Chapter 10

2127 Words
AIREN: PARA akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at nahimasmasan sa malalim naming halikan ni Darren! Buong lakas ko itong naitulak sa didbib na ikinabitaw nitong naghahabol hininga at malamlam na ang mga mata. "M-mali ito, Darren. Please?" pakiusap ko na mapait nitong ikinangiti. "C'mon, Nay. Alam ko, dama ko. Pareho lang tayo ng nararamdaman sa isa't-isa. Hindi ko ako kailangang ipagtulakan. Hindi ba pwedeng. . . sundin natin ang nararamdaman natin?" saad nito na nangungusap ang tono at mga mata. Kaagad akong umiling na ikinalabi nitong kitang nasaktan sa pag-iling ko. "Hindi pwede, Darren. Ayoko. Mapapahiya ka, anak. Kukutyain ka ng mga tao. Mandidiri sila sa'yo. Ayoko, anak ko. Please? Tama na ang minsan tayong nagkamali. Kung ako lang ang masasaktan at mapapahiya ay handa kong tanggapin. Pero damay ka. At bilang ina mo. . . ayokong masaktan ka. Ayokong husgaan ka ng iba. Please, Darren. Habang maaga pa ay itigil na natin ito. Hindi tayo pwede. Hindi ko kayang. . . mapangasawa ang anak ko." Saad ko na nagpipigil maluha. Napalapat ito ng labi na namumuo ang luha sa mga mata katulad ko. Aminado akong masaya na makitang nandito na ito. Mas lalo pa nga siyang gwumapo na kitang mamahalin ang suot mula ulo hanggang paa. Mas mapapabuti ang buhay niya ngayong nandito na siya sa pamilya kung saan siya nabibilang. Sa pamilya Madrigal.. Napalapat ito ng labi na nakalarawan ang kirot sa mga mata niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin at aluhin. Pero ayokong magpatangay sa bugso ng damdamin namin dahil alam kong mali at kahit pagbalik baliktarin namin ang mundo. Hindi magbabago ang katotohanang anak ko siya. "Anak, hinihintay ka nila. Bigyan mo ng pagkakataon ang pamilya mo na mapalapit ka sa kanila at makilala ka. Walang masama kung piliin mong tumira dito kasama sila," pag-iiba ko na pilit ngumiti ditong napahilamos ng palad sa mukha. Nagpamewang ito na napatingala sa ceiling. Kitang malalim ang iniisip sa sinaad ko. Ilang segundo itong natahimik na napapaisip. "Kung gusto mo akong manatili dito. . . dito ka lang. Katulad ng sinabi ko. Kung nasaan ka, nandoon ako." Sagot nito makalipas ang ilang sandali. Hindi ako nakaimik. Dahil plano ko na talagang lumayo sa kanya. Ayokong maulit muli ang namagitan sa amin kagabi dahil napakalaking kasalanan iyon. Pero kilala ko si Darren. Mayroon siyang isang salita. At kung magmamatigas ako na iwanan siya dito. Tiyak na aalis din siya sa poder ng mga Madrigal. Ayokong ipagkait sa anak ko ang karangyaan na nakalaan sa kanya. Dahil deserving din naman siya na mapabilang sa pamilyang ito. At kahit hindi niya sabihin. Nababasa ko sa mga mata niyang masaya siyang nakilala na rin sa wakas ang mga kapatid at kanilang ama. Pilit akong ngumiti na sinalubong ang mga mata nito. Kinuha ko ang kamay nito na napababa ng tingin sa kamay namin. Marahan kong pinisil ang kamay nito na ikinaangat nito ng tingin sa mga mata ko. "Sige. Mananatili ako dito. . . bilang ina mo. Darren, kalimutan na natin 'yong nangyari ha? Mananatili ako dito kung mangangako kang. . . kakalimutan mo na ang namagitan sa atin. Mag-ina tayo, Darren. Mag-ina." Saad ko na ikinalunok nitong nahihirapang tumango. Ngumiti akong hinaplos ito sa ulo. Kahit kitang labag sa loob niya ay pumayag siya sa kondisyon ko. Kaya kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko. Napahinga ako ng malalim na niyakap itong hinagod-hagod ako sa likuran. Ilang segundo din kaming nagyakapan bago lumabas ng silid at bumaba ng sala. MAINGAY at masaya kaming lahat na nagsalo-salo sa hapunan. Ang laki ng pamilya nila Sir Dwight at kitang makukulit lahat ang mga anak nito kahit mga binata at dalaga na. Maging ang asawa nitong si Ma'am Anastasia ay napakabait. Ni hindi ito naiilang na nandito ako at dama kong napaka genuine nito sa aming lahat. Kahit nga kay Darren ko ay napaka maasikaso nito sa anak ko. Kitang-kita sa mga mata nito ang tuwa. Na kahit hindi niya anak ang ilan sa mga anak ni Dwight ay pantay-pantay ang pagtrato niya sa lahat. Kaya marahil siya na ang pinakasalan ni Sir Dwight. Dahil bukod sa napakaganda nito, hindi ito maarte at higit sa lahat? Napakabait nito. Kahit asawa siya ng kilalang bilyonaryo ay ang simple ng datingan nito. Ni wala siyang make-up sa mukha at mga accessories sa katawan katulad sa mga napapanood sa telenovela. Napakama asikado din nito kay Sir Dwight. Kita ang kakaibang kinang sa kanilang mga mata sa tuwing nagkakatitigan sila na dama mo kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Kaya hindi na ako nagtataka na lumaking mabait at down to earth ang mga anak nila. Matapos naming naghapunan ay pinayagan ko si Darren na ipinaalam nila sa akin na isasama uminom sa labas. Kita ko naman kasing excited din si Darren na maka-bonding ang mga kapatid nito kaya hindi na ako umangal. Sa paglipas ng mga araw. Unti-unti din kaming nakapag-adjust ni Darren sa mansion ng mga Madrigal. At nakakatuwa na kahit hindi nila ako kaano-ano ay pamilya ang turing nila sa akin. Sumunod din naman si Darren sa napag-usapan namin na kalimutan na ang namagitan sa amin. Napapadalas nga itong lumalabas na tinatangay na lamang ng mga kapatid nito. Hindi pa kasi pumapasok sa kumpanya si Darren. Ang sabi ni Sir Dwight ay ipapakilala niya si Darren sa publiko sa itinakda nilang araw, kasabay ang pagpapakilala niya dito sa kumpanya na nakapangalan kay Darren. Hindi biro ang magpatakbo ng malaking kumpanya. Kaya hinahanda nila si Darren bago ipakilala sa lahat. Kitang determinado naman si Darren kaya nandito lang akong sinusuportahan ito. Kahit paano ay hindi na rin ako naiilang sa mga paglalambing niya dahil pinapadama nitong walang ibang ibig sabihin ang mga paglalambing niya. Isang umaga. Nakatambay ako sa garden na nagdidilig sa mga halaman nang lapitan ako ni Ma'am Anastasia. Matamis itong nakangiti at kahit walang ibang nakakakita sa amin ay napaka genuine ng pakisama nito sa akin. "Tama na muna 'yan, Airen. Halika, magmeryenda muna tayo." Alok nito na nilingon ko. Inilapag nito sa mesa ang dalang tray at juice. Tinapos ko na muna ang ginagawa ko bago lumapit ditong hinihintay ako. "Baka naman mapagod ka ha? Hindi mo naman trabaho 'yan, Airen. Mas gusto ko nga na nagre-relax ka lang dito. Hindi ka trabahor dito kundi parte ka ng pamilya." Nakangiting saad nito na pinaglagyan pa ako ng ginawa nitong lasagna at pasta. "Naku, okay lang po, Ma'am. Mas gusto ko rin po kasi na may ginagawa ako. Hindi ako sanay na nagtatambay lang buong araw." Sagot ko na ngumiting inabot ang bigay nito. "Pwede ka namang mamasyal, Airen. Sabihan mo si Darren o kung gusto mo, pwedeng tayo ang lumabas para mamasyal. Ako din eh. Minsan nakakabagot ang palaging naiiwan dito sa mansion kapag gan'tong nasa opisina ang mag-aama. Saka lang nabubuhay ang mansion kapag nandidito na ang mag-aama eh." Saad nito na nagsimula na ring kumain. ILANG minuto din kaming nagkwentuhan ni Ma'am Anastasia sa garden bago pumasok ng mansion. Tumuloy ako sa silid na tinutuluyan ko dito at naglinis ng katawan. Nababagot nga ako dito na wala akong ginagawa lalo na kapag wala si Darren. Pero ayoko namang dumagdag sa mga alalahanin ng anak ko. Sa mga sumunod na araw ay halos hindi na kami nagkakausap ni Darren. Gabi na kasi ito umuwi at madalas malalim na ang gabi. Kampante naman ako dahil bukod sa may mga bodyguard ito, kasama siya palagi ng mga kapatid niya. Minsan ay hindi ko maiwasang mamis ang buhay namin sa probinsya. Simple, kaming dalawa lang pero masaya naman kaming mag-ina. Hindi katulad ngayon na nasa mansion nga kami. Marami kami dito. Pero halos hindi naman na kami magkita ng anak ko. Kapag pinupuntahan niya ako dito sa silid ko ay nahihimbing na ako. O kaya ay mangungumusta lang at tatanungin ang araw ko. Pagkatapos no'n ay papasok na siya sa silid niya at magpahinga na. Sa umaga ko nga lang siya nakakasama eh. Kapag mag-aagahan kaming lahat. Pero dahil lalabas din ito, mabilis lang kaming magkasama. Pakiramdam ko ay lumalayo na ang anak ko. Pero ayoko namang magdamdam at iwanan ito dahil alam kong aalis siya sa mansion na ito. Kita ko kasing napakasaya ng pamilya niya na kasama nila si Darren. Unti-unti din ay nagbabago na si Darren. Sa kilos, pananalita at kung paano manamit. Unti-unting naglalaho ang Darren na pinalaki ko. 'Yong simple, maingay, malambing at maalaga. Ngayon kasi ay halos wala na itong oras sa akin. Pakiramdam ko nga eh. . . unti-unti na akong nagiging hangin sa paningin niya. Hanggang sa dumating ang araw na pinaka hinihintay namin. Ang ipinakilala ni Sir Dwight si Darren sa publiko. "Tita, bakit hindi pa po kayo nagbibihis?" Napalingon ako na may baritonong boses na nagsalita mula sa likuran ko. Pilit akong ngumiti na malingunan ang panganay na lalake ni Sir Dwight. Si Delta. "Uhm, hindi naman ako sasama sa party eh. Hindi ako mahilig sa gano'ng okasyon. Dito na lang ako." Sagot ko na ikinakunot ng noo nito. "Po? Bakit po? Eh kayo ang ina ni Darren." Nagtatakang tanong nito. "Uhm, Kuya. Ayoko ring magpunta doon si Nanay. Okay na 'yong sabihin ko ang pangalan niya. Pero ang ilantad siya sa publiko? I don't think that's a good idea. Magugulo ang pribadong buhay ni Nanay." Sabay kaming napalingon ni Delta sa may pinto na nagsalita si Darren sa likuran namin. Napalunok ako sa sinaad ng anak ko. May punto naman siya. Pero kasi may parte sa puso ko ang nasaktan. Na parang ang lumalabas ay. . . kinakahiya niya akong ipakilala sa publiko. "Pero. . . we can hire some bodyguard for her, Darren. It's your day. Hindi ba importanteng nandoon din ang babaeng nagluwal sa'yo?" nagtatakang tanong ni Delta dito na napailing na lumapit at inakbayan ako. "Hwag na, Kuya. Mas gusto ni Nanay ang simple at tahimik na buhay. Hindi rin naman ito papayag na may mga lalakeng nakaaligid sa kanya kahit saan siya magpunta. Sasabihin ko naman ang pangalan niya eh. Pero hindi ang mukha niya," sagot ni Darren. Bumaling sa akin si Delta na nagtatanong ang mga mata kaya pilit akong ngumiti dito na tumango. Napahinga ito ng malalim na kitang dismayado sa desisyon ni Darren. "Okay. Kung 'yan ang gusto niyo," mababang saad nito na pilit ngumiti sa aming mag-ina. Nang kaming dalawa na lang ni Darren ang naiwan dito sa dining room ay inalis na nito ang pagkakaakbay sa akin na nagtungo sa double door fridge at kumuha ng malamig na tubig. Inubos ko naman na ang kape ko at hinugasan sa sink para walang maiwang kalat sa lababo. "Nay, baka umagahin na ho kami makakabalik," saad nito na ikinatango ko. "Galit po ba kayo sa akin?" tanong nito na ikinatitig ko dito. "Hindi. Bakit naman ako magagalit? Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong iharap ako sa publiko. At 'yon din ang gusto ko." Sagot ko na ngumiti dito. "Hindi naman po tungkol doon." "Eh tungkol saan pala?" nagtataka kong tanong ditong napahinga ng malalim. "Tungkol po sa pagiging abala ko, Nay. Minsanan na lang tayong magkita at magkausap. Hindi naman po kayo nagtatampo sa akin?" anito na ikinalunok kong umiling dito. "Ano ka ba? Nauunawaan ko, anak. Alam ko naman kung gaano ka ka-busy ngayon. Dadagdagan ko pa ba ang mga alalahanin mo?" sagot ko na pilit pinasigla ang boses. Tumango-tango ito pero nandoon pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata na hindi ko batid kung para saan o para kanino? "Wala ba akong halaga sa'yo? Akala ko pa naman. . . hahanap-hanapin mo ako. Kaya sinasadya kong maging abala. Para mamis mo naman ako. Wala lang pala sa'yo," mahinang saad nito na umabot pa rin sa pandinig ko. Lumapit ito na humalik sa noo kong ikinasinghap ko. Heto na naman kasi ang kakaibang bilis ng kabog ng dibdib ko na nalalanghap ko ang kanyang manly scents at perfume na ikinanlalambot ng mga tuhod ko. "Magpahinga na po kayo, Nay. Hwag kayong nagpupuyat." Saad nito na ikinatango ko. Malungkot ang mga mata nitong pilit ngumiti sa akin na iniwan ako ng dining. Nakasunod naman ako ng tingin sa likuran nito na hindi namalayang tumulo ang luha ko. Para akong kinukurot sa puso ko sa mga nangyayari sa amin. Ito naman ang gusto ko 'di ba? Ang kalimutan na namin ang namagitan sa amin at harapin na niya kung anong nakalaan para sa kanya. Pero bakit. . . bakit nasasaktan ako? Pilit kong isiniksik sa utak ko na tama ang naging desisyon ko na kalimutan na ang namagitan sa amin. Pero kahit anong tanggi ko alam ko sa puso kong. . .nasasaktan ako na nakikita itong lumalayo na sa akin. Dapat masaya ako kasi tumupad siya. Pero bakit. . . bakit nadudurog ako? Bakit nasasaktan ako na lumalayo na sa akin ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD