Prologue
TAHIMIK akong yakap-yakap ang larawan ng aking ina. Magdidilim na at kami na lang ng mga kapatid ko ang naiwan ng cemetery. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Kung paanong sa paggising ko ay wala na. . . ang babaeng pinakamamahal ko.
"Darren, it's getting late. Let's go?" pagtapik ni Kuya Delta sa balikat ko.
Tanging pag-iling lang ang naisagot ko dito na nananatiling nakatayo sa harapan ng pinaghimlayan sa aking ina.
Dinig kong napahinga ito ng malalim na bumalik sa pwesto nito. Maging ang ibang kapatid ko ay tahimik lang din na pinapakiramdaman ako. Hindi ko pa kayang iwanan si Nanay. Pakiramdam ko ay nalulungkot itong maiiwang mag-isa dito kapag umalis na ako.
Napahaplos ako sa pangalan nitong nakaukit sa kanyang lapida. Tumulo ang butil-butil kong luha na maalala ang katotohanang wala na ang aking ina.
"This is all my fault. I'm so sorry, mahal ko. Hindi na dapat ako nagpumilit kung alam ko lang na dito tayo hahantong. Siguro nga karma ko na ito. Dahil minahal ko ang babaeng nagpalaki sa akin ng higit pa sa pagmamahal ng isang anak, sa kanyang ina. Pero kailanman ay hindi ko pinagsisisihang. . . minahal kita. At hanggang sa huling hininga ko ay mamahalin pa rin kita, Aireen." Piping usal ko habang inaalala ang masayang nakalipas namin.
I LEAVE the country after what happened to my Mom. Hindi ko kayang magpatuloy na nakikita ko siya sa lahat ng sulok ng mansion. Hindi naman ako pinigilan ng pamilya ko dahil alam nila kung gaano kabigat at kahirap sa akin na tanggapin ang nangyari kay Nanay.
After five years. I came back to the country. Sinabi ko sa sarili ko, kaya ko na. Kaya ko ng bitawan ang mga ala-ala naming mag-ina. Akala ko five years is enough. Na kaya ko na siyang pakawalan at magsimulang muli na wala na siya. Pero. . .akala ko lang pala.
Masakit pa rin sa puso ko na nakikinita siya sa bawat sulok ng mansion. Para ko pa ring naririnig ang boses at halakhak niya. Ang pag-aasikaso niya sa akin at mga panenermon sa tuwing uuwi akong lasing. I miss her. Her scents, her smoothness, her voice, her touch, her hug, her kisses. I miss her so much. Everything about her.
"Welcome back, Kuya. How are you?"
I shook my head and smile to my younger brother, Noah. Tinanggap ko ang beer na iniabot nito at sinundan siyang naupo sa sofa.
"I don't know, Noah. I still feel empty and alone inside. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakausad sa pilat ng kahapon," sagot ko na tinungga ang beer ko.
Sa aming magkakapatid, ako na lang ang walang asawa. Lahat sila ay happily married na kasama ang asawa at binuo nilang pamilya. Masaya ako para sa kanila. Pero may parte sa puso kong naiinggit din ako sa kanila. Dahil sila, kasama nila ang mga mahal nila. Habang ako? Pagbalik baliktarin ko man ang mundo. . . hindi ko na makakasama pa ang mahal ko. Ang yumao kong ina.
"Don't force yourself, Kuya. Panahon lang ang makakapag pahilom sa sugat na nasa puso mo. Kusa mo na lang mararamdaman na okay na 'yan. Na naghilom na 'yan. At sa oras na 'yon ay mararamdaman mong handa ka na. Handa ka ng magsimulang muli at pakawalan na siya," sagot nito na ikinatango-tango ko.
Hindi na yata darating ang oras na iyon. Na maghihilom ng tuluyan ang malaking sugat sa puso ko. Limang taon na ang nakakalipas pero heto at nagluluksa pa rin ang puso ko. Nangungulila at hindi pa nakakausad sa sugat mula sa nakaraan.
"Hindi na ako umaasang dumating pa ang araw na iyan, Noah. Not anymore." Tugon ko na inubos ang beer ko.
KINABUKASAN ay dinalaw ko si Nanay sa sementeryo kung saan ito nakahimlay. Limang taon na ring hindi ko siya muling nadalaw. Pakiramdam ko tuloy ay trinaydor ko siya at iniwan sa pag-alis ko ng bansa.
Inilapag ko ang dala kong isang bouquet ng sunflower sa ibabaw ng nitsu nito, ang paborito niyang bulaklak. Mapait akong napangiti na hinaplos ang pangalan niyang nakaukit sa lapida nito.
"Airen Gonzalez." Usal ko. "Kumusta ka na, mahal? Patawarin mo ako na ngayon lang ako dumalaw. Hayaan ko, araw-araw na akong dadalaw sa'yo ngayon na nakabalik na ako ng bansa. Wala rin kasing saysay na nagpakalayo ako dahil. . .dahil hindi pa rin kita mabitawan. Ikaw eh. . . iniwan mo kasi ako. Hindi tuloy ako makausad-usad na wala ka dito sa tabi ko." Saad ko na parang nasa harapan ko lang ito.
Namuo ang luha sa aking mga mata. Napayuko ako na kalauna'y napahagulhol sa bigat ng dibdib ko. Hindi ko pa rin kaya. Iisipin ko palang na wala na siya at kailanman ay hindi ko na makikita ay para akong sinasaksak ng punyal sa puso ko. Ang sakit-sakit. Ang bigat-bigat sa dibdib tanggapin. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang wala siya.
"Tissue?"
Napaangat ako ng mukha na may malambing na boses ang nagsalita sa tabi ko. Napasulyap ako sa tissue na iniabot nito na ikinatingala ko dito at naningkit bahagya ang mga mata na nasilaw ako sa liwanag.
Unti-unting luminaw ang pigura nito na ikinatayo ko at natulalang napatitig dito! My heart beat fast na mapatitig sa maamo niyang mukha. It's her! But how?!
Nababaliw na ba ako? O minumulto ako ng ina ko na nakikita ko ito ngayon na nakatayo sa harapan ko! Umihip ang hangin na ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan. Hindi pa rin maalis-alis ang paningin ko ditong mahinang natawa at iling sa reaction ko.
"Why are you looking at me like that? Am I too pretty para matulala ka ng ganyan, Mister?" maarteng turan nito na napahagod pa ng tingin sa kabuoan ko.
"A-Airen," sa wakas ay naisatinig ko.
Naipilig pa nito ang ulo na nagsalubong ang kilay.
"Airen? Ako?" anito na itinuro ang sarili.
"B-buhay ka?" usal ko na nakatulala pa rin dito.
"What? Hey, excuse me? Anong tingin mo sa akin, patay? Pasalamat ka. . . gwapo ka," ingos nito na tinalikuran na ako.
Bago pa man ako nakabawi ay nawala na siya sa harapan ko. Napasapo ako sa ulo ko. Litong-lito na palinga-linga sa paligid ko. Pero wala na ang babaeng nakasuot ng white long dress na kausap ko lang kanina.
Napatampal ako sa noo na napapikit. Am I daydreaming? Dahil sa labis kong pangungulila sa mahal ko ay nakikinita ko na ito. Napababa ang tingin ko sa kamay ko na ikinagising ng diwa kong makita ang tissue na hawak ko mula dito!
"Fvck! She's real!! Buhay siya! Nagbabalik na. . . ang mahal kong ina."