Chapter 4

2580 Words
THIRD PERSON POV: "THAT'S bullshit!" Umalingawngaw ang nakakatakot na sigaw ni Don Isidro na marinig ang report ng private investigator nito. Naihagis pa nito sa dingding ang hawak nitong kopita na may lamang whiskey. "You're so stupid, Malvar! Mahigit dalawang dekada mo ng hinahanap si Chesca! Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nahahanap ang anak ko! Anong klase kang investigator, huh!? Ilang milyon na ang nilabas ko pero hindi mo pa rin mahanap ang anak ko!" Nanggagalaiting bulyaw ng Don sa tauhan nitong nakayuko sa takot at hiya sa Don. Lumapit naman ang asawa nitong si Doña Elizabeth. Hinaplos-haplos nito sa braso ang asawang namumula na ang mukha at leeg sa galit. "Calm down, honey. Hindi naman makakatulong kung bubulyawan mo at puro init ng ulo ang pairalin mo," pagpapakalma ng asawa nito. "Baka naman kasi kaya walang Chesca na mahanap-hanap. . . dahil matagal ng namatay si Chesca, Dad. Bakit hindi na lang ninyo tanggapin na wala na siya. Nandito naman po ako ah." Singit ni Kelsey na kakambal ni Chesca. Tumalim ang tingin ng Don sa panganay nito na prenteng nakaupo sa couch na tila hindi manlang nasisindak sa Don. "You better shut up your mouth, Kelsey! Baka pati ikaw ay malagot sa akin!" bulyaw ng Don dito na napakibit balikat lang. "Kakambal mo ang pinag-uusapan dito. Can't you just show some respect or sympathy?" Napahinga ng malalim ang dalaga na sinalubong ang mga mata ng ama nitong nagliliyab sa galit. "Dad, it's been 25 years. Gano'n na po katagal na pinapahanap mo si Chesca. May improvement na po ba sa investigation? 'Di ba, wala? C'mon, Dad. I'm just being honest." Sagot ng dalaga. "Exactly, Kelsey. 25 years ng nawawala ang kakambal mo. Hindi ka manlang aware na hanggang ngayon ay hindi pa rin natin malaman-laman kung anong nangyari sa kanya?" pagalit ng Don na mas mababa na ang boses. "What for? Tanggap ko ng matagal na siyang wala. Kayo lang naman ang hindi pa nakaka-move on eh." Ismid ng dalaga. "Kelsey darling, that's enough." Pag-awat ng Doña ditong napaikot na lang ng mga mata. "Pagsabihan mo nga 'yang anak mo, Elizabeth. Baka hindi ko 'yan matantya at makatikim sa akin ang batang 'yan. Habang tumatanda ay lalong nagiging suwail." Inis na saad ng Don na nagpatiuna ng umakyat ng hagdanan. Napailing na lamang ang Doña na sinenyasan ang private investigator nilang lumabas na. Naupo ito sa tabi ng dalaga nitong nakabusangot na masama ang timpla ng mukha. "Anak, unawain mo naman ang Daddy mo. Umaasa pa rin kaming buhay pa si Chesca sa kabila ng lahat." Maalumanay nitong saad sa dalaga. "Bakit hindi niyo na lang kasi tanggapin na wala na siya, Mommy?" naiinis nitong tanong. "Bakit ganyan ka? Kung tutuusin? Kasalan mo kung bakit siya nawala--" "Eh 'di lumabas din ang totoo. Na hanggang ngayon ay sinisisi niyo ako ni Daddy kaya nawala ang paborito niyong anak. Sorry po, ha? Dahil sa akin nawala si Chesca sa inyo." Sarkastikong putol nito sa sasabihin ng inang hindi na nakaimik. Napaikot ito ng mga mata na pabalang tumayo. "Sabihin na nating kasalanan ko kaya nawala si Chesca. Hindi ko naman sinasadya na mawala siya ah. Pero, Mom. Mga bata pa kami noon. My God. It's been f*****g twenty-five years. Ang tagal-tagal ng nawala si Chesca sa atin. Pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin kayong buhay siya? This is unbelievable." Litanya ng dalaga na iniwan ang ina at nagdadabog na umakyat sa silid nito. Pagpasok niya sa silid ay nagsisisigaw ito na pinagbabasag ang lahat ng gamit na nahahablot ng kamay nito. Spoiled brat si Kelsey. Matigas ang ulo at lahat ng gusto, nasusunod. Mag-isa na lang kasi itong anak nila Don Isidro at Elizabeth Dela Cruz na kilalang negosyante sa bansa. "Hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang bida sa paningin nila Mommy at Daddy! Ano bang meron ka na wala ako ha!? Ang tagal mo ng nawala pero nandidito pa rin ang multo mo!" sigaw nito na dinuduro ang larawan ng kakambal nitong nasa silid nito. Nilapitan nito ang malaking picture frame na nakasabit sa wall na larawan nila ni Chesca noong ika-18th birthday nila. At iyon na rin ang huling beses nitong nakasama ang kakambal. Kahit anong gawin kasi nito ay hindi nababaling ang attention ng mga magulang nila sa kanya. "Ano bang meron ka, Chesca? Bakit mahal na mahal ka nila kahit ang tagal mo ng nawala? Ako itong nandidito na kasama nila pero. . . ikaw pa rin ang hinahanap? Sana nga. Sana nga patay ka na." Asik nito na puno ng galit ang mga mata. Napapikit ito na napasapo sa ulo. Nagkalat na naman ang silid nito na sira-sira na naman ang mga gamit niya. Sanay na ang mga magulang nito at katulong nila sa mansion na gan'to si Kelsey. Mainitin ang ulo at pasaway. Madalas nga itong napapaaway sa tuwing lumalabas. Pero dahil sa connection ng pamilya niya, hindi ito nakukulong. Mapakla itong natawa na napailing na maalala ang nakaraan. Kung saan niyaya niya si Chesca na tumakas sila ng school. "ATE, baka magalit sina Daddy ha? Ang sabi ay hwag daw tayong lalabas na wala tayong kasama," nag-aalalang saad ni Chesca habang nakasunod sa Ate Kelsey nitong hawak siya sa kamay na tinakasan nila ang Yaya at bodyguard nila. "Bibili lang naman tayo ng coffee sa favorite coffeeshop ko d'yan lang sa malapit. Pasalamat ka nga, isinama pa kita eh." Inis na sagot ni Kelsey. Lumabas sila ng gate na hindi napapansin ng kanilang mga bantay. Napalinga-linga pa si Kelsey sa paligid bago hinila si Chesca at basta na lang silang sumakay ng Jeep! "Ate," kalabit ni Chesca dito na hindi niya pinapansin. Nang makalayolayo na ang sinasakyan nilang Jeep ay pumara na si Kelsey at nagbayad. Bumaba sila ni Chesca na naghanap kaagad ng ibang masasakyan pabalik ng school nila. Gusto lang niyang iligaw si Chesca para mawala na ito sa landas nila. Magmula kasi pagkabata ay mas pinapaburan ng magulang nila si Chesca kaysa siya na panganay. Kaya naman mainit ang ulo niya sa kakambal niya. Alam niyang madali lang niyang mailigaw si Chesca. Bukod kasi sa takot ito sa maraming tao, bahay at eskwela lang ang daily routine nito. Kahit ang mamasyal sa mall ay hindi nito ginagawa. Sa linggo naman ay lumalabas ito para magsimba. Pero kasama nito ang kanilang ina na parang batang takot na takot mawala. "Uhm, Chesca, dito ka muna. Bibili lang ako ng kape at cake natin sa favorite coffeeshop ko." Wika nito. "Ano? Ayoko, Ate. Baka mawala ako," sagot ni Chesca na napahawak sa kamay nito. "Bibili lang ako ng meryenda natin. Tapos babalik na tayo sa school, okay? Dito ka lang." Mataray nitong pagalit sa kapatid na napalabing naluluha na napayuko. Iniwan nito ang nakababatang kapatid sa isang tapat ng wet market. Maraming tao at sasakyan kaya madali niya itong natakasan. Pumara ito ng taxi na nagpahatid sa school nila. Napakalapad ng ngiti nito na naiwala niya si Chesca. "Sana hindi ka na makabalik," inis na litanya pa nito. MAGDIDILIM na pero hindi pa rin bumabalik si Kelsey kaya umiiyak na si Chesca sa pinag-iwanan nito. Nakita ito ng dalagang si Airen Gonzales. Pauwi na sana ito sa apartment nito kasama ang baby nito. Nagmula ito sa hospital at bagong panganak sa baby nitong pinangalanan niyang. . . Darren Madrigal. Napansin ni Airen ang dalagita na umiiyak sa gilid at mukhang nawawala. Naawa ito na nilapitan ang dalagita at nginitian nang mag-angat ito ng mukha. "Ms, bakit ka umiiyak? At nasaan ang mga magulang mo?" tanong ni Airen na ngumiti sa dalagita. Tumigil sa pag-iyak si Chesca na nakatingala sa dalaga. Mukha naman itong mabait at mapagkakatiwalaan kaya hindi ito tumakbo palayo. "Ate, tulungan mo po ako. Iniwan ako dito ng kapatid ko at hindi ko na alam kung paano babalik sa bahay namin." Pagsusumbong ni Chesca. "Ha? Diyos ko po. Uhm, sige gan'to na lang ha? Umuwi muna tayo sa bahay namin ng anak ko. Bukas na bukas ay ihahatid kita sa bahay niyo. Okay ba 'yon? Gabi na kasi at ang bata pa ng anak ko para mahamugan," wika ni Airen ditong tumango. Isinama ni Airen ang dalagita pauwi sa apartment nito. Binihisan at pinakain ng maayos si Chesca. Magaan ang loob nito sa bata na giliw na giliw sa kanyang baby. Natutuwa ito na makitang nagniningning ang mga mata ni Chesca na niyayakap-yakap pa ang baby Darren niya. PERO biglang may sumulpot na supistikadang babae sa apartment nila at may mga tauhan ito. Nagulat si Airen at nakadama ng takot na makilala ang babae. Si Anastasia Madrigal! Ang asawa ni Dwight Axelle Madrigal na ama ng anak niya! Binundol ito ng kaba at takot hindi para sa sarili kundi para sa anak nitong nahihimbing sa kwarto! Pinasadaan pa nito ng tingin si Airen mula ulo hanggang paa na may ngising naglalaro sa mga labi. "So, ikaw pala ang isa sa mga naging babae ni Dwight," pang-uuyam nito na ikinalunok ni Airen. "M-ma'am, hindi niya po ako naging babae. Minsan ko lang po nakasalamuha ang asawa niyo at matagal na iyon. Naging costumer lang ho namin siya noon sa restaurant. A-aaminin ko pong naka-one night stand ko si Sir Dwight pero. . . hindi na po naulit iyon." Nanginginig ang boses na paliwanag ni Airen pero ngumisi lang ang kaharap nito. "It doesn't matter to me kung isa o dalawa o tatlong beses ka pang ikinama ng asawa ko. Pero sisiguraduhin kong. . . gagawin kong misirable ang buhay mo!" madiing asik ng babae na hinablot ito sa buhok! Galit na galit si Anastasia na sinabunutan ito at halos ingudngod na sa sahig ang mukha ni Airen! Hindi naman makalaban si Airen dahil nanghihina pa ito at bagong panganak! Pero nang maalala nito ang anak niyang nasa silid ay naalarma ito! Buong lakas niyang itinulak ang babae at iika-ikang tumakbo sa silid nito! Napahalakhak lang naman si Anastasia na parang nababaliw. Kaagad ni-lock ni Airen ang pintuan at dinampot ang bag nito na may laman ng mga damit ni baby at gatas. Maging ang birth certificate nito na bagong kuha niya lang sa hospital kung saan siya nanganak. Ginising nito si Chesca na pupungas-pungas. "Ate Airen, bakit po?" tanong ni Chesca na makitang natataranta ito. "Hwag kang maingay, ha? Tatakas tayo. May masama kasing babae d'yan sa labas na gusto akong patayin," pabulong saad ni Airen na binalot ng baby blanket si Darren. "Tara na." Dumaan sila sa bintana na tumakas. Iiling-iling naman si Anastasia na nakaupo sa sofa at naninigarilyo. Alam niyang walang kawala sa kanya ang babae ni Dwight kaya binibigyan niya muna ito ng oras na magtago bago niya patayin. Samantala, maingat na nakalabas ng bahay sina Airen at Chesca na dala ang bag at si Darren. Habang patakas ang mga ito ay umiyak si Darren kaya naalarma ang mga tauhan ni Anastasia at hinanap ang pinagmumulan ng iyak ng sanggol! "Ma'am Adeline, mukhang nagkaanak pa si Sir Dwight sa babaeng 'yon ah!" bulalas ng tauhan nito na ikinatayo ng babae na naningkit ang mga mata! "Sundan niyo! At kung anak nga ni Dwight ang dala niya, patayin niyo maging ang bata! Hindi na nga niya ako magalaw-galaw, tapos nagkaanak pa siya sa ibang babae!" bulyaw nito na lumabas ng bahay! Tumakbo si Airen hawak ang kamay ni Chesca, at yakap naman nito sa isang braso si Darren. Nakasukbit din sa balikat nito ang bag na kinaroroonan ng mga gamit ni Darren! Madilim ang kalsada at wala ng sasakyang dumaraan dahil malalim na ang gabi. Gayon pa man ay tumakbo pa rin nang tumakbo si Airen para iligtas ang dalawang bata sa kamay nito. Hinihingal itong huminto na dama niyang halos hindi na makatayo si Chesca sa sobrang pagod. Napalinga ito sa paligid na nakalayo-layo na sila. Wala ring kabahayan sa lugar kaya hindi sila makahingi ng tulong sa iba. Mahigpit nitong niyakap si Darren na mariing hinagkan sa noo ang anak nito. Bago dahan-dahang ipinasa kay Chesca. "Chesca, tiwala akong hindi mo pababayaan ang anak ko ha? Magtago muna kayo at haharapin ko sila. Hindi nila tayo tatantanan hangga't hindi nila ako nakikita. Sasalubungin ko sila pero tumakas ka ha? Itakas mo ang anak ko and please, Chesca. Hwag na hwag mong iiwanan ang anak ko. Kailangan ka ni Darren, save my son, please?" pagsusumamo ni Airen dito na ngumiting tumango. Ibinigay ni Airen ang bag nito kay Chesca at pinanood itong lumayo hanggang sa mawala na sila sa paningin nito. Napahagulhol ito na bumalik kung saan ang dinaanan nila para masalubong ang mga humahabol sa kanya. Samantala, takot na takot man ay nagtago si Chesca sa nadaanan nitong abandonadong gusali. Walang ilaw pero bilog ang buwan na siyang nagbibigay ilaw sa paligid. Mabuti na lang at tumahan din si Darren. Yakap-yakap nito si Darren na umakyat sa hagdanan para magtago sa itaas ng building. Piping nagdarasal ito na sana ay makaligtas sila at ng ina ni Darren. Pero dahil madilim ay hindi nito namalayan na butas na pala ang tatapakan ng paa nito! Nahulog sila sa palapag ng building at tumama ang ulo nito sa semento. Nahilo at nawalan ng malay si Chesca na yakap-yakap si Darren. Mabuti na lang at hindi nasaktan na naprotektahan nito. MATAAS na ang sikat ng araw. Narinig ng mag-asawang chinese ang pag-iyak ng isang sanggol sa 'di kalayuan. Naliligaw kasi ang mag-asawa sa paghahanap sa pinasukan nilang short cut para makaiwas sa traffic. "Did you hear that? Iyak iyon ng bata 'di ba?" ani ng ginang. Bumaba sila ng kotse na sinundan ang pinanggagalingan ng iyak ng sanggol at laking gulat na makita itong yakap-yakap ng dalagitang walang malay na natuyo na ang dugo sa semento mula sa ulo nito! "Oh my God!" bulalas ng ginang na nilapitan ang dalawa. Inakala ng mag-asawa na mag-ina ang mga ito. Kahit dose anyos pa lang kasi si Chesca ay kitang dalagita na ito. Inisip ng mag-asawa na isa itong batang-ina na hindi pinanagutan ng nakabuntis. Tinulungan nila ito na dinala sa hospital at inalagaan. Sa tulong ng ilang gamit na dala ni Chesca at ang birth certificate na nakalagay sa bag ay nakilala ito ng mag-asawa at mas lumakas ang hinalang anak nga ito ng dalagita. Nang magkamalay na si Chesca, nasa hospital ito at wala ng maalala sa pagkatao. Ni hindi nito maalala ang pangalan kaya tinulungan siya ng mag-asawa na magsimulang muli. Simula din doon ay tinawag na siya sa pangalang. . . Airen Gonzales. SAMANTALA, hindi na nahanap pa ng mag-asawang Don Isidro at Elizabeth Dela Cruz ang bunso sa kambal nila. Nalaman nila na lumabas ito ng school kasama ang kakambal nito. Pero ang naging alibi ni Kelsey ay tinakbuhan siya ni Chesca kaya ito nawala. Pero hindi naniniwala ang mga magulang niya dahil kilala nilang mabait at masunurin si Chesca. Nagalit ang Don at lalong lumayo ang loob nito sa anak dahil sa nangyari. Kahit wala ng pag-asang makikita pa niya si Chesca ay pinapahanap niya pa rin ang anak. Umaasang magkaroon ng himala ang langit at ibalik. . . ang kanyang prinsesang matagal ng nawawala. INIS na inis na binasag ni Kelsey ang picture frame nila ni Chesca. Hanggang ngayon kasi ay kaagaw ang turing nito sa kakambal kahit alam niyang kasalanan niya ang nangyari dito. "I've never regret that we lost you, Chesca. Never," usal nito na sinunog ang larawan nila ng kambal nito. "How I wish na patay ka na nga, Chesca. Sana. . . sana nga patay ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD