Hindi malaman ni Thalia ang gagawin n'ya, dahil tinanghali s'ya bigla ng gising. Hindi s'ya agad nakatulog kagabi, gawa ng hindi pa rin mawala ang kaba na kanyang nararamdaman.
Hanggang sa paggising n'ya ngayong umaga, andoon pa rin ang kaba na nararamdaman n'ya. Kaba na hindi n'ya mapaliwanag kung saan nagmumula.
Thalia
"Nasosobrahan na ba ako sa kape?" Natanong ko na lang sa aking sarili. Naiiling na lang na napatingin si Thalia sa sarili n'ya, sa harap ng salamin.
Habang naglalagay ng polbos, at lipstick para hindi naman s'ya magmukhang putla, napansin n'ya ang maliit na box sa loob ng drawer n'ya ng kumuha s'ya ng panyo.
Bigla na naman n'yang naalala si Matthew. Kinuha n'ya ang box na naglalaman ng kwintas na bigay nito sa kanya, ng mag propose ito na maging girlfriend s'ya nito.
Buhat ng hubadin n'ya ang kwintas, ngayon lang ni Thalia ulit sinubukang tingnan ang kwintas na iyon.
Nasa kwintas na iyon ang masayang alaala na pwede pa sila ni Matthew. At sa pag huhubad n'ya ng kwintas andoon ang pait sa puso n'ya na hanggang ngayon hindi pa rin n'ya matanggap.
Hanggang ngayon mahal pa rin n'ya si Matthew hindi bilang kapatid, kundi bilang nobyo. Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin n'ya ito makuhang kausapin.
Minsan gusto ni Thalia na itanong sa tadhana kung ano ang mali n'yang nagawa, para hindi makasama ang taong, mahal na mahal niya. Dahilan lang sa pagkakataong mali naman talaga sa mata ng tao, batas at simbahan.
Gustong gusto ni Thalia na makausap o marinig man lang ang boses ni Matthew pero, hindi n'ya magawa, baka lalo lang silang mahirapan, at masabi n'ya dito kung gaano n'ya ito kamahal. At makagawa pa siya ng hindi tama.
Nawala ang pag-iisip ni Thalia ng maramdaman n'ya ang paghawak ng kanyang mama sa balikat n'ya na hindi n'ya napansin na nakapasok na pala sa loob ng kwarto n'ya at katabi na n'ya ngayon.
Napansin din n'ya, na nakatingin ang kanyang mama, sa kwintas na hawak n'ya, na bigla na lang n'yang ikinayakap sa kanyang mama, at doon ay ibinuhos ang kinikimkim na luha.
"Ma, bakit ang sakit sakit pa rin? Ma, bakit sa tagal ng panahon, hindi ko pa rin s'ya makalimutan. Alam kong mali, pero mama hirap na hirap na ako. Hindi ko naman maturuan ang puso ko na magmahal ng iba. Ibaling ko man sa ibang bagay ang nararamdaman ko, dumarating pa rin ako sa punto ng buhay ko na sa kanya pa rin ako bumabalik." Naiiyak kong sambit kay Mama. Matagal na rin ang nakalioas na mga taon. Pero walang nagbabago sa nararamdaman ko.
"Anak, alam kong nahihirapan ka, pero kailangan nating bumalik ng Pilipinas." Natigilan ako sa sinabi ni mama.
"Mama, parang hindi ko pa kayang bumalik ng Pilipinas, hindi pa ako handang makita si Matthew." Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni mama bago muling nagsalita.
"Alam kong hindi ka pa handa, pero alam kong kailangan ka n'ya ngayon." Naguguluhan ako, pero hindi ko pa rin malaman paano ako naging kailangan ni Matthew ngayon. Nakatitig pa rin ako kay mama ng may pagtatanong sa aking mga mata.
"Naaksidente si Matthew, madaming dugo ang nawala sakanya, hanggang ngayon wala pa rin s'yang malay."
Halos matulos ako sa aking kinauupuan, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin. Makakaya kong hindi ko s'ya nakikita, pero ayaw ko ng ganito, ayaw kong iwan ako ni Matthew.
Lalo na lang akong umiyak, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. 'Kaya ba ako kinakabahan dahil nararamdaman ko na may masamang nangyari kay Matthew?' Tanong ko sa isip ko na lalo ko na lang ikinaiyak dahil sa natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Alfonso
Ilang araw na ang nakakalipas, pero hindi pa rin nagkakamalay si Matthew, sabi ng doktor ligtas na s'ya.
Nakahanap kami ng dugo, sa ibang ospital para kay Matthew. Kaya kahit papano ligtas na s'ya sa kapahamakan. Ang tanong lang kailan s'ya magigising.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa aking mga anak ang katotohanan. Apat na taon sila nagkalayo, dahil sa isang kasinungalingan.
Hindi ko man tunay na anak si Matthew, pero itinuring ko s'yang tunay na anak. Walang kasalanan ang mga bata. Kundi gawa ito ng makasariling pagnanais.
Alam kong may kasalanan din ako at hindi muna ako nag imbestiga ng mga panahon na iyon. Dahil nakonsensya ako ng malaman kung buntis si Lucilla.
Hindi ako ang tao na tumatakbo sa responsibilidad kahit ang kapalit noon ay ang tunay kung kaligayahan.
Na sa masakit na pangyayaring, pati ang kaligayahan na makasama ko si Maria, at ang akin anak na si Thalia ay naglaho.
Hindi man lang pumasok sa isip ko, na hindi ko kadugo si Matthew kahit pa, isipin ko kung saan parte ko mang isipin na walang nakuha na pagkakahawig sa akin.
Napapailing na lang ako, sa mga naiisip ko ngaun. Sana ay masaya ng nagsasama ang aking mga anak. Siguro may tumatakbo na rin akong mga apo, sa loob ng nakalipas na apat na taon.
Pero anong meron ngayon, si Matthew na nakaratay sa kama na maraming aparatus na nakakabit, at hindi malaman kung maggigising pa, at ang aking anak na si Thalia na hanggang ngayon ay nasa ibang bansa pa, na parehong hindi matanggap na magkapatid sila.
Nawala lang ang aking, malalim na pag iisip ng mag vibrate ang cellphone ko, at makita kung tumatawag si Lucas.
"Hello, Lucas"
"Alfonso, uwi kami bukas. Kumusta na si Matt?"
"Kami?" Takang pagtatanung ko kay Lucas.
"Oo kami, sinabi na ni Maria kay Thalia ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ni Matthew. Sasama daw s'ya pauwi. Gusto daw n'ya itong makita."
Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Alfonso, hindi n'ya alam kung paano ipagtatapat sa mga kaibigan ang totoo, lalo na sa kanyang anak na si Thalia. Na hindi niya tunay na anak si Matthew.
"Ang lalim nun ah? May problema ka ba Alfonso? Sa tagal nating magkakaibigan nina Maria, ramdam kong may iba ka pang problema, bukod sa nangyari kay Matthew." Tanong pa ni Lucas.
"Hindi ko alam Lucas, kung matutuwa ba ako sa nalaman ko oh magagalit, wala akong mapaglabasan ng iniisip ko, at nalaman ko. Pero kong iisipin kong mabuti, dapat maging masaya ako. Kaya lang pag nakikita ko si Matthew na nakaratay sa kama ng ospital, nanlilumo ako." Mahabang sagot si Alfonso.
"So may problema ka pa ngang iba? Try me Alfonso, what are friends are for? Kung sa ganyang problema hindi kita madadamayan."
Isang malalim na paghinga ang binitawan muli ni Alfonso bago, muling nagsalita.
"Hindi ko tunay na anak si Matthew, hindi sila magkapatid ni Thalia." Mga salitang binitawan ni Alfonso na ikinabigla naman ni Lucas.