Chapter 13

1150 Words
Thalia Mabilis lumipas ang araw, linggo, buwan, at taon. Apat na taon na kami ni mama dito sa ibang bansa. Apat na taon na rin akong walang balita kay Matthew. Minsan dumadalaw dito si daddy, pero wala na rin naman akong tinatanong tungkol kay Matthew, wala din naman silang nakukwento. Hindi pa rin siguro ako maka move on. Hindi ko pa rin makalimutan si Matthew. Kahit alam kong mali, at mali naman talaga itong nararamdaman ko. Pero hindi ko magawang magmahal ng iba. Baka tumanda na lang tayong dalaga pag nagkataon. Madaming nanliligaw sa akin dito, mayayaman gwapo, anak ng bilyonaryo, may-ari ng kompanya, pero hindi ko alam sa sarili ko, kung bakit hindi ko maibigay ang puso ko sa iba. Unfair di ba? Pag may lumalapit sa akin, para magtangkang manligaw, palagi ko na lang ipinapakita ang kaisa isahang picture namin ni Matthew, na iniwan ko sa cp ko. Lahat denelet ko na. Maliban don sa isang picture na magkatabi kami na masaya, at ipinapakilala kong asawa ko s'ya. Funny right? Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, na paniwalain ang mga nagtangkang manligaw sa akin na may asawa na ako. Kahit ako lang naman ang nakakaalam. Pero may nakilala ako, sa lahat ng lalaki na nakilala ko, sa kanya ko lang naramdaman na wala s'yang interest sa akin. Kaibigan lang ganon, kaya sya lang ang hindi ko iniwasan. Alam n'ya ang tungkol kay Matthew, at ang masaklap na nangyari sa buhay namin. Sakanya lang ako nagtiwala, sakanya lang ako umiiyak pag naaalala ko si Matthew. Madalang lang s'yang bumisita, nasa Pilipinas ang business n'ya. Pumupunta lang s'ya dito para dalawin daw ako. Ang swerte ko naman sa kaibigan. Malas lang sa buhay pag-ibig. Nagbabakasyon lang daw s'ya nung aksidenteng magkakilala kami. Dito daw kasi naninirahan ang ilang kamag-anak n'ya, kaya pabaka bakasyon na lang. Ang yaman di ba? Isang buwan, na kami dito ni mama ng makilala ko s'ya sa isang coffee shop. Pumunta ako dun para maibsan ang lungkot ko. Kaso habang papalapit ako sa table na uupuan ko, nagkabanggan kami at natapunan ko s'ya ng kape sa puting-puti n'yang polo lang naman. Buti na lang laging s'yang handa, at palaging may extra daw s'yang t-shirt sa kotse nya. Kaya nagpalit muna s'ya ng damit bago bumalik sa loob coffee shop. Doon kami nagkakilala ng bestfriend ko ngayon, si Knight. Gwapo, mayaman, wala na akong ibang masabi basta ang perfect n'ya. Kung hindi lang talaga tanga ang puso ko, na naiwan kay Matthew baka na in love na talaga ako dito kay Knight, wala eh, tanga lang. Alam na ngang hindi, pwede hindi pa rin mabitawan. Kumusta na kaya s'ya, hanggang ngayon hindi ko pa rin s'ya matawag na kuya. Kaya kahit minsan hindi ko s'ya nakumusta kay papa. Siguro pag tanggap ko na, pag tanggap na namin ang kapalaran namin. Siguro magkakausap din kami, at matatawag ko na s'yang kuya, at tulad ng sabi n'ya na sinabi ni papa na ako ang little sister n'ya. Matthew Apat na taon, apat na taon kung hindi nakakausap si Thalia. Pero sa apat na taon na iyon, alam ko lahat ng tungkol sa kanya. Alam ko din na malungkot s'ya, alam ko ding wala pa s'yang boyfriend. Paano ba s'ya magkakaroon ng boyfriend, kung pag may lalapit at manliligaw sakanya, sasabihin n'ya na may asawa na s'ya. Bumili pa nga s'ya ng singsing, para lang mapanindigan sa sarili n'ya, sa mga manliligaw n'ya na may asawa na s'ya. I miss my baby, I miss my Thalia. Pero wala akong magawa kundi, tumanaw lang sa malayo, at alamin ang lahat ng ginagawa n'ya. Masaya akong nakilala s'ya, at nakasama ko s'ya, noong panahon na alam naming hindi pa mali ang lahat. Hindi ko pa kayang tawagin s'yang little sis tulad ng sinabi ko kay daddy nung hindi ko pa s'ya nakikilala. Kaya hindi ko pa s'ya malapitan para kausapin hanggang ngayon. Siguro pagdating ng tamang panahon pero hindi pa sa ngayon. Ilang buwan, buhat ng umalis sina Thalia, pinilit kong ayusin ang buhay ko, para man lang sa kompanya, at sa mga empleyado ko. Kaya kahit mahirap, ginugugol ko na lang sa trabaho ang buhay ko. Wala din namang mangyayari kong magmumukmok ako. Trabaho, at alak lang ang sandalan ko. Buhat nung nalaman kong kapatid ko daw si Thalia hindi na ako umuwi sa bahay. Tinatawagan ako ni daddy at ni mommy para kumustahin, pero pag nasagot ko na, na buhay pa naman ako, binababa ko na ang tawag. Atleast alam nila na buhay pa ako at humihinga. Pumunta ako sa bar ni Ice, chill lang. Para magpakalango ulit sa alak. Sanay na sa akin si Ice, hindi na rin n'ya ako pinapagalitan. Naging parang tatay ko na si Ice, sa loob ng apat na taon. Kahit mas matanda pa ako sakanya. Payo at sermon ang inaabot ko dito lalo na, nung walang wala ako sa sarili ko. Pero kita naman n'ya ngayon, na pilit akong bumabangon kaya, naiintindihan na n'ya ako. I need time to heal. "Hey bro, tulad ng dati, VIP room ako ha." Sabi ko kay Ice na s'ya na magsasabi sa waiter. Sa loob ng apat na taon, alam na nila ang gusto ko. Tahimik sa loob ng VIP room. Hindi mo maririnig ang ingay, ng malalakas na tugtog sa labas, pwede ngang mag meeting dito ang isang buong team ng kompanya, kung may gusto man. Pero para sa akin, ito ang tahanan ko, ito ang comfort zone ko, sa nakalipas na apat na taon. Wala ngang ibang nag occupy ng room na ito, maliban sa akin sa loob ng apat na taon. Kaya mabuti na lang talaga kaibigan ko si Ice. Inabot na ako ng madaling araw, pero ewan ko ba, parang gusto kung umuwi sa condo ko. Pag ganito kasi, hinahayaan na lang ako ni Ice, hanggang makatulog sa VIP room. Pero hindi ko talaga alam kung ano ang naisipan ko at hindi na ako, nagpaalam kay Ice, at mabilis akong nagpunta sa parking lot, at sumakay ng kotse ko. Gusto ko lang umuwi, sa condo ko. Habang sakay ng kotse ko. Bigla na lang nag ring ang cp ko. "Tumatawag si mommy, siguro nasabihan na ni Ice si mommy na lasing ako at umalis pa rin ng bar n'ya. Tss." Nasabi ko na lang sa sarili ko. Dahil sa kalasingan, nabitawan ko pa ng cp ko. "F*ck!." Mahinang pagmumura ko. Habang kinakapa ko ang cp ko sa ilalim. Nasagot ko naman ang cp ko. "Yes mom nagmamane....." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko ang mabilis na pag high and low ng ilaw ng truck na kasalubong ko, at narinig ko ang malakas na pagbusina ng sasakyan. Naramdaman ko na lang mainit na likido sa akin ulo, at narinig ko sa kabilang linya ang sigaw mommy na tinatawag ang pangalan ko, hanggang sa nilamon na ng dilim ang paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD