UMAKTO akong normal sa harapan nito kahit nagulat ako sa paghalik nito sa mga labi ko. Hindi ko maiwasang kastiguhan ang sarili na nakadama ako ng kakaiba sa paghalik ng anak ko sa akin.
Siguro dahil ganap na itong binata. Hindi na katulad dati na baby ko pa siya. Kung tutuusin nga ay pwede na siyang magkanobya at bigyan ako ng apo. Napangiwi ako sa bagay na sumagi sa isipan ko. Ang posibilidad na bigyan ako ni Darren ng apo. Na magkaroon na ito ng sariling pamilya.
Hindi ko alam pero para akong kinurot sa puso ko na maisip ang bagay na iyon. Na mag-asawa na ang baby Darren ko. Hindi ko yata ma-imagine na mag-aasawa na si Darren. Hindi ko nga ba ma-imagine? O mas tamang sabihing. . . hindi ko gusto ang ideyang iyon. Na mag-asawa na ang anak ko.
Napabuga ako ng hangin na napailing sa sarili. Pilit winawaglit sa isipan ang bagay na nagpapabigat lang ng loob ko. Sa nakikita ko naman kay Darren ay masaya ito sa buhay single nito. May mga nakakarating sa akin na chismis ng mga kapitbahay tungkol kay Darren. Na may mga babaeng kinaka-fling ito sa bayan pero hindi ko na lamang pinapansin. Pero aminado ako na sa tuwing nakakarinig ng gano'ng balita ay naiinis ako at nagagalit kay Darren.
Pero hindi ko naman pwedeng isatinig ang bagay na iyon. Na ayokong nakikipag-fling siya sa ibang babae lalo na't nasa tamang edad na ito. Nakapagtapos na rin naman siya sa pag-aaral at nagtatrabaho. Kung tutuusin nga ay napakaswerte ko sa kanya. Napalaki ko siya na may mabuting puso.
Minsan ay napapaaway ito. Pero hindi 'yong away na nagsisiga-sigahan dito sa amin. Kundi pinagtatanggol lang nito ang sarili at mga kasama. Mabait at maaasahan itong anak na hindi nahihiyang maglambing sa aking ina nito. Kahit na sa harapan ng lahat. Kaya nga naiinggit ang mga kapitbahay namin lalo na ng mga inang katulad ko sa akin. Dahil may responsable, mabait at mapagmahal akong anak, katulad ni Darren.
"Nay, ako na po d'yan."
Napalingon ako dito na nagmula sa likod bahay. Nasa likod ng bahay ang banyo namin at palikuran. May poso din doon na sarili namin. Napalunok ako na mapasulyap sa dibdib at abs nito dahil bagong ligo ito at walang damit pang-itaas. Nakasampay ang kulay asul niyang towel sa malapad niyang balikat na naka-short ng abot tuhod nito.
Lumapit ito na kinuha ang kutsilyo mula sa akin. Napaatras ako bahagya na magdikit ang balat namin at para akong nakuryente. Muli na namang bumilis ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan!
"s**t, Airen! Ano bang nangyayari sa'yo?" kastigo ko sa sarili na napapikit.
Malalalim akong napahinga para kalmahin ang sarili. Hindi dapat ako makadama ng gan'to para sa anak ko. Mali. Maling-mali.
"Nay, okay lang ba kayo?" tanong ni Darren na mapansin ang pananahimik ko.
Napatikhim ako na pilit ngumiti dito. Hindi ko kasi namalayan na matiim na pala itong nakatitig sa akin. Gumapang ang init sa mukha ko na mapatitig sa mga mata nito. s**t talaga! Bakit parang ibang-iba ang mga iyon ngayon? Wala na kasing bahid ng kainosentihan ang mga mata nito katulad nang bata pa siya at nagbibinata. Siguro dahil binata na siya at marami ng alam sa makamundong bagay-bagay.
"Uhm, o-oo naman, anak. Sige na, tapusin mo na iyan para makapagluto na ako ng hapunan natin," tarantang sagot ko na ikinanguso nitong ipinagpatuloy ang paghiwa sa mga gulay na sangkap ng chopsuey na ulam namin.
Uminom ako ng malamig na tubig na pilit nililihis ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Maya pa'y narinig namin na may tao sa gate at tinatawag ako kaya lumabas ako ng kusina.
Napaawang ang labi ko na makita ang taong kinaiinisan ni Darren. Si Nestor. Ang barangay captain namin. At masugid kong manliligaw.
"Magandang hapon, Airen!" pagbati nito na kumaway pa.
Pilit akong ngumiti na napalingon kay Darren sa kusina na abala sa ginagawa. Lumabas ako ng bahay na pinagbuksan ito ng gate. Nakakahiya nga kasi pinapanood na naman kami ng mga kapitbahay na nagbubulungan.
"Kap, ikaw pala. Napadaan po kayo?" sagot ko na pinagbuksan ito ng gate.
Pumasok ito na iniabot sa akin ang dalang isang pumpong ng pulang rosas. Tiyak na maiinis na naman si Darren na dumaan ito ngayong araw. Ayaw kasi ni Darren na nagpapaligaw ako sa iba. Nagiging bugnutin ito kapag may nanliligaw sa akin kaya hindi ako tumatanggap ng manliligaw. Pero si Nestor ay iba. Mapilit ito at nakakahiyang ipagtabuyan dahil bukod sa mabait ito ay siya rin kasi ang barangay captain namin.
"Tuloy ka, Kap." Pormal kong pagpapatuloy.
"Naku, sinabi ko naman sa'yo. Hindi mo kailangang magpaka pormal sa akin, Airen. Wala namang kinalaman ang trabaho ko sa barangay ang pagpunta ko dito. Nandito ako para dalawin ka at makakwentuhan na rin." Magiliw nitong sagot na napakalapad ng ngiti.
Kung tutuusin, bata pa si Nestor. Binata at malinis ang track record sa barangay. Kaya naman gustong-gusto siya ng mga kabarangay namin dahil responsable din itong punong barangay. Mas malinis, tahimik at gumanda pa nga ang barangay namin nang ito na ang namahala dito.
"Maupo ka muna, Kap. Anong gusto mo? Kape o juice?" alok ko pa na ikinangiti nitong naupo sa sofa naming yari sa kawayan na napatungan ng foam.
"Uhm, kape na lang, Airen. Salamat ha?" sagot nito na tinanguhan ko at nagpunta ng kusina.
Napangiwi ako na magtama ang mga mata namin ni Darren at katulad ng inaasahan ko, nalukot ang mukha nito na makita ang bisita ko. Umasim pa ang mukha nito na pinaningkitan ang hawak kong pumpong ng pulang rosas.
"Uhm, anak. May bisita kasi ako. Ikaw na muna ang magluto ha?" paglalambing ko na hinaplos ito sa braso.
Napalunok ito na lumambot ang facial expression na mapasulyap sa kamay kong hindi ko sinasadya na mapapisil sa biceps nitong kay tigas. Para akong napapaso na nagbawi ng kamay at pilit ngumiti dito na nagtimpla na lamang ng kape.
"Bakit hindi mo pa siya binabasted?" mahina pero iritadong tanong nito na nagpatuloy sa pag-chop ng gulay.
"Ayaw niyang tumigil eh. Pursigido daw siyang patunayan ang sarili sa akin. Sa atin," mahinang sagot ko habang nagtitimpla ng kape.
"Tsk. Mas gwapo pa nga ako d'yan eh. Umbagan ko 'yan eh." Bubulong-bulong nitong saad na umabot sa pandinig ko.
Napailing akong nagpipigil mapangiti. Umiiral na naman ang kahanginan ng anak ko na gwapong gwapo sa sarili. Hindi ko naman siya masisisi dahil totoo namang ang gwapo ng Darren ko. Siya nga ang pinakagwapo dito sa barangay namin eh. Kahit sa bayan ay pinagtitinginan ito at tinitilian ng mga babae kapag dumaraan siya. Kaya rin malakas ang kita nito sa pamamasada. Madalas ay inaarkila siya para magpahatid sa kanya at pabor naman iyon kay Darren.
"Magluto ka na lang. Sarapan mo ha? Magkakape lang muna kami," saad ko matapos kong makuha ang tamang timpla ng kape namin.
"Eh nasaan ang kape ko? Siya lang pinagtimpla mo?" ingos pa nito na ikinailing kong mabilis na ginawan ito ng kape ng magtigil na.
Nakabusangot pa rin ito nang ilapag ko sa harapan niya ang kape niya. Nagdala din ako ng pandesal na pinalamanan ko ng peanut butter at iniwanan si Darren ng gawa ko para 'di na magreklamo.
"Sa sala muna ako ha?" pamamaalam ko na ikinahaba ng nguso nitong halatang ayaw na magtagal ang bisita ko.
Dinala ko ang tray na kinalalagyan ng kape at pandesal at dinala sa sala kung saan naghihintay si Nestor sa akin. Tumayo ito na sinalubong ako at kinuha ang dala ko.
"Salamat." Aniko na naupo kaharap ito.
"Salamat din, Airen. Uhm, hindi naman siguro mananakmal si Darren, noh?" pabirong saad nito.
Napasulyap ako kay Darren at namilog ang mga mata na makitang pinanlilisikan nito ng mga mata si Nestor na daig pa ang asong galit na mananakmal!
"Naku naman, Darren. Pasaway ka talaga. Anak ka ng Tatay mo," bubulong-bulong kong asik na pinaningkitan ito pero tanging kay Nestor lang siya nakatitig.
Ngumisi pa ito na nagtaas ng isang kilay sa bisita ko. Napatampal ako sa noo na napailing.
"Uhm, pasensiya ka na, Kap--I mean, Nestor. Medyo mainit kasi ang ulo ni Darren. Napaaway siya kanina d'yan sa basketball-an eh." Paumanhin ko na ikinabaling nito sa akin at pilit ngumiti kahit kitang nasindak siya ni Darren.
"Nabalitaan ko nga. Pero, binastos kasi ang muse ng team nila Darren. Mabuti nga at tinuruan ng leksyon ni Darren ang mga iyon. Mga dayo sila dahil nakatapat ng team nila ang team ni Darren sa basketball. Kaya nagkainitan." Paliwanag din nito na ikinatango kong pilit ngumiti.
"Magkape na muna tayo, Nestor. Pagpasensiyahan mo na at pandesal at kape lang ang meron kami." Saad ko na pilit pinasigla ang tono at mukha.
Matamis itong ngumiti na inabot ang kape nito na sumimsim doon.
"Salamat dito, Airen. Ang sarap ng timpla mo. Kung hindi nga lang nakakahiya eh. . .dito na ako mamalaging makikape at masarap ang timpla mo," wika nito na ikinangiti ko.
Pero kaagad ding napalis ang ngiti ko at sabay kaming napalingon kay Darren na nagsalita sa may pinto ng kusina.
"Anong dito ka makikape palagi? Ang kapal naman ng mukha mo. Kahit ikaw ang barangay captain dito ay hindi ka pasado sa akin na maging Tatay ko. Para kang timang. Umayos ka nga," ani Darren na ikinamilog ng mga mata kong pinandilatan ito.
"Darren." Madiing sambit ko na ikinangisi lang nito.
Kita kong napahiya si Nestor sa sinaad nito kaya nahihiya akong ngumiti kay Nestor na humihingi ng paumanhin. Tumango lang naman ito na tila nakuha ang pahiwatig ko.
"Uhm, mukhang mainit pa rin ang ulo mo, Darren. Nagbibiro lang naman ako. Kung gagawin ko man iyon ay magdadala naman ako ng kape at tinapay para hindi ako maging pabigat sa Nanay mo." Sagot ni Nestor na napaka alumanay ng boses.
"Tsk." Ismid lang ni Darren na bumalik sa kusina at kinindatan pa ako na pinaniningkitan ko ito.
Napalunok ako na muling nagkarambola ang pagtibok ng puso ko sa pasimpleng pagkindat nito kahit alam kong walang ibang ibig sabihin iyon! Tila inaasar lang niya ako na binara niya ang manliligaw ko.
Napahinga ako ng malalim na sumimsim sa kape ko. Maging si Nestor ay natahimik na rin na nagkape lang. Nahihiya tuloy ako sa inaasta ni Darren. Mabuti sana kung nakikipag biruan siya. Pero hindi.
"Nestor, pasensiya ka na talaga sa anak ko ha?" muling paumanhin ko na inihatid na ito sa labas ng gate.
Ngumiti naman ito na umiling. "Wala iyon, Airen. Alam ko namang walang pumapasa kay Darren sa mga nagtangkang manligaw sa'yo. Naiintindihan ko naman siya na iniingatan ka lang niya. Pero sana. . . pag-isipan mo pa rin ang pag-ibig na inaalok ko sa'yo, Airen." Saad nito. "Sige, mauna na ako. Salamat sa kape at oras mo ha?"
Tumango ako na pilit ngumiti dito. "Ingat, Kap. Salamat din." Pamamaalam ko na isinarado at lock na ang gate.
Nagmamartya akong pumasok ng bahay at hinarap ang magaling kong anak. Mapapalagpas ko pa ang pinanlisikan niya ng mga mata si Nestor dahil gano'n naman siya sa lahat ng mga nanligaw sa akin. Sinisindak niya ang mga ito sa mga mata pa lang niya.
Pero ibang usapan na 'yong binara niya si Nestor. Napahiya kasi 'yong tao. At kahit bisita lang namin siya ay nakakahiya pa rin lalo na't barangay captain namin si Nestor.
"Darren, mag-usap nga tayo." Saad ko pagpasok ng kusina at abala itong nagluluto ng ulam.
"Ano po iyon, Nay?" malambing sagot nito.
Napapikit ako na napahilot sa sentido. Gan'to siya palagi sa akin kapag may atraso siya. Sinasadya niyang maglambing para hindi ko sabunin ng sermon. Lumapit ako dito at nanggigigil na kinurot ito sa baywang na impit na napadaing.
"Darren naman!" asik ko.
"Nay, masakit po. Ito naman." Reklamo nito na napapangiwing pilit inaalis ang kamay kong nakakurot ng pinong-pino sa baywang nito.
Pabalang ko iyong binitawan na makitang nasasaktan siya. Namula iyon na ikinanguso nitong napahaplos doon. Naawa naman ako at nakunsensiya. Pero nang maalala ang atraso nito ay naglahong parang bula ang awa ko.
"Darren naman. Kung ayaw mo do'n sa tao, hwag mo na lang pansinin. Hindi 'yong babastusin mo. Anak, kapitan pa rin natin siya." Mahinahong sermon ko dito.
"Tss. Nay naman kasi. Sinabi ko na 'di ba? Hwag kang nagpapaligaw. Hindi ko naman kailangan ng hilaw na Tatay." Sagot nito na bumaling na sa niluluto.
"Oo na. Alam ko naman iyon. Sinabihan ko naman siya na wala talaga. Pero siya itong mapilit na gustong patunayan ang sarili sa ating dalawa." Saad ko dito na kitang napailing.
"Pasalamat siya kamo at kapitan siya dito. Dahil kung hindi? Matagal ko ng binasag ang pagmumukha." Bubulong-bulong nitong saad na umabot sa pandinig ko.
"May sinasabi ka?" sita ko.
"Wala po. I love you, Nay. Hwag ka na magalit sa akin. Ikaw eh. Naglalandi ka pa eh may anak ka na nga."
"Darren!"