AIREN: NAGHAHABOL hininga akong napahawak sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog nito na para akong pinatakbo ng milya-milya. Hinahagod-hagod naman ako ni Darren sa likod ko hanggang sa makalma ko na ang sarili. "Are you okay, mahal?" nag-aalalang tanong nito na hinaplos ako sa ulo. "Uhm, yeah. Nabangungot lang," sagot ko na inubos ang tubig sa baso ko. "About what?" nakakunotnoong tanong nito na matiim na nakatitig sa akin. "Panaginip lang iyon. Ano ka ba? Matulog na lang tayo." Pag-iiba ko na muling nahiga sa kama. Nahiga din naman ito na pinaunan ako sa braso nito. Yumakap ako sa baywang nito na napasiksik sa dibdib nitong nakatagilid ng higa paharap sa akin. KINABUKASAN ay hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang tungkol sa napanaginipan ko. Imposible namang may kamukha ako.