Chapter 9

2200 Words
DARREN: ILANG minuto kaming walang imikan. Hindi ko rin naman alam kung paano siya kakausapin. Hindi naman ako galit sa kanya. Hindi rin ako naiilang. Pero wala din kasi akong maisip na topic para magkakwentuhan kami. Maya pa'y sumulpot na si Noah na nakasunod ang iba pa naming kapatid. Naupo ito sa tabi ko na umusog kaya napadikit ako sa ama namin. Umakbay pa ito na inabot ang ama namin kaya lalo akong nakadikit dito. "Dad, pwede ba tayong lumabas? Icelebrate natin ang birthday ni Darren. Boys bonding ba?" suhest'yon nito na bakas ang kasabikan sa tono. Ngumiti naman si Daddy na tumango-tango. "Kung papayag ang Kuya mo, bunso. Galing din ng mahabang byahe si Darren. Baka gusto na niyang magpahinga na muna." Sagot nito na ngumiti nang magtama ang mga mata namin. Nahihiya akong ngumiti na nagkamot sa batok na makitang gustong-gusto ng mga itong mag-bonding kami. "O-okay lang naman po," mahinang sagot ko na ikinamilog ng mga mata ng mga itong bakas ang gulat at tuwa na pumayag ako. Natatawa na rin ako na naghiyawan pa ang mga ito at apiran na tuwang-tuwa na pumayag ako sa gusto nila. Hindi naman big deal ang hinihingi nila. At ayoko namang maging KJ lalo na't ito ang unang beses na magkakasama kami. Muling bumilis ang kabog ng dibdib ko nang bitbitin na ako ni Noah na pumasok ng mansion. Nakasunod naman sa amin ang mga Kuya namin at si Daddy na naiiling sa kakulitan ni Noah. "Kumain na muna tayo. Noah, ihatid mo na muna si Darren sa silid niya para makaligo at bihis," ani Daddy. "Opo. Ako ng bahala kay Kuya, Dad." Sagot ni Noah na bakas ang excitement na hinila na ako paakyat sa mahaba at magara nilang hagdanan na fully carpeted pa ng kulay pula. Namamangha akong napapagala ng tingin. Para akong nasa exclusive five star hotel sa gara ng sala nitong mansion. Nagniningning din ang mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa ceiling. Lahat ng kagamitan nila dito ay nagsusumigaw ng karangyaan. "May silid ako dito?" nagtataka kong tanong dito na tumango at matamis na ngumiti. "Actually. . . may kumpanya na ring nakapangalan sa'yo, Kuya. Pero si Daddy muna ang namamahala dahil hindi ka pa dumating. Lahat tayo dito ay pantay-pantay ang pinamana niya. Kahit na. . . mga bastardo niya lang tayo." Sagot nito. Natigilan ako na napatitig dito at kita namang seryoso ito. "Bastardo ka rin?" tanong ko. Natawa pa ito na napakamot sa batok at tumango. "Uhm, yeah. Ako, si Kuya Leon, si Kuya Haden at 'yong panganay sa ating lahat. Si Ate Roselle." Saad nito na ikinalunok ko. Hindi ko pa kasi nakikita ang mga babaeng kapatid namin. Nakita ko na ang larawan nila at alam ko ang pangalan nila. Pero hindi ako sigurado kung katulad sila ng mga kapatid kong lalake na mababait at makukulit. Lalo na ang Noah na 'to na kasundong kasundo. Mukhang maloko din ang isang ito sa kilos at pananalita pa lang niya. "G-gano'n ba?" komento ko na naigala ang paningin sa pinasukan naming silid. Napaawang ako ng labi na napakalawak nito. Kung tutuusin ay mas maluwag pa dito kaysa sa buong bahay namin sa probinsya. Nasa gitna ang malaking kama. May sariling banyo, study table at mini sala. Plain white at gray lang ang pintura. May malaking flat screen TV din dito na naka-hang sa wall. Fully carpeted din ang buong silid na kulay gray. May isa pang silid dito na binuksan ni Noah habang nakasunod naman ako dito. "Dito ang wardrobe mo, Darren. Ikaw ng bahalang mamili ng isusuot mo ha? Gamit mo naman ang lahat ng nandidito eh." Saad nito. Namamangha akong naigala ang paningin sa naglalakihang closet dito. May mahabang stansa pa na puro salamin kung saan nakalagay ang mga sapatos, accessories at bag. Binuksan ko ang isang closet na ikinaawang ng labi kong punong-puno iyon ng mga long sleeve polo na kumpleto sa kulay. May mga pants ding naka-hanger dito at coat. Sa katabing closet ay casual attire ang laman. T-shirt, polo shirt, sando, short, pajama at mga underwear. Kumpleto lahat ng damit ko na kitang sakto sa built ng katawan ko. "Uhm, sa akin ba talaga ang mga ito?" nagdududa kong tanong na ikinatawa at iling naman nito. Inakbayan ako na napahawi pa sa mga damit na naka-hanger dito sa closet. "Of course, Darren. Ikaw ang may-ari ng silid na ito. Lahat ng nakalagay ditong gamit. . . pag-aari mo. Ganyan din ako noong unang pasok ko dito sa mansion. Para akong nalulula sa mga nakalaan sa akin. Hanggang sa unti-unti ay nakasanayan ko na rin." Saad nito na bakas ang kakaibang tuwa at kinang sa mga mata nito. Napahinga ako ng malalim. Aminado akong natuwa ako na malamang pinapahalagaan pala ako dito sa mansion kahit hindi pa ako nakakatuntong dito. Na kahit nasa malayo ako ay hindi ako nawawala sa pamilya ng ama ko. "Uhm, siya nga pala, Noah." Aniko habang namimili ng maisusuot. "Hmm?" anito na sa akin nakamata. "Uhm, nasaan si Nanay? Baka pwedeng makausap ko muna siya bago tayo lumabas. Importante talaga ang pag-uusapan namin." Saad ko na humugot ng dark blue polo shirt at black pants. "Baka nasa guestroom? I'll ask Kuya Delta." Anito na hinugot ang cellphone sa bulsa. Tumango ako dito na nagtungo na sa banyo at napanganga na makita kung gaano ito kaganda at kaluwag. Mas malaki pa ito kaysa sa silid ko sa bahay. May shower room na salamin ang dingding. Dito sa labas nakapwesto ang bathtub at lababo. Kumpleto din ang kagamitan na panlalake. Mabilis akong naligo sa shower room na hindi maitago ang ngiti sa mga labi kong may gan'tong lugar pa lang nakalaan sa akin. Alam ko namang bilyonaryo ang ama ko. Pero hindi ko inaasahan na kilala niya ako at nilaanan na ng mga bagay na para sa akin, katulad ng mga meron sa mga kapatid ko. Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay sinalubong na ako ni Noah na sinuotan pa ng bagong kuha nitong rolex watch sa wardrobe ko na ikinangiti ko. "Maraming mata ang nakasunod sa atin sa lahat ng kilos natin, Darren. Ayaw kong may maipuna sa'yo ang publiko," anito na nakangiti. Hindi na ako umalma nang suotan din ako ng diamond earring sa kanang tainga ko na ikinalapad ng ngiti nitong hinila ako sa harapan ng salamin. Sa isang iglap ay para akong nag-ibang tao sa itsura ko dahil sa damit at pormahan ko. Nakangiti naman itong inakbayan ako na napahawi pa sa buhok. "Walang dudang Madrigal ka, Darren. At napakasaya naming makasama ka na." Saad nito na bakas ang sensiridad sa tono at mga mata. "Salamat, Noah. Dahil sa'yo ay hindi ako naiilang ilapit ang sarili ko sa inyo." Sagot ko na napasuklay sa buhok kong basa pa. Magkaakbay kaming lumabas ng silid na nagkukwentuhan. Napansin ko naman na iba ang sinuotan naming koridor na ikinakunot ng noo ko. "Hindi pa tayo bababa?" nagtataka kong tanong. "Hindi ba gusto mong makausap muna si Tita Airen?" tanong naman nito na ikinalunok kong bumilis ang kabog ng dibdib! Bigla akong pinagpawisan na makakaharap ko na si Nanay. Tiyak na alam na niyang nandidito ako. Natatakot ako na makaharap ito dahil hindi ako sigurado kung nasusuklam ito sa akin dahil sa namagitan sa amin. "Uhm, sige. Hintayin kita sa baba ha?" anito pagkatapat namin sa pintuan ng silid. Napalunok ako na tumango ditong tinapik ako sa balikat bago umalis. Napabuga ako ng hangin na inayos ang sarili bago kumatok sa may pinto. Dinig ko naman ang mga papalapit na yabag mula sa loob na lalong ikinabilis ng pagtibok ng puso ko. Pigil ang paghinga ko nang dahan-dahang bumukas ang pinto at naramdaman ko ang pamilyar niyang prehensya. "D-Darren?" nauutal nitong sambit. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha mula sa pagkakayuko ko na sinalubong ang mga mata nito. Kitang hindi ito nagulat na makita ako pero napahagod ito ng tingin sa kabuoan ko na napalunok. "Uhm, pumasok ka. . .anak," mahinang saad nito na niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Nauna itong naglakad papasok na ikinasunod ko dito at hindi na nakatiis na niyakap ito mula sa likuran. Napasinghap ito na natigilan sa pagyakap ko. Sumubsob ako sa balikat nito at mas niyakap pa. "Galit ka ba sa akin?" pabulong kong tanong. Napalunok ito na dama kong hindi makakilos sa pagkakayakap ko. Kumalas ako na pinihit ito paharap sa akin. Napapisil ito ako sa baba nito na iniangat ang mukha nito. Hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata ko na pinamumulaan ng mukha. "N-nandidiri ka ba sa akin?" muling tanong ko. "H-hindi." Mahinang sagot nito. "Tignan mo ako sa mga mata ko, Nay." Pakiusap ko na ikinalunok nitong dahan-dahang sinalubong ang mga mata ko. "Galit ka ba sa akin? I-iiwanan mo na ba ako?" mahinang tanong ko na matiim na nakatitig dito. "D-Darren," tanging sambit nito sa pangalan ko. "Hwag mo naman akong iwan dahil sa namagitan sa atin. Alam kong mali. Alam kong mali na ginawa ko iyon. Pero. . . hindi ko na kasi mapigilan ang damdamin ko." Paninimula kong ikinalunok nito. Napahaplos ako sa pisngi nito na nangungusap ang mga matang matiim na nakatitig dito. "Nanay, mahal kita. Mahal na mahal kita." Pagtatapat ko. Umiling-iling ito na nangilid ang luhang napahawak sa kamay kong nakasapo sa pisngi nito. "Darren, maling-mali ito. Hindi dapat tayo nagpapadala sa tukso. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa atin? Ayokong mapasama ka lalo na ngayon na nandidito ka na sa pamilya kung saan ka nararapat," maalumanay nitong saad na tumulo ang luha. "Nay, alam mong wala akong habol sa yaman ng pamilyang ito. Ikaw ang pinakamahalaga sa akin. Kung nasaan ka, nandoon din ako." "Anak, makinig ka kay Nanay ha?" anito na sumapo sa magkabilaang pisngi ko. "Dito ka nababagay, anak. Kaya 'yong nangyari kagabi. . . kalimutan mo na." "Nagsisisi ka ba?" Hindi ito nakasagot na napalunok at iwas ng tingin sa mga mata ko. "Yong totoo. Sinadya mong pumunta dito para sundan kita, tama? Para lumapit na ako sa mga Madrigal. Bakit, Nay? Bakit mo ako pinain dito?" magkakasunod kong tanong. Umilap ang mga mata nito na hindi makatingin sa mga mata ko. Mapait akong napangiti na nahihinulaan ko na ang plano nito kaya dito siya nagpunta. "Plano mo akong iwan, tama? Dito ka nagpunta para sundan kita dito at hindi na makawala sa mga Madrigal. Saka mo ako iiwan, tama ba?" aniko na lalong ikinadaan ng guilt sa mga mata nito. Tumulo ang luha ko na napailing at napabitaw dito. Napalapat naman ito ng labi na nagpipigil maluha at hindi pa rin makatingin sa akin ng diretso. "Darren, hindi mo na ako kailangan pa. Nandito ka na. . .sa lugar kung saan ka nararapat." Anito na ikinailing kong malamlam ang mga matang nakatitig dito. "Isa pa. . . malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig mula dito. Tumulo ang luha ko na ikinaiwas nito ng tingin sa mga mata ko. "Malaki na ako? Kaya iiwanan mo na ako. Bakit? Dahil ba malaki na ako ay hindi na kita kailangan sa tabi ko ha?" mapait kong turan na ikinayuko nito. "Sawa ka na ba? Sawa ka na bang alagaan ako? Na pagsilbihan ako? Sawang-sawa ka na bang mahalin ako? Kaya iiwanan mo na ako. O baka naman hindi mo lang maamin sa akin na nasusuklam ka sa akin. Kaya gusto mo ng lumayo at iwanan ako dito," aniko na napahagulhol. Tumalikod ito na yumugyog din ang balikat at impit na napahagulhol. Bagsak ang balikat na nakamata ako dito at parang pinipiga sa puso ko ba umiiyak ito ngayon. Humakbang ako palapit na mahigpit itong niyakap na mas lalong napahagulhol. "Hwag mo akong iiwan. Ikaw ang kailangan ko, Nay. Ikaw lang sapat na sa akin. Hindi ko naman kailangan ng marangyang buhay kung ikaw ang kapalit. Kung gusto mo. . . babalik na tayo sa bahay natin." Humihikbing saad ko. Umiling-iling ito na napahawak sa kamay kong nakayapos sa baywang nito. "Ayokong ipagkait kita sa kanila. Hindi mo ba nakikita kung gaano sila kasayang nandito ka na?" anito. "Kung gano'n dito ka lang, Nay. Dito ka lang. Samahan mo ako dito. Dahil kung nasaan ka. . . doon din ako." Sagot ko na kumalas at pinihit ito paharap sa akin. Pilit akong ngumiti na marahang pinahid ang luha nitong napakapit sa baywang ko. Halo-halong emosyon ang nababasa ko sa mga mata nitong malamlam ba nakatitig sa akin. "I know it's wrong. Mali ako, Nay. Mali akong. . . makadama ng pag-ibig sa'yo. Pero kasi. . . pero kasi ang hirap labanan eh." Aniko na ikinalunok nitong kitang nabahala. Ngumiti ako na sumapo sa pisngi nito na tinitigan siya sa mga mata. "D-Darren." Nauutal na sambit nito na dama ko ang panginginig sa katawan at boses nito. "Pero nakapag desisyon na ako." Saad ko. "If loving you is a sin? Then so be it. Sin with me. . . Mommy." Usal ko na yumukong inabot ito sa mga labing napakapit sa baywang ko na damang nanigas sa kinatatayuan! Bahala na. Pero hindi ako makakapayag na mawala siya sa akin. Alam kong mali. Pero handa akong magkasala makasama lang at malayang mahalin. . . ang aking ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD