit? Nawawala si Tita?" pangungulit nito. "Hindi baka. . . baka bumaba lang ng bayan. Baka namalengke o nagsimba." Saad ko. "Nakahithit ka ba ng katol, pare? Anong simba? Sabado ngayon. Saka. . .kakapamili lang natin kahapon 'di ba?" sagot nito na ikinalunok ko. Tama siya. Sa linggo lang naman bumababa ng bayan si Nanay para magsimba at mamalengke. Pero sa akin naman siya nagpapahatid. Kaya imposibleng nasa palengke o simbahan ito ngayon. Pero nasaan siya? Hindi naman ugali ni Nanay ang basta-basta na lang umaalis lalo na't hindi manlang ito nagpaalam sa akin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko na sumagi ang mga namagitan sa amin kagabi. Kung paano ko siya inangkin ng buong-buo. Ilang beses ko rin siyang inangkin kagabi kahit nakatulog na siya. "Galit kaya siya sa akin? Nasusuklam na kaya si Nanay sa akin? O baka naman. . . iniwan na niya ako?" piping usal ko na tumulo ang luha. "Pare, relax ka lang. Baka naman may--teka. May naalala ako," wika ni Clifford na napapapilig pa ng ulo. Napapahid ako ng luha na bumaling ditong nakatulala. "Anong nangyari sa'yo?" untag ko. Tumitig ito sa akin na namutla at napalunok. "Darren, kasi kahapon. . . may dumating dito na binata. Nakasakay nga siya sa magarang kotse eh. Hinahanap kayo ni Tita Airen at nagkausap sila. Alam mo ba. . . kamukha mo 'yong binata na nakausap ni Tita. Sayang nga at hindi kayo nagpang-abot." Pagkukwento nito na ikinatulala ko. Tinapik-tapik ako nito sa balikat na ikinabalik ng ulirat ko. "Sandali. . . nakausap ni Nanay?" paninigurong tanong ko na ikinatango nito. "Baka kapatid mo 'yon, Darren. Kamukha mo eh." Wika pa nito na ikinanigas ko. Alam kong may mga kapatid ako sa ama at minsan ko na silang in-stalked sa social media. Hindi nga maitatanggi na kapatid nila ako dahil halos iisa ang mukha namin na minana namin sa babaero naming ama. Si Dwight Axelle Madrigal. Isang tycoon billionaire at sikat ding artista noong kabataan nito. Umalis na kasi ito sa showbiz at nag-focus sa negosyo at pamilya nito. Gano'n pa man ay wala akong interes na makilala ito. Masaya ako sa buhay namin ni Nanay. Kaya ni sa panaginip ay hindi ko ninais na makilala ang mga ito sa personal. "Hindi kaya. . . may kinalaman 'yong binata kahapon, pare? Kasi nagkausap sila ng masinsinan ni Tita Airen eh." Saad nito na ikinabalik ng ulirat ko. Naikuyom ko ang kamao. Kahit paano ay naibsan ang pagsisisi ko sa sarili sa kaisipang umalis si Nanay dahil namumuhi ito sa akin. "Kamukha ko ba talaga?" tanong ko dito na tumango-tango. Nag-igting ang panga ko. Marahil ay kinausap nila o ipinatawag si Nanay sa mansion nila para makausap ng tungkol sa akin. "Teka, saan ka pupunta?" paghabol nito na pumasok ako ng bahay. "Pupuntahan ko si Nanay." "Huh? Saan?" nagtatakang tanong nito na nakasunod sa akin hanggang silid ko. Nagtungo ako sa cabinet at kumuha ng ilang pirasong damit ko. Nagbihis din ako ng isang itim na cargo pants, black vneck shirt, black merrel shoes at black cap. Naligo na lamang ako ng pabango at nagmamadali na ako. Wala na akong oras na maligo. "Luluwas ka ng syudad? Hindi ba delekado? Ni wala kang kakilala doon. Alam mo ba kung saan ka pupunta?" magkakasunod nitong tanong na bakas sa tono ang pag-aalala. "Bahala na, Clifford. Si Nanay ang hahanapin ko doon. Kung wala siya sa bahay na sasadyahin ko? Magpapatulong na ako sa kapulisan para mahanap siya," sagot ko dito na inayos ang sarili. "Samahan kita?" "Hwag na, Pare. Pero. . .pwede bang makisuyo?" sagot ko na ikinatango nito. "Dumito ka na muna sa bahay hangga't hindi pa kami nakakabalik. Ikaw na munang bahala dito at sa jeep ko. Uhm, tatawagan kita kapag may update na ako." Seryosong saad ko ditong tumango-tangong pilit ngumiti. "Sige, pare. Mag-iingat ka doon ha?" Tumango ako na tinapik ito sa balikat. May pagmamadali akong lumabas ng bahay. Sumunod naman ito na inihatid ako hanggang sa labas. "Ihahatid ba kita sa bayan?" tanong nito. "Hwag na, pare. Magta-tricycle na lang ako." Aniko na pinara ang parating na tricycle. "Mag-iingat ka doon, Darren. Ibang-iba ang Manila dito sa probinsya natin. Saka. . . ipagdarasal ko kayo ni Tita. At kung sakali at umuwi si Tita Airen dito, tatawagan kita." Pahabol nito nang pasakay na ako sa tricycle na tinanguhan at nginitian ko. "Salamat, pare. Ikaw ng bahala dito." Isang tango ang isinagot nito na nagkawayan na kami at umandar na ang tricycle. "Nanay. Patawarin mo ako sa nagawa ko kagabi sa'yo. Sana lang. . . sana lang tama ako ng hinala," usal ko na napapalapat ng labi. HAPON na nang makarating ng terminal ang bus na sinakyan ko paluwas. Wala akong ibang ginawa sa byahe kundi matulog at paminsan-minsan ay tinatawagan si Nanay pero unattended ito. Wala din naman akong natanggap na mensahe mula dito at kay Clifford kaya tiyak akong hindi pa ito nakakabalik ng bahay. Napalinga ako sa paligid. Ibang-iba nga ang syudad sa probinsya. Sa amin kapag gan'tong magdidilim na ay huni ng mga insekto sa paligid ang maririnig mo. Pero dito ay sabay-sabay na umilaw ang mga ilaw sa building at poste. Kaya kahit gabi ay maliwanag pa rin. Maraming tao, sasakyan at nagtataasan ang mga gusali. Nangangawit ang leeg ko sa kakatingala sa mga gusali nang biglang may humablot sa bag ko na ikinaalarma ko! "Hoy! Tarantado ka! Magnanakaw!" sigaw ko na hinabol ang lalakeng snatcher! Pero tila wala manlang pakialam ang mga tao sa paligid kahit alam nilang ninakawan ako. Napailing ako na mabilis sinundan ang magnanakaw na kay bilis kumaripas ng takbo! Maya pa'y tumawid ito sa kalsada at muntikang mabangga ng isang itim na kotse kaya naabutan ko ito at kaagad dinakma! "Hayop ka! Ang laki-laki ng katawan mo pero pagnanakaw ang trabaho mo!" bulyaw ko na malakas itong iniuntog sa bumper ng kotse. Marahas ko itong isinandal sa bumper at ilang beses na pinagsusuntok sa mukha. Hanggang sa bumaba ang may-ari ng kotse na inawat ako. "Hey you. That's enough. Nakaharang kayo sa daan ko," wika ng baritonong boses na napakaganda ng accent ng boses. Napalunok ako na dahan-dahang napalingon dito at kapwa natigilan na magtama ang mga mata namin! Bumilis ang t***k ng puso ko na hindi kaagad nakakilos. Sinamantala naman iyon ng magnanakaw na tumakbo na hindi ko na napigilan. "K-kuya?" bulalas nito na tila hindi sigurado. Napahagod pa ito ng tingin sa kabuoan ko na namilog ang mga chinitong mata na pinakatitigan ako sa mukha. "What the fvck! Ikaw nga! Kuya Darren!" bulalas nito na bigla na lamang akong sinunggaban na niyakap at parang tuko ng naglambitin sa leeg ko! Hindi ako nakakilos sa kabiglaan lalo na't alam niya ang pangalan ko. At kahit itanggi ko ay dama kong magaan ang loob ko sa kanya. Kumalas ito sa akin na napakalapad ng ngiti at nagniningning ang mga mata. "Teka. . .sino ka ba?" aniko na isinukbit ang bag ko sa balikat. Tumuwid ito ng tayo na naglahad ng kamay. Napahagod ako ng tingin dito na nakapang-opisina ang suot. Naka-white long sleeve polo ito na nakatupi ang manggas hanggang siko. Naka-tuck-in ito na pinaresan ng black slack at black leather shoes. Naka-wax din ang buhok nito na may hikaw sa kaliwang tainga na lalo niyang ikinagwapo. Kung katawan at mukha lang ay hindi ito nalalayo ng itsura sa akin. Napakurap-kurap ako nang kinuha nito ang kamay ko na ikinasunod ko ng tingin doon na madama ang kakaibang bugso ng damdamin ko. "Noah. I'm Noah Madrigal." "N-Noah?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD