Chapter 16

1238 Words
"Hindi ko tunay na anak si Matthew, hindi sila magkapatid ni Thalia." Maririnig sa kabilang linya ang pagsinghap ni Lucas, halatang nagulat ito sa sinabi ni Alfonso. Rinig din ang pagkabasag ng isang bagay, na wari mo ay nabitawan ni Lucas, gawa ng pagkagulat, sa sinabi ni Alfonso. "Paano nangyari? Paano mo nalaman? Kanino mo nalaman? Di ba kaya nagkahiwalay ang mga bata? Alam nating mahal na mahal ng dalawang bata ang isa't isa. Apat na taon silang nagdusa sa pag aakalang magkapatid sila? Tapos kung kailan, may isang buhay na nanganganib, biglang hindi naman pala sila magkapatid?" Mahabang litanya ni Lucas sa kabilang linya, na kahit naman siya ay nagulat din sa nalaman niyang iyon. Hindi rin lubos maisip ni Alfonso, sa tagal ng panahon na tiis ng mga anak niya. Heto at hindi naman pala sila magkadugo. Wala silang ugnayan. "Kaya nga sabi ko sayo, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa nangyari. Una hindi naman natin alam na magkakagustuhan ang mga bata. Pangalawa hindi ko inaasahan na nagkaanak kami ni Maria, dahil sa paglilihim n'yo, pero hindi ako galit dahil doon dahil una ako ang may kasalanan. Kung tutuusin, nagpapasalamat ako, na hindi mo pinabayaan ang mag-ina. Ikaw ang tumayong ama kay Thalia, na dapat ako ang gumagawa. Salamat Lucas. At ito na nga ang sinasabi ko, balik tayo. Pangatlo, bigla ko lna lang malalaman na hindi ko anak si Matthew. Lucas anong gagawin ko? Paano ko ipapaliwanag sa mga bata ang totoo kung si Matthew ay ito nakaratay sa higaan sa ospital, walang malay." Ramdam ni Lucas, ang bigat na nararamdaman ng kaibigan. Nasasaktan ito, para sa mga anak na dapat ngayon ay masayang nagsasama. Pero dahil sa makasariling kagustuhan. Dahil sa nakakabulag na pagmamahal. Nangyari ang lahat na pangyayari at ang isang aksidenteng nagdulot ng panganib sa buhay ni Matthew. Nakwento din ni Alfonso kung paano n'ya nalaman, na hindi n'ya anak si Matthew. Dahil na rin sa pag amin ni Lucilla. Pero hindi pa rin nito sinasabi kung sino ang tunay na ama ni Matthew. Kung paanong nangyari, na tumugma noong panahon na iyon ang pagbubuntis ni Lucilla. Sa panahon na akala ni Alfonso may nangyari nga sa kanilang dalawa. Masakit malaman, na dahil lang sa labis na pagmamahal, may nasira silang relasyon, at may nasisirang buhay. Kung magigising si Matthew, maaaring maituwid qng lahat. Maiitama pa ang mali. Huwag naman sanang pahintulutan ng nasa Itaas na bawiin ng maagap, ang isang buhay na hindi nararanasan ang maging masaya, kasama ng babaeng minamahal niya. Humingi rin ng tulong si Alfonso kay Lucas para masabi kay Thalia ang totoo, pero dahil sa payo ni Lucas, na saka na muna nila sabihin kay Thalia ang katotohanan pag nagising na ito. Sa pagdating na lang din daw nina Lucas, sasabihin kay Maria ang katotohanan, at hintayin ang pagising ni Matthew, bago malaman ni Thalia, dahil walang kasiguraduhan ang mangyayari kay Matthew, pero umaasa sila na magigising ito. Pagtungtong pa lang ng Pilipinas nina Thalia, hindi na sila nagdalawang isip, at diretso na agad sila sa ospital kung nasaan si Matthew. Kinakabahan man sa makikita n'ya, pero gusto pa rin n'ya itong makita. Pagtapat nila sa isang private room, hindi malaman ni Thalia ang nararamdaman n'ya, kaya si Lucas na ang kumatok at nagbukas ng pinto. Nadatnan nila si Alfonso at Lucilla na nakaupo sa magkahiwalay na upuan, at si Matthew na napakaraming tubo, nanakakabit sa katawan. Halos matulos, sa kinatatayuan si Thalia, hindi niya maigalaw ang mga paa, na nakikita niyang kalagayan ng binata. Hindi niya inaasahan na sa ganoong kalagayan pa sila magkikita, makalipas ang apat na taon. Sabi ng mama n'ya, ligtas na si Matthew sa ngayon. Pero hindi niya inaasahan ang tagpo na iyon, na maraming tubo na nakasuporta kay Matthew at oxygen para masuportahan ang kanyang paghinga, monitor para sa kanyang puso, at kung ano ano pa. Halos pagpanawan siya ng malay, sa nakikita niya, ang masigla at palangiti na Matthew, ngayon ay nakahiga sa kama, maputla at walang malay. Hindi malaman ni Thalia kung paano s'ya, nakalapit sa kamang hinihigaan ni Matthew. Hinawakan niya ang kamay nito, at doon ibinuhos ang mga luhang, kanyang kinikimkim. Awa ang nararamdaman ng apat na pares ng matang, nagkatingin kina Matthew at Thalia. Hanggang sa nagdesisyon silang apat na lumabas ng kwarto na iyo, para maiwan ang dalawa. Pagkalabas nilang apat, inaya ni Alfonso sina Lucas, at Maria sa may garden sa likod ng ospital. Naupo sila sa may bench malapit sa mga malalaking puno na nagbibigay lilim dito. Pagkaupo nila, biglang nagsalita si Lucilla, na alam na naman ni Lucas at Alfonso ang dahilan. Si Lucilla kasi ang magsasabi ng katotohanan kay Maria. "Maria, una sa lahat, humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan na nagawa ko." Napatingin naman si Maria dito, dahil alam naman niyang matagal na iyon, para pag usapan pa. "Matagal na iyon Lucilla, wag kang mag-alala pinatawad na kita. Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan, masaya akong tanggap mo ang anak namin ni Alfonso." Lalong bumuhos ang luha ni Lucilla sa narinig mula kay Maria. Lalo lang s'yang na guilty dahil napakabait pa rin ni Maria hanggang ngayon, kaya alam na niya kung bakit, minahal ito ni Alfonso. "Maria patawarin mo ako, hindi ko sinasadya na mahulog ang loob ni Matthew kay Thalia at ganoon din si Thalia kay Matthew. Hindi ko sinasadyang dahil sa makasarili kong kagustuhan, nasasaktan ngayon ang mga bata." Niyakap ni Maria si Lucilla, alam din naman n'ya na nahihirapan ito, sa sinapit ng mga anak. "Matagal na kitang napatawad, kaya wag ka nang mag-isip. Ang mahalaga ay ipagdasal na lang natin ang kaligtasan ni Matthew at matanggap ng mga bata ang kapalaran nila bilang magkapatid." Bumitaw sa pagkakayakap ni Maria si Lucilla, at tinitigan ito sa mata. Bago magsalitang muli. "Hindi magkapatid, si Thalia at Matthew." Napasinghap sa gulat si Maria. "Paanong?" Hindi natuloy ni Maria ang sasabihin ng biglang pumasok sa isipan niya ang tagpo, nung ipinakilala ni Matthew ang kanyang sarili bilang manliligaw ni Thalia. Pagpapaalam na kung maaari, n'yang maging girlfriend ang kanyang anak. Kung paano, nila nalaman na magkapatid ang dalawa, at ang tagpo kanina, na dumurog sa puso n'ya na makita ang kanyang anak, na umiiyak, na makita ang lalaking minamahal sa loob ng maraming taon, na inaakala niya na maling pagmamahal ang natagpuan ng kanyang anak, dahil sa pagkakaalam nila na kapatid niya ito. Hindi halos makapagsalita si Maria, habang naiisip ang mga pangyayari ang pagdurusa ng dalawang bata, na hindi naman pala dapat. Hanggang sa magsalita na muli si Lucilla. "Maria, bigyan mo sana ako ng isa pang pagkakataon, itatama ko ang lahat. Hindi ko na kayang makita, ang aking anak sa ganoong kalagayan, hindi ko na nakikita ang masayahin si Matthew, na ako naman talaga ang may kasalanan sa lahat. Hayaan n'yong ituwid ko lahat ng aking pagkakamali. Sana bigyan ninyo akong lahat ng isa pang pagkakataon." Malungot na pagsusumamo ni Lucilla sa mga kaharap. Bumuhos namang muli ang mga luha sa pagitan nilang dalawang babae, habang si Alfonso at Lucas, ay nakamasid lang sa kanilang dalawa. Masaya si Lucilla, kahit papano sa loob ng napakaraming taon, parang gumaan ang kanyang pakiramdam. Parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Hindi niya inaakala na ang paghingi ng tawad kay Alfonso at kay Maria, at ang kapatawaran ng dalawa ang magbibigay sakanya ng kalayaan at kapayapaan sa bigat ng puso na kanyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD