AIREN: MALALIM na ang gabi pero nandito pa rin ako sa balcony ng silid ko. Nagpapahangin at hindi dalawin ng antok. Kanina pa bumabagabag sa isipan ko ang dalawang babaeng humarang sa amin ni Ma'am Anastasia sa mall at tinatawag akong Kelsey. Hindi ko alam pero, may kung ano sa isipan ko ang ginugulo ng pangalang iyon. At kahit hindi siya pamilyar sa pandinig ko, dama ko sa puso ko na tila. . . konektado ako dito. "Hindi kaya. . . ako talaga si Kelsey? Kung gano'n ay alam ng dalawang babaeng iyon ang totoong katauhan ko?" usal ko na napapilig ng ulo. Imposible. Dahil bata pa lang si Darren, magkasama na kami sa probinsya. Oo nga't hindi ko matandaan ang kabataan ko, pero malabo namang ako ang babaeng tinutukoy nila. Dahil twenty-five years old na si Darren. At ngayon lang naman kami n