THIRD PERSON POV: NANGINGITI ang dalaga na umuwi ng Antipolo, kung saan ang rest house nila na private sanctuary nito. Akala niya ay nananaginip lang siya kagabi na may kasama siyang mala prince charming ang datingan. Pero nang magising siya kaninang umaga ay laking gulat niya na may adonis nga itong katabi sa kama! Kung hindi lang tumawag ang Ate niya ay hindi nito iiwan ang binata. Pero bago iyon ay kinunan niya na muna ito ng larawan na magkatabi sila sa kama. Para hindi makalimutan ang mukha nito kung sakaling iyon na ang una at huling pagkakataon na makasama niya ang binata. Pagdating nito sa rest house nila ay tumuloy na ito sa loob, dala ang isang basket ng iba't-ibang prutas. Napahinga ito ng malalim na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Dito sa lugar na 'to lang siya nakak