Chapter 5

2300 Words
AIREN: LIHIM akong nangingiti habang pinapanood si Darren na naglalaro ng basketball. Napilit din ako nitong panoorin silang maglaro. Naiingayan ako sa malakas na hiyawan at tilian ng mga manonood dito sa court lalo na ang mga babae na chini-cheer si Darren. Magaling kasi ito na lahat ng pag-shoot nito sa bola ay pasok sa basketball ring. Kaya naman hindi magkandamayaw ang mga manonood na isinisigaw ang pangalan nito. "Go, Darren! I love you, baby!" Napangiwi ako sa isinigaw ng katabi kong dalaga na ikinalingon sa amin ni Darren at napangiti na magtama ang mga mata namin. Napa-flying kiss pa ito sa akin na ikinaiirit ng mga katabi kong akala yata ay sila ang tinitignan ng anak ko. "OMG! Nag-flying kiss siya at ngumiti sa akin!" impit na tili ng katabi kong dalaga na parang kiti-kiting nabudburan ng asin. "Anong ikaw? Sa akin siya nakatingin noh? Ang assuming naman nito. Ni hindi ka nga kilala ni Darren eh," ingos ng katabi nito na nagkairapan pa sila. Napailing akong nagkamot sa kilay na bumaling kay Darren na kasalukuyang nagdi-dribble sa bola. "Para sa pinakamagandang babae sa buhay ko," sigaw ni Darren na ikinairit at tili ng mga kababaihan. Natawa naman ito na nilingon akong muli at itinuro pa ako. "Relax, ladies. Ang Mommy ko ang tinutukoy ko," saad nito na may kalakasan ang pagkakasabi. "Nay, para sa'yo 'to!" anito na inishoot ang bola sa basketball ring! Awang ang labi namin na napasunod ng tingin sa bola at napatili na pumasok iyon! Sinugod naman ng team ni Darren si Darren na niyakap at chinicheer ang pangalan nito. Napasulyap pa tuloy sa akin ang mga babaeng malapit sa tabi ko na napangiwing malingunang ako ang tinitignan ni Darren dito sa gawi namin. Gusto kong magtaas ng kilay sa mga ito pero hindi ko na lamang sila pinansin na kay Darren ako nakamata at pinapalakpakan ito. KATULAD ng inaasahan, nanalo ang team nila Darren. Aminado naman ako na ang anak ko ang nagpanalo sa laro. Maliksi, mabilis at magaling ito sa larangan ng basketball. Kaya kahit naliligo siya ng pawis ay niyakap ko siya pabalik nang yakapin niya ako na nagpaikot-ikot pa. "See? Ang galing ko 'di ba?" pagmamalaki nito habang pinupunasan ko ng face towel ang mukha, leeg at likuran nito na pawis na pawis. "Oo na. Pero anak, namumula ka na oh? Mamaya hikain ka," mahinang saad ko na ikinahagikhik nito. Pero kahit basang-basa ng pawis ang anak ko ay hindi no'n nakabawas sa angking kagwapuhan nito. Mas gwumapo pa nga ito kahit namumula na ang mukha sa pagod. "Nay naman. Magaling na po ang asthma ko," mahinang saad nito na napakamot sa batok. "Hindi pa. Hindi ka lang sinusumpong pero hindi ibig sabihin no'n ay nawala na ang hika mo hmfpt," ingos ko ditong napahagikhik. Inakbayan ako nito na inakay na ako palabas ng court. Pakaway-kaway pa ito sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya na. Ewan ko pero. . .naiinis ako na maraming nagkakagusto kay Darren. Alam ko namang normal na matipuhan nila ang anak ko sa angkin nitong kagwapuhan. Matangkad, tisoy at may matipunong pangangatawan. Nasa kanya na ang lahat kung tutuusin, maliban sa wala kaming gaanong malaking pera. Tumuloy kami sa bahay para ipagluto na lamang ito ng meryenda sa pagkakapanalo nito sa laro nila. "Darren, tagay ka muna." Pagtawag sa kanya ng grupo nila Mang Tacio na nadaanan naming nag-iinuman sa may tindahan. "Eh, pass ho, Tito." Pagtanggi nito na ngumiti sa mga ito. "Ito naman. Konting tagay lang naman eh. Sige na. Hindi ka ba. . . papayagan ng napakaganda mong ina?" pamimilit pa ni Mang Tacio na napahagod ng tingin sa akin. Napadila pa ito ng labi na ikinakuyom ng kamao ni Darren. Hinagod-hagod ko naman ito sa likuran na sinasabing kumalma ito dahil nag-iba ang aura nito. Kilala ko ang anak ko. At ayokong mapahamak ito dahil sa akin. "Oo. Hindi ko basta-basta pinapayagang makipag-inuman ang anak ko. Mawalang galang na, Mang Tacio. Mauna na kami," pagsingit ko na may katarayan ang pagkakasabi. Hindi naman nakaimik ang mga ito na kitang napahiya sa pagsusungit ko. Inakay na ako ni Darren na tumawid ng kalsada at pumasok ng bahay. Dama naming nakasunod ng tingin ang mga ito pero hindi na naming nilingon. "Nay, gusto mo ba basagin ko ang pagmumukha ng mga iyon?" ani Darren na kinurot ko sa tagiliran. "Magtigil ka nga. Ayokong napapaaway ka ha? Umayos ka," pagalit ko na tumuloy na sa kusina. Natawa naman ito na sinundan pa rin ako at kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator. Ako naman ay naglabas ng ilang ingredients ng lulutuin kong bilo-bilo at turon. Paborito kasi ni Darren ang mga iyon. Napakagana nitong kumain kapag mga paborito niya ang ihahain ko. "Tulungan na po kita, Nay. Alam na alam mo talaga ang mga paborito ko," bulalas nito na malingunan ang mga nasa mesa na inilabas ko sa hanging cabinet namin. "Maligo ka na muna doon, anak. Ang asim mo eh." Natatawang saad ko. Napaamoy naman ito sa magkabilaang kili-kili na ikinahagikhik ko. "Nay naman. Hindi naman po ah." Parang batang reklamo nito. "Maligo ka na doon para maginhawaan ka. Amoy pawis ka kaya. Kaya ko na dito. Konti lang naman ang lulutuin ko eh," saad ko na ikinakamot nito sa batok. "Sige po, Nay." Napangiti akong napasunod ng tingin ditong lumabas ng kusina at umakyat sa silid nito. Habang nagluluto ako ay dumating si Clifford na bagong ligo. "Tita, si Darren po?" tanong nito na malingunan ako dito sa kusina. "Nasa silid niya at naliligo." Sagot ko. "Sige po, Tita. Puntahan ko lang po ah," pamamaalam pa nito na tinanguhan ko. Hindi rin nagtagal ay bumaba din ang dalawa na pinag-uusapan ang tungkol sa naging laro nila kanina. "Nay, kailangan mo ng tulong?" tanong ni Darren na nagtimpla ng kape naming tatlo. "Hindi na, anak. Okay naman na 'to." Sagot ko habang nagpiprito ng turon. "Siya nga pala, Tita." Napalingon ako kay Clifford na magsalita ito. Napakamot pa ito sa batok na parang nahihiya sa sasabihin. "Eh. . . dumating na po kasi 'yong Tito ko mula Saudi." Wika nito. Natigilan ako saglit na napaisip. Nangunotnoo naman si Darren na iniabot ang kape niya dito. "Sinong Tito mo?" tanong ni Darren. "Ah, si Tito David. 'Yong nirereto ko kay Tita Airen. Kakarating pa nga lang niya eh. Natanong nga niya sa akin kung. . . kung wala pa ring kasintahan si Tita kasi nirereto ko rin si Tita sa kanya," pagtatapat nito na lalong ikinasalubong ng mga kilay ni Darren. "Bakit mo naman nirereto si Nanay?" pagalit ni Darren dito. "Ano ka ba, dude. Tito ko 'yon. Bata pa naman si Tito at gwapo rin naman siya. May sapat na din siyang ipon at mabuti naman siyang tao." Sagot ni Clifford na tila wala lang sa kanya na hindi na maipinta ang mukha ni Darren. "Kahit na ba. Hindi nga kasi naghahanap si Nanay ng mapapangasawa. Kung kailangan niya ng asawa, eh 'di sana noon pa siya naghanap. Malaki na ako at kayang-kaya ko na siyang buhayin." Naiinis na sagot ni Darren dito. "Yon na nga, Darren. Malaki ka na. Buong buhay ni Tita umikot na sa'yo. Aba. . . ayaw mo bang maging masaya kahit paano si Tita?" ani Clifford dito. "Bakit malungkot ba ang Nanay ko? Masaya naman siya ah. Hwag mo naman kaming pangunahan sa bagay na 'yan, Clifford. Ayaw ni Nanay na mag-asawa. At ayaw ko rin na magkaroon ng hilaw na ama." Pabalang sagot ni Darren na ikinalunok ng kaibigan nito. "Tama na 'yan. Mamaya magkatampuhan na naman kayong dalawa ah." Pagpapagitna ko na kapwa na sila nakabusangot. "Pero, Tita--" "Tama na, Clifford. Kahit Tito mo pa 'yan ay hindi siya papasa sa akin. Sinabi ko na, hindi na mag-aasawa ang Nanay ko," putol ni Darren sa sasabihin nitong napatikom ng bibig. Napahinga ako ng malalim na umiling na lamang kay Clifford na kita ang kabiguan sa mga mata. "Pasensiya ka na," I mouthed. Tumango naman ito na tahimik na nagkape ng turon na niluto ko. Matapos nitong magkape ay nagpaalam na rin ito. Pero kitang nagtampo siya kay Darren na hindi na nagpaalam sa kaibigan. Naupo ako sa harapan ni Darren matapos maluto ng bilo-bilo na niluto ko. Kitang naiinis pa rin ito sa sinaad ng kaibigan. "Darren, sana hindi mo na binara si Clifford. Napahiya 'yong tao." Maalumanay kong saad. "Bakit, Nay? Mali ba ako?" tanong nito na ikinalunok ko. "A-ano bang pinagsasabi mo?" "Tsk. Gusto niyo pa bang mag-asawa, Nay?" seryosong tanong nito na ikinatigil ko. Parang may bombang sumabog sa dibdib ko sa sinaad nito lalo na't kitang iritado ito ngayon at mukhang napainit ko pa lalo ang ulo! "W-wala." Utal kong sagot. "Yon naman pala eh. Anong problema kung binara ko siya? Para hindi na niya mapaasa 'yong Tito niya na may pag-asa siya sa inyo." Masungit nitong turan. "Teka nga, Darren. Galit ka ba?" pagalit ko ditong napalapat ng labi na lumambot ang facial expression. "Hindi po." Mahinang sagot nito na napabusangot. "Good. Linawin mo. Aba. . . ako pa rin ang Nanay mo," ingos ko dito na tumayong nagsaing na ng kanin sa rice cooker. Lihim akong napangiti na yumapos ito sa tyan ko at sumubsob sa balikat ko. "Sorry po, Nay." Paglalambing nito na mas niyakap pa ako. "Hmfpt!" ingos kong ikinahagikhik naman nito. LUMIPAS ang mga araw at linggo. Dumating ang kaarawan ni Darren. Hindi naman kami magarbong maghanda sa tuwing birthday nito. Konting handa at inuman lang. "Nay, bababa lang po ako sa bayan ha? Kukunin ko lang 'yong order nating lechon," pamamaalam nito habang nagluluto kami dito sa kusina ng ilang kapitbahay namin. "Sige, anak. Mag-iingat sa pagmamaneho ha?" "Opo." Sagot nito na humalik pa sa noo ko bago lumabas ng kusina. Napasunod kami ng tingin ditong may ngiti sa mga labi. "Ang swerte mo kay Darren, Airen. Napakabait ng anak mo. Responsable at napakalambing pang anak. Aba. . . 'yong mga kaedaran niya, ni hindi na nagmamano sa magulang." Naiiling wika ni Manang Tess. "Oo nga, Airen. Mabuti ka pa. Kahit binata ang Darren mo ay hindi nahihiyang maglambing sa'yo. 'Yong mga binata ko? Naku, ni hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na bumeso at yumakap ang mga iyon sa akin," segunda ni Manang Lydia na napailing. Napangiti akong pinagpatuloy ang niluluto kong pancit bihon. "Pero maswerte din naman si Darren kay Airen. Buong buhay ni Airen ay kay Darren umikot. Kita mo nga't hindi na nag-asawa pa si Airen." Wika ni Manang Celia. "Naku, wala na ho sa plano ko ang pag-aasawa. Nakalaan na ang lahat ng oras ko sa anak ko." Sagot ko na lamang. "Paano kung mag-asawa na si Darren, Airen? Maganda din 'yong may katuwang ka sa buhay. Para kapag nag-asawa na ang anak mo, may makakasama ka pa rin." Saad ni Manang Tess na sinang-ayunan nila Manang Celia at Lydia na kasama kong nagluluto ng handa. Mapait akong napangiti sa kaisipang mag-aasawa na si Darren. May punto naman sila. Pero kung ako lang? Ayoko na munang mag-asawa si Darren. Hindi ko alam pero. . . parang hindi pa ako handa na ipaubaya sa ibang babae ang anak ko. "Kung sakali man at mag-asawa na siya, as long as mabuting babae ang mapili niya ay wala siyang maririnig sa akin. Gusto ko, mapunta ang anak ko sa mabuting babae. 'Yong kaya siyang alagaan at mahalin hanggang pagtanda nila. 'Yong marunong makuntento sa kung anong meron at kayang gawin ng anak ko para sa kanya." Labas sa ilong kong sagot para hindi nila ako mahalata. Abala kami sa pagluluto ng handa nang dumating si Clifford na tinawag ako. "Bakit?" tanong ko na inakay niya ako palabas ng bahay. "Tita, may naghahanap po kasi sa inyo. Baka kilala niyo kasi pati si Darren tinatanong eh." Saad nito na ikinalunok kong bumilis ang t***k ng puso! "S-sino daw?" utal kong tanong. Itinuro nito ang labas ng bahay na ikinasunod ko ng tingin doon. Nakita ko ang isang magarang itim na kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada. May lalakeng nakasandal doon na naka-all black at kung titignan. . . mukhang kaedaran lang ito ng Darren ko. "Tita, kamukha po ni Darren 'yong lalake. Hindi kaya. . . kapatid niya 'yan?" pabulong saad nito habang dahan-dahan kaming naglalakad palabas ng gate. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa sinaad nito! Dama ko ang pangangatog ng mga tuhod ko habang palapit kami nang palapit sa gate. Nang makalabas na kami ay tumuwid ng tayo ang binata mula sa pagkakasandal nito sa harapan ng kotse nito. Napasuri pa ito ng tingin sa akin na tila binabasa nito ang tumatakbo sa isipan ko. "Sige na, Tita. Dito lang po ako," bulong ni Clifford na tinanguhan ko. Lakas loob akong lumapit sa binata na nakatitig sa akin. At habang palapit ako nang palapit sa kanya ay tama nga ang sinaad ni Clifford! Kamukha niya ang Darren ko! "Ms Airen Gonzales?" tanong nito na napakalalim ng baritonong boses. Tumango ako bilang sagot. Napapalingon na rin sa amin ang mga dumaraang tao na nagbubulungan. "S-sino po sila?" lakas loob kong tanong dito na matamis na ngumiti. Kahit paano ay naibsan ang kaba ko sa dibdib na ngumiti ito sa akin. "Magandang hapon po, Ms Airen. I am Haden Madrigal." Pagpapakilala nito na iniabot ang isang I'D. Inabot ko iyon at napalunok na mabasang isa itong police inspector. Ibinalik ko rin iyon sa kanya na pilit ngumiti dito. "Uhm, ano pong kailangan niyo, Sir Haden?" tanong ko na pilit pina-normal ang boses at mukha. Napalinga pa ito na napanguso. Habang tinititigan ko siya ay mas lalong lumalakas ang kutob kong. . . may ugnayan sila ni Darren! "Nasaan po ang anak niyo, Ma'am Airen? Si Darren. Darren Madrigal." Para akong tinambol sa dibdib na mapagtantong. . . iisa ang apelyedo nila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD