Prologue
1985
Alfonso
Tumigil ang pag-ikot ng aking mundo, ng makita ko ang isang napakagandang babae na nakita ko. Sa kauna unahang pagkakataon may isang babae na nagpabilis ng t***k ng puso ko.
Sobrang ganda n'ya sa suot niyang kulay itim na bestida na lampas tuhod, na lalong nakapagbigay angat sa maputi niyang balat. Mahaba ang kanyang buhok, naparang kinulayan pa na itim dahil sa kintab nito na tunay namang nakakahalina na tingnan, ilang minuto din akong napatulala. "ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag, hindi ako pamilyar?" tanung ko sa isipan ko.
Nagbalik lang ang aking katinuan ng batukan ako ng katabi ko. "aray!" sigaw ko, at sinamaan ko pa ng tingin ang katabi kong ,nakakasakit din naman.
"Ano? Sino? Saan? ka ba nakatingin, kanina ka pang tulala d'yan?" tanung sa aking ng aking matalik na kaibigan na si Lucas, si Lucas Bueno. "nakikita mo ba yang napakagandang babae na yan sa may dulo." sabay turo ko sa napakagandang babae na nakita ko.
"Aba, parang kakaiba na yan ah, Alfonso?" sagot ni Lucas na may nakakalokong ngiti, sabay tawag sa babaeng katuturo ko pa lang.
"Maria!?" lumingon ang napakagandang babae sa amin, kinawayan siya ni Lucas at lumapit sa amin.
"Oh Lucas ikaw pala, namiss kita." Niyakap niya si Lucas. "Namiss kita bestfriend." Sabi niya kay Lucas at hinampas ang braso nito.
Ngumiti naman, s'ya sa akin, na lalong nakapagpatigil ng puso ko, sobrang lakas ng kabog nito, parang lalabas na ang puso ko sa mga ngiti pa lang n'ya. Siniko ako ni Lucas na nakapagpabalik sa aking katinuan.
"Pare, si Maria Buenaventura pala kaibigan ko." Pakilala ni Lucas sa magandang babae, bigla akong naglahad ng kamay.
"Alfonso Mondragon" hinawakan ni Maria ang aking kamay, para makipagkamay.
Matapos ang ilang saglit, biglang tumikhim si Lucas. "Alfonso, baka gusto mo ng bitawan ang kamay ni Maria, hindi ka ba nangangalay?" Bigla akong napabitaw sa kamay ni Maria at napakamot sa ulo.
"Pasensya ka na Maria...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sundan ito ni Lucas. "Pasensya ka na Maria, na love at first sight yata itong kaibigan ko, kanina ko pa itong napapansin na tulala eh."
Sabay kindat kay Maria, nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi, gawa ng napakaputi niyang balat. Siniko ko si Lucas, na bigla naman niyang ikinatawa.
Lucas
Bata pa lang ako kaibigan ko na si Maria, pero hindi naman ako nagkagusto sa kanya, kapatid lang ang turingan namin, bestfriend ko s'ya kung tutuusin. Pero nung magkolehiyo ako, lumipat na kami sa Maynila at doon nagpatuloy ng pag-aaral, naiwan s'ya sa probinsya para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo.
Dito sa Maynila, dito ko nakilala si Alfonso, na kauna-unahan kong kaibigan dito sa Maynila. Mabait si Fonso, may kaya sa buhay, pero hindi ko man lang nakikitang nanligaw, ayaw sa babae, palagi niyang sinasabi sa akin, na ang pag-ibig hindi yan hinahanap kusa yang dadating, na magugulat ka na lang na andyan na pala s'ya sa tabi mo pero hindi mo lang napapasin.
Yan ang pag-ibig para kay Fonso, hindi minamadali kaya pag tinamaan ka, wala ka ng kawala. Masyadong loyal to pag nagkataon, nangingiti ako pag-inirereto ko s'ya, kawawa naman ang babae, umuuwing luhaan at napakasungit daw, pero napakabait naman nitong si Fonso, pihikan nga lang.
Until he saw Maria. Dalawang linggo pa lang buhat ng lumipat ng Maynila ang pamilya ni Maria, nagkaroon ng trabaho ang kanyang ama dito, ayaw silang iwan sa probinsya kaya nagpasya silang lahat na sa Maynila na tumira.
Dito na rin daw niya gustong maghanap ng trabaho, dito na rin n'ya gustong harapin ang kapalaran niya, ang bagong pagsubok sa buhay niya, ang malayo sa kinalakihang bayan, ang probinsya na madaming puno at sariwang hangin.
Susugal s'ya dito sa Maynila para sa bagong kapalaran na naghihintay sakanya. Ang kabaliktaran ng probinsya, mga matataas na gusali ang iyong makikita, at maalinsangang kapaligiran.
Maria
Dalawang linggo pa lang kami dito sa Maynila, hindi man kagandahan, tulad ng sa probinsya, na madaming puno, sariwang hangin may malawak na damuhan, palayan puro berde ang makikita mo.
Dito sa Maynila, matataas na gusali, mga mall para makaramdam ka ng malamig sa pakiramdam, pero andito na ako, kasama ko ang pamilya ko kaya hindi na naman ako nalukungkot, gusto ko ding dito na rin magtrabaho, para naman may masabi ako sa buhay, nagkita na rin kami ni Lucas, hahanapin ko pa naman siya pero, sabi n'ya magkita na lang kami sa simbahan, malapit sa bahay na nakuha ng tatay.
Dun ko din nakilala ang kaibigan daw niya, maputi, matangos ang ilong, ang mga mata mapang-akit, medyo natigilan din ako at sinuri ang kanyang kabuoan, matikas ang pangangatawan, pero dahil dalagang Pilipina tayo pakipot tayo, at baka hindi naman ako tipo, pero itong bestfriend ko masyadong madaldal, binuko ang kaibigan niyang si Alfonso Mondragon, na love at first sight daw sa akin. Tunay kaya yon? Pero nakaramdam ng saya ang puso ko sa sinabi ni Lucas, sino bang hindi magkakagusto sa isang Alfonso Mondragon, may kaya sa buhay solong anak ng isa sa pinakakilalang pamilya sa Maynila.
Madami na sigurong napaiyak ang lalaking iyon sa isip-isip ko, pero hindi ko din naman maiwasang hindi magkagusto sa kanya sa unang pagkakataon, iba ang pintig ng puso ko nung magkahawak ang aming mga kamay, para akong nakuryente, naramdaman kaya n'ya iyon. Pero kung hindi dahil kay Lucas, baka hindi ko din nabitawan ang kamay ni Alfonso.
Nahiya din ako sa sarili ko, sa kakaiba kong naramdaman, buti na lang at itong si Lucas, nakafocus lang kay Alfonso, hindi niya ako masyadong napansin, kung hindi sobrang nakakahiya, siguradong aasarin na naman ako nitong lalaki na ito pagnagkataon.
Bata pa lang kasi kami, magkasama na kami ni Lucas, para na kaming magkapatid kung magturingan, ipinangako namin sa isa't isa na hindi kami magkakagusto sa isa't isa para na rin maiwasan na masira ang maganda naming samahan, at dahil doon walang nagbago sa buhay namin, mula noon hanggang ngayon, mahal namin ang isa't isa biglang magkapatid at magkaibigan.
Kaya alam na alam nitong si Lucas, kung paano ako asarin kaya pasalamat talaga ako na hindi niya napansin ang pamumula ng aking mukha, gawa ng kaibigan niyang si Alfonso.
Dalawang taon, buhat ng magkakilala ang binatang si Alfonso, at ang napakagandang si Maria, mula noong unang pagkikita, niligawan na ni Alfonso si Maria, hindi maipagkakaila ang kakaibang nararamdaman sa kanya ng dalaga. Kaya makalipas lamang ng dalawang taon na panliligaw, sinagot na ng dalaga ang binata.
Masaya naman ang kanilang relasyon, walang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa. Masasabing perpekto, walang problema, mahal na mahal nila ang isa't isa.
Kaarawan ni Alfonso, simple lang naman ang gusto n'ya. Ang andun ang mahal niyang ni Maria ang matalik niyang kaibigan na si Lucas at iba pa nilang kaibigan.
May kaunting inuman at may kumakanta, sa saliw ng gitara. Masaya ang lahat, hanggang sa nagpasya si Lucas na umuwi na. Siya na daw ang maghahatid kay Maria sa bahay nito, at mauunang madaanan ni Lucas ang bahay ni Maria. Pumayag naman si Alfonso, dahil medyo tinamaan na rin siya sa alak, hindi naman niya pwedeng isaalang alang ang pagmamaneho.
Nang makaalis ang dalawa, dito na pumasok sa eksena ang isa pa nilang kaibigan, ang babaeng gustong gusto ng magulang ni Alfonso para sa kanila si Lucilla Tan. Anak ng isang negosyanteng na kasosyo nila sa kompanya.
Sa unang pagkikita pa lang ni Lucilla kay Alfonso nagkaroon na ng interes dito ang dalaga, kahit alam niyang may iba itong minamahal. Handa siyang gawin ang lahat para lang maagaw at mapunta sa kanya ang atensyon at pagmamahal nito. Kaya dito niya sisimulan ang balak niya, ang maangkin ang binata.
Alfonso
Nagising ako sa tama ng liwanag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Masakit ang ulo, at hindi maipaliwanag ni Alfonso ang nararamdaman.
"Napasobra yata ang inum ko kagabi." Sabi niya sa sarili, pero bigla siyang nagulat dahil may babae siyang katabi sa higaan. Pareho silang walang saplot at nakayakap ito sa kanya.
Wala siyang maalala, maliban sa hinatid siya ni Lucilla sa kwarto niya kagabi, maliban don wala na siyang maalala. Ginising niya ang babae na nakayakap pa sa kanyang dibdib. Bigla itong nagising at halata ang gulat.
"Alfonso!?" gulat na sambit niya, humawak pa ito sa ulo at halatang masakit iyon, siguro gawa ng alak, at sa biglang pagkagulat. "Anong nangyari? Bakit wala akong damit?" Natatakot na tanong sa akin ni Lucilla.
"Hindi ko alam? Wala akong maalala?" Napahilamos ako sa aking mukha. Wala akong ibang inaalala kundi ang mahal kong si Maria, hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ang sasabihin ko sa kanya, ng biglang magsalita si Lucilla.
"Alfonso, wag kang mag-alala, walang makakaalam sa nangyari sa araw na ito, magiging lihim ito habang buhay." Hindi ako nakapagsalita, kay Lucilla na mismo nanggaling na ilihim na lang namin ang lahat.
Tatlong buwan na ang nakaraan, buhat ng mangyari, ang pangyayaring iyon sa bahay nina Alfonso, halos nakalimutan na rin niya, wala namang binabanggit pa si Lucilla mula noon, magkaibigan pa rin sila, na parang walang nangyari.
Unang anibersaryo buhat ng naging magkasintahan sina Maria at Alfonso, balak surpresahin ni Alfonso si Maria, para hingin ang kamay nito sa magulang nito para maging kabiyak. Ipinagpaalam muna ni Alfonso si Maria, kung maaari silang lumabas, at ito naman ay unang anibersaryo nila. Pumayag naman ang mga magulang niya, malaki ang tiwala nila sa dalaga.
Sa kanilang paglabas, masaya ang dalawa. Ang balak ng binata ay ang maangkin ang dalaga, para wala ng makapigil sa kanilang pagsasama kahit pa ang mga magulang nito. Nung una ayaw ng dalaga, pero dahil mahal niya ang binata, nagawa nilang gawin ang hindi dapat, pero walang pagsisising ibinigay ni Maria ang kanyang sarili kay Alfonso. Nagpaangkin siya sa binata na mahal na mahal niya.
Isang linggo matapos ang pangyayari na iyon, napakasaya ni Alfonso, balak na niyang hingin ang kamay ng dalaga, sa mga magulang nito, at pag hindi pumayag meron na siyang alas, ang nangyari sa kanilang dalawa ng dalaga.
Pumunta muna siya sa kompanya ng mga magulang, para na rin ipaalam sa mga ito ang balak niya, pero pagdaan niya sa conference room ng kompanya, narinig niya ang isang iyak, bubuksan na sana niya ang pintuan ng marinig ang boses ng ama ni Lucilla. Galit na galit ito.
"Pinag-aral kita, para mabigyan ka ng magandang kinabukasan! Hindi para magpabutis sa kung kani-kanino lang!"
Bigla akong natulala, para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ko maigalaw ang katawan ko. "Buntis si Lucilla?" Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko.
"Sino ang ama ng batang iyan Lucilla, hindi ako papayag na maging bastardo ang batang iyan! Wala sa pamilya ng mga Tan ang pagiging bastardo! Sabihin mo, o ipapalaglag mo ang bata na iyan!" Hindi pa rin tumitigil si Lucilla sa pag iyak, lalo na ng sabihin ng kanyang ama na ipapalaglag ang bata.
"Wala papa, wala akong sasabihin!." Sigaw na sambit ni Lucilla habang umiiyak pa rin. Kahit alam niyang hindi maganda ang mangyayari, pinili paring gawin ni Alfonso ang tama, doon na siya nagpasyang pumasok sa loob.
"Ako, ang ama ng ipinagbubuntis ni Lucilla Mr. Tan!"