DARREN: MAAGA akong umuwi ng mansion para makausap ng masinsinan si Nanay. Hindi ako maka-focus sa trabaho na naiisip ang sitwasyon namin. Habang pauwi ay bumili ako ng chocolate cake at sunflower bouquet na paborito nito. Hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko habang pauwi sa mahal ko. Hindi na ako makapag hintay na magkaroon kami ng malinaw na usapan ng tungkol sa amin. Pagdating ko ng mansion ay tumuloy na ako sa silid ni Nanay. Naabutan ko naman itong nahihimbing na yakap-yakap ang unan. Lumapit ako na inilapag sa bedside table ang dala at naupo sa gilid ng kama. Matiim akong nakatitig dito. Nakasando at pajama siya ng suot kaya nakalantad ang braso at balikat nito na ikinababa ng tingin ko doon. Napalunok ako na napasuri ng tingin dito. Tandang-tanda ko namang. . .marami ako