Chapter 14

1113 Words
Third Person Nagkagulo sa gitna ng highway sa aksidenteng nangyari. Bumangga ang kotse ni Matthew sa kasalubong na truck. Hindi kasi n'ya napansin ang pag-iiba ng daan n'ya dahil sa pagdampot sa nalalag n'yang cellphone. Medyo mabilis din ang kanyan takbo, dahil madaling araw, at hindi gaanong kadami ang sasakyan. Ang driver naman ng truck, hindi n'ya inaasahan ang pag-iiba ng daan ng kasalubong n'yang kotse kaya sila nagkabanggaan. Kahit alam nila na mali ang kotse, bumaba ang driver nito at ang kasama pa n'ya, para tingnan ang lagay ng nasa kotse, nakita nilang wala itong malay kaya nagmadali silang tumawag ng rescue. Makalipas lang ang ilang minuto, dumating ang rescue, ambulansya, at mga pulis, at mabilis na dinala sa ospital si Matthew. Ilang minuto lang din sa ospital, dumating na rin ang mga magulang ni Matthew. Habang hinihintay ang paglabas ng doktor sa emergency room. Dumating ang dalawang pulis na nag imbestiga sa nangyaring aksidente. Doon nila nalaman, na ang mali ay mismong si Matthew. Lalo na at lasing pa ito habang nagmamaneho. Hindi naman daw magsasampa ng kaso ang may-ari ng truck na nakabanggan ni Matthew, humihingi lang sila ng kaunting tulong para mapagawa ang nasirang parte ng truck, gawa ng pagbangga ng kotse ni Matthew. Ipinacheck up, na rin ng mga magulang ni Matthew ang driver at kasama nito, para masiguradong maayos ang kalagayan nila, at walang natamong injury, dulot ng aksidenteng naganap. Ilang oras pa ang nakakalipas, lumabas na rin ang doktor, na tumingin sa kalagayan ni Matthew. "Doc, kumusta na ang anak ko?" Tanong ng daddy ni Matthew habang nasa tabi nito ang mommy n'ya na umiiyak. "Tatapatin ko na kayo, Mr. Mondragon masama ang lagay ng anak n'yo, madami ang nawalang dugo sakanya, gawa ng aksidenteng nangyari. Malala ang sugat na natamo n'ya sa ulo. Kailangan n'yang masalinan ng dugo type AB negative po ang pasyente, sino sa inyong mag-asawa ang ang ka match ng pasyente, kailangan na po nating magmadali, bago pa may mangyaring masama." Mahabang paliwanag ng doktor na gulat na nagkatinginan ang mag-asawa. Nagpaalam muna ang doktor para makapag-usap ng maayos ang mag-asawa. Nakita ni Alfonso ang pamumutla ng asawa. Na hindi n'ya lubos maisip na bakit sa kanilang mag-asawa, walang ka match ng blood type si Matthew. "Anong ibig sabihin nito Lucilla? Paanong nangyari na wala sa ating dalawa ang ka match ng dugo ni Matthew!?" Galit na pagtatanong ni Alfonso sa asawa. "Paano mo ito ipapaliwanag? Anak ko ba talaga si Matthew?" May pagdududang tanong ni Alfonso, na lalo na lang ikinaiyak ng asawa n'ya. Nang bigla na lang lumuhod si Lucilla sa harapan ni Alfonso, at humingi ng tawad ng paulit-ulit. Na s'yang ikinaimik ni Alfonso. "Hindi ka dapat sa akin humingi ng tawad, oo mali na naniwala ako sayo na may nangyari sa atin para panindigan at iwan ang babaeng mahal ko. Pero sa pangyayaring ito, mas higit na dapat humingi ka ng tawad kay Matthew, kung may paninindigan sana ang kanyang ina, wala s'ya sa kalagayang iyan. Masaya sana s'ya kasama ang babaeng mahal n'ya na inakala niya na kapatid n'ya. Hindi sana naghihirap ng ganyan ang mga bata. At wala d'yan si Matthew, sa kinalalagyan niya ngayon." Ramdam ang galit na sabi ni Alfonso sa asawang si Lucilla. Masasabi n'yang mahal na mahal nito si Matthew, at sa pagkakataong ito, lalo n'yang naramdaman ang awa sa dalawang anak, na sana ay masayang magkasama ngayon at nagmamahalan. Bigla n'yang naalala ang anak na nasa ibang bansa, kasama ang pinakamamahal nitong ina. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang nangyari kay Matthew, at paano sasabihin ang kasinungalingan ni Lucilla sa loob ng napakaraming taon. Thalia Habang nagtatype ako sa laptop ko, bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari at nilukuban na lang ako ng kaba. Tumayo ako, para kumuha ng tubig, para maibsan ang kaba na nararamdaman ko, ng bigla ko na lang nabitawan ang baso, at nabasag. "Ma'am, ok lang po ba kayo?" Tanong ng secretary ko. "O-oo e-eh o-okay lang ako." 'My gosh, bakit ako nauutal' nasabi ko na lang sa isip ko. "Ma'am mukhang hindi ka ok, bakit ka namumutla? May sakit po ba kayo?" Tanong sa akin ng sekretarya ko na may halong pag-aalala. "Hindi ko alam Susan, bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko alam ang dahilan, pero sobra ang kabog ng puso ko." Kahit si Susan medyo naguluhan din sa sinasabi ko, kahit naman ako. "Magpahinga ka muna ma'am, baka po nasosobrahan ka na sa trabaho, ako na lang po muna ang bahala sa lahat." Mabuti na lang talaga mabait si Susan, isa din s'ya sa naging kaibigan ko dito sa America. Kaya masaya akong si Susan ang binigay ni ninong Lucas na maging secretary ko. Natapos ang oras ng trabaho, at umuwi na rin ako. Nakita ko ang kotse ni ninong Lucas, na nakaparada sa labas ng bahay namin ni mama. Oo may bahay na kami dito ni mama sa America. "Ma, andito na po ako, parang may gwapo tayong bisita ah." Tawag ko kay mama, na hindi ko pa sila nakikita malamang nasa kusina. "Hi, Thalia, aba lalong gumaganda ang inaanak ko ah." Biro ni ninong Lucas. "Asus, ganun talaga ninong mana lang sayo, ang gwapo kaya ng ninong ko." Balik kong bati kay ninong Lucas bago ako nagmano at lumapit kay mama, para humalik. "Amm maiba tayo ninong, napadalaw ka? Namiss mo na ako ano. Hehe." Pabirong bati ko pa. "Syempre naman, palagi kaya kitang namimiss. Ikaw hija kumusta ka naman." Natigilan ako bigla sa tanong ni ninong dahil sa kaba na bigla ko na lang naramdaman kanina. "Ah... eh... okay lang naman po ako ninong." Nakita nila ang pamumutla ko na biglang napuna ni mama. "Anak okay ka lang ba talaga? May sakit ka ba? Bakit parang namumutla ka?" Sunod sunod na tanong ni mama. "Okay lang naman po talaga ako mama, at wala akong sakit. Ewan ko po ba, bigla na lang akong kinabahan ng hindi ko alam ang dahilan." Paliwanag ko sa kanila na kita ko na nagkatinginan si mama at ninong Lucas. "May problema po ba?" Tanong ko sa kanila. "Ah wala naman anak/hija." Halos sabay nilang sagot sa akin. Ang weird ha. Nakipagkwentuhan lang ako kay ninong Lucas, at nag-usap kami tungkol sa trabaho. Pati sa mga darating na plano para sa expansion ng company sa ibang bansa na pag-uusapan pa daw sa board meeting. Wala naman silang sinabi pa ni mama. Matapos magmeryenda umalis na rin si ninong Lucas. Medyo naninibago lang talaga ako kasi parang may mali. Pakiramdam ko may tinatago si mama at si ninong Lucas. Hindi naman ako makapagtanong dahil baka naman pakiramdam ko lang yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD