AIREN: "A-ANO?" halos pabulong anas nito na bakas ang kabiglaan sa narinig. Magsasalita na sana ako nang mag-vibrate ang cellphone nito na ikinabaling ng attention doon. "Uhm, saglit lang, mahal. Si Kuya Delta ang caller." Anito na ikinatango kong tumayo na mula sa pagkakaupo sa kandungan nito. Bumalik ako sa kitchen na naghanda na lamang ng snack nito. Pasulyap-sulyap naman ito sa akin habang kausap ang kapatid nito sa cellphone. Napabuga ako ng hangin na pilit kinakalma ang sarili. Gusto ko sanang magpatulong kay Darren tungkol sa nakaraan ko. Alam kong kaya ni Darren alamin ang nakaraan ko kahit hindi ko ito maalala. Pero sa dami ng ginagawa nito ngayon na halos wala na siyang pahinga, isisingit ko pa ba ang tungkol sa bagay na iyon? Napatitig ako dito na abala pa rin sa pagkausa