Chapter 1

1822 Words
AIREN: NANGINGITI akong pinapanood ang anak kong abala sa pakikipaglaro sa mga kaedaran nito dito sa probinsya namin sa Laguna. He's only ten years old pero napakabibo nito na angat na angat ang itsura at talino niya sa mga kalaro niya. I am Airen Gonzalez. Hindi ko man matandaan kung paano ako nagkaanak, ang mahalaga ay hindi ko pinapabayaan ang anak ko. Isang umaga ay nagising ako sa hospital na walang ibang maalala maski pangalan ko. Pero ayon sa mag-asawang tumulong sa akin ay natagpuan nila ako at ang anak ko na nasa gilid ng abandonadong hospital na nakahandusay sa gilid. Kung hindi lang dahil sa iyak ng anak ko ay hindi nila kami napansin doon nang dumaan ang sasakyan nila at nagkataong nawawala silang mag-asawa. Malaki ang utang na loob ko kina Ma'am Cheng na siyang tumulong sa aming mag-ina. Sila ang nagpagamot sa akin at inalagaan nila si Darren habang wala akong malay. Ilang linggo akong nasa hospital at ayon sa doctor ko, nabagok ang ulo ko kaya nagkaroon ako ng temporary amnesia. Wala daw gamot ang amnesia. Kusang babalik ang naburang memorya ko. Laking pasalamat ko na lang na may dala akong birth certificate si Darren sa bag ko. Kaya doon nalaman ang pagkakakilanlan naming mag-ina. Kung titignan ang itsura ko ay napakabata ko pa. Pero ayon sa information ko sa birth certificate ni Darren ay nasa disiotso na ako nang manganak. Nakalagay din doon kung sino ang biological father ni Darren. At laking gulat ko na isa itong superstar! Si Dwight Axelle Madrigal na kilalang artista at modelo. Hindi ko lang lubos akalaing siya ang ama ng anak ko. Ni hindi ko matandaan kung paano niya ako naanakan. Pero dahil may amnesia ako, hindi ko na inihabol pa si Darren. Lalo na't happily married na ito sa napangasawang none showbiz na dalaga. Ayokong makagulo kaya hindi ko na inilantad pa si Darren sa kanila. "Nanay?" Napakurap-kurap ako na lumapit na pala ang anak ko at hindi napansin ito. "Yes, anak?" tanong ko na kinuha ang face towel na nakasabit sa balikat ko. Lumuhod ako para mapantayan ko ito at pinunasan ang pawis nito sa mukha, leeg at likod. "Amoy suka ka na sa asim, anak. Dahan-dahan naman kasi. Hwag kang puro takbo. Mamaya, atakehin ka na naman ng asthma mo ha?" saad ko na pinupunasan ang likod nito ng face towel at basang-basa na ang ulo at puting sando nito. Mistisong bata si Darren. Kaya konting babad lang niya sa sikat ng araw ay namumula na ang balat niya. Napakagwapo niyang bata kaya naman giliw na giliw ang mga kapitbahay namin sa kanya. Lalo na sina Ma'am Cheng na siyang nagpapaaral dito at naninilbihan naman ako sa kanila bilang labandera. "Nay, gutom na po ako." Nakangusong saad nito na ikinangiti ko. "Gano'n ba?" aniko na pinalitan muna ang sando nito para hindi matuyuan ng pawis. "Gusto mo bang bumili na lang tayo ng ulam kay Aling Marikit? O magluluto si Nanay." Napakibot-kibot naman ang nakatulis nitong nguso na tila nag-iisip. "Nanay, mas gusto ko po 'yong luto mo eh. Ayoko kay Aling Marikit. Hindi naman masarap ang luto no'n eh," sagot nito na ikinangiwi ko. "Ikaw talagang bata ka. Mana ka yata sa ama mo eh. Mapagpuna." Sagot ko na inakay na ito. Tapos na kasi ang klase nito sa school na katapat lang ng inuupahan naming bahay. Nagtitinda naman ako ng meryenda dito sa tapat ng school nito para mabantayan ko rin ang anak ko. Sa weekend ay nasa bahay kami nila Ma'am Cheng at labandera nila ako doon. Wala akong natatanggap na sahod sa paglalaba ko sa kanila dahil sila ang nagpapaaral kay Darren. Giliw na giliw kasi ang mag-asawa sa anak ko lalo na't wala silang anak. Ilang beses na nga nila akong inaalok na ampunin nila si Darren pero ayoko. Kaya ko namang buhayin ang anak ko. Handa akong magbanat ng buto mapakain at maibigay lang ang pangangailangan nito. Lahat gagawin ko. At kung umabot man kami sa parte na hindi ko na siya kayang buhayin? Dadalhin ko na lamang siya sa totoo niyang ama kaysa ang ipaampon ko siya sa ibang tao. Paminsan-minsan ay nagtatanong na rin si Darren ng tungkol sa ama niya. Pero palagi kong sinasabi na nasa malayo ang Daddy niya at hindi niya kami kilala. Pero nangako ako dito na pag binata na siya, hahayaan ko siyang puntahan ang ama niya at ipakilala ang sarili niya. "Airen, anak mo ba talaga si Darren? Para lang kasi kayong magkapatid," ang wika ni Aling Maria. Napahinga na lamang ako ng malalim na hilaw na ngumiti sa apat na matanda dito sa tapat ng bahay. May tindahan kasi si Aling Marikit dito na siyang may-ari din ng inuupahan kong tirahan namin ni Darren. Palagi na lang nila akong tinatanong kung anak ko daw ba si Darren dahil ang bata ko pa tignan. "Opo, Auntie. Anak ko po talaga si Darren. At hindi ko iyon kinakahiya dahil anak ko siya." Nakangiti kong sagot dito. "Ang bata mo kasi tignan, Airen. Kung itsura mo lang ang basehan? Tingin namin nasa twenty's ka pa lang. Sigurado ka bang bente-otso ka na?" pag-uusisa pa ni Aling Alma na katabi nito. Palibhasa ay mga tambay ang mga matatandang ito na gawaing magchismisan dito sa tindahan. Lahat yata ng ganap sa buong baranggay namin maging sa kabilang baranggay ay alam nila lahat ng pangyayari sa mga kapitbahay nila. "Opo. Hindi lang po halata. Sige po, mauna na kami ng anak ko." Sagot ko na yumuko bahagya at inakay na si Darren papasok ng gate. Dinig kong nagbubulungan pa ang mga ito na nakasunod ng tingin sa aming mag-ina pero hindi ko na lamang pinansin. Ganyan naman sila. Lahat ng taong daraan sa harapan nila ay uusisahin at pag nakatalikod na ay pag-uusapan na nilang magkukumare. Mga chismosa talaga. Walang ibang ginawa kundi ang bantayan ang mga ganap sa kanilang mga kapitbahay. "Nanay, bakit po nila tinatanong kung anak mo ba ako? Hindi po ba ikaw ang Nanay ko?" tanong ni Darren pagpasok namin ng maliit na bahay namin. Napahinga ako ng malalim na lumuhod para mapantayan ko ito. Hinaplos ko ito sa ulo na pilit ngumiti dito. "Hwag kang makinig sa kanila, anak. Gano'n naman ang mga iyon. Kung ano-anong pinagsasabi. Basta kay Nanay ka lang makikinig ha?" sagot ko na sumapo sa magkabilaang pisngi nito. Ngumiti ito na tumango-tango na ikinahalik ko sa noo nito. "Opo, Nanay. Pangako po," magalang sagot nito na ikinangiti kong pinupog ng halik ang buong mukha nito. "Very good. Ang bait naman talaga ng baby kong 'yan. Napakagwapo pa!" bulalas ko na pinanggigilang pisilin ang maliit at matangos niyang ilong na napahagikhik. "Dapat, Nanay. Ako lang ang baby mo ha?" paglalambing nito na ikinangiti kong pinaghahalikan ito sa buong mukha. "Opo. Ikaw lang po ang baby ni Nanay hanggang pagtanda ni Nanay." Sagot ko dito na napalapad ng ngiti. Halos magsarado na nga ang mga chinito nitong mata na kulay abo sa pagkakangiti nito. "Talaga po? Hanggang pagtanda niyo ay ako lang ang baby niyo?" "Aha. Bakit, gusto mo bang may iba pa akong baby?" "Ayoko po. Gusto ko ako lang, Nay." Sagot nito na napabusangot. Nangingiti naman akong nakamata dito. Gan'to siya sa tuwing hindi niya gusto ang sinabi mo. Mapapabusangot siya na napapairap sa hangin. "Opo. Ikaw lang ang baby ni Nanay." Nagniningning ang mga mata nito na muling napangiti. "I love you, Nay. I love you po." Paglalambing nito na ako naman ang pinaghahalikan sa buong mukha. 15 years later: MABILIS lumipas ang mga araw, buwan at taon. Ika-dalawampu't lima na ni Darren sa susunod na linggo. Ganap ng binata ang anak ko at sa awa ng Diyos ay naitaguyod ko naman ang pagiging single mom ko dito. Mabait na bata si Darren. Tinutulungan niya ako sa paghahanap buhay. Nakapagtapos din naman ito sa kolehiyo pero mas gusto nitong mamasada ng jeep dito sa amin at malakas ang kita. Hinayaan ko na lamang ito total ay masaya naman siya sa ginagawa. "Tita Airen! Tita Airen, si Darren po!" humahangos na tawag sa akin ni Kokoy. "Oh, Kokoy. Bakit, anong problema?" sagot ko na binitawan na muna ang walis na hawak ko at kasalukuyan akong nagwawalis dito sa harapan ng bahay namin. Hinihingal pa ito sa pagtakbo na napatukod ng kamay sa tuhod at malalalim ang paghinga. "Si Kuya Darren po kasi, Tita. Nakikipag-away po siya sa basketball-an eh!" pagsusumbong nito na ikinamilog ng mga mata ko! "Ano!? Ang batang iyon talaga! Darren!" nanggagalaiting asik ko na patakbong nagtungo sa basketball-an. Malayo pa ako ay dinig na dinig ko na ang sigawan at tilian ng mga tao. Ang iba ay sinisigaw ang pangalan ni Darren na mukhang inaawat ito! Nakipagsiksikan ako sa mga tao dito sa court hanggang makarating sa unahan para lang makita ang magaling kong Madrigal na binubugbog ang tatlong kalalakihan na walang panama sa kanya! "Darreen!!!" umaalingawngaw ang boses ko na ikinatigil ng mga ito maging ng magaling kong anak! "Nay! Pikit ka!" sigaw pa nito bago sinapak ng malakas ang lalakeng hawak nito sa kwelyo na napaupo sa semento! "Diyos ko, Darren!" nanggigigil kong sikmat ditong natatawang iniwan ang mga binugbog nito na dinampot ng mga baranggay tanod. "Hi, Nay. Nagagalit na naman ang Nanay ko." Paglalambing pa nito na pangiti-ngiti kahit pinaniningkitan ko. Lumapit ito na inakbayan akong ikinaiirit naman ng mga kadalagahan dito sa amin na kinikilig pa sa mokong kong anak. "Ikaw na bata ka. Uwi!" pagalit ko dito na nakukurot kung saan-saan. Tatawa-tawa naman itong hinuhuli ang kamay ko na inakbayan na akong pauwi. "Nanay, masakit. Saka, ano ka ba? Binata na ako. Nakakahiya kayang nakikita nilang kinukurot mo pa ako," reklamo nito na pinaningkitan ko. "Kinakahiya mo ako?" mataray kong tanong na ikinailing nito. "Hindi po ah. Bakit ko naman po kayo ikakahiya? Love na love ko kaya kayo. Ang ganda-ganda niyo pa!" pang-uuto nito na nakurot ko sa tagilirang napaiktad na natatawang napadaing. "Nambola ka pa. Pasaway ka talaga. Nakipag basag-ulo ka na naman." Sermon ko dito na napangiwi. "Nay, mga dayo ho sila at binastos nila 'yong muse namin. Kaya iyon. Tinuruan ko sila ng leksyon. Wala pala sila eh." Pagmamayabang pa nito. Pagdating namin ng bahay ay saka ko ito hinarap para masermonan. "Kahit na. Paano kung may kutsilyo ang isa sa kanila at nasaksak ka ha? Paano kung pinagtulungan ka? Paano kung tambangan ka isang araw? Paano--" Naputol ang iba pang sasabihin ko na yumuko itong napa-smack kiss sa mga labi kong ikinakurap-kurap ko. Nangingiti pa ito na ginulo ang buhok ko. Nag-init ang mukha ko na hindi nakaimik. Nangingiti naman itong matiim na nakatitig sa akin. Sanay akong malambing na anak si Darren sa akin. Sa edad nga nitong bentekwatro ay nagtatabi pa kami sa pagtulog at hinahagkan niya ako. Pero sa unang pagkakataon. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa paghalik nito sa akin. Na parang. . . iba ang dating sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD