THIRD PERSON POV TAHIMIK na mag-isang umiinom sa mini Bar ng mansion si Delta. May mga napapansin kasi ito sa nakababatang kapatid na si Darren at sa Nanay nito. Pero ayaw niyang pangunahan ang mga bagay-bagay. Isa pa ay malaking katatawanan ang nagpaparamdam dito na ugnayan ng dalawa. Napailing ito na muling nilagok ang shot nito. Nadaanan naman ito ni Noah na mag-isang umiinom kaya pumasok ito ng Bar. "Kuya," anito na tinapik sa balikat si Delta. Naupo ito sa tabi ni Delta na nag-abot ng baso. Pinagsalinan naman ito ni Delta ng alak sa baso nito. "Are you okay, Kuya?" ani Noah na nilagok ang shot nito. Napailing si Delta na nilagok din ang shot nito. "Yeah. I am, bunso." "Eh bakit matamlay ka? What's bothering you, Kuya?" tanong nito na mapansing malalim ang iniisip ni Del