DARREN: "HEY, dude. Baka malasing ka agad niya'n," bulong ni Noah sa akin na panay ang tungga ko ng wine sa mesa namin. Nandidito pa rin kami sa event ng party ko at nagkakasiyahan. Ngayong gabi na kasi ako official na ipinakilala ni Daddy sa publiko na anak niya. Sa susunod na linggo naman ay papasok na ako sa kumpanya na nakapangalan sa akin. Ang sabi ni Daddy ay alam ng lahat na ako ang CEO ng DM's Shipping Airlines pero ngayon pa lang nila makakaharap ang kanilang boss. Kabado pa rin ako na humarap sa mga empleyado ng kumpanya kahit ako ang boss. Alam ko naman kasi kung gaano kataas ang standard at expectations ng mga tao sa akin, katulad sa mga kapatid kong successful at kilalang mga tycoon billionaire ng bansa. Lahat ng mga kapatid ko maging si Noah ay kilalang negosyante. Mat